⛔️Warning: This is a dark romance novel. Most scenes are not suitable for young and sensitive readers. May mga malalaswa at bayolenteng eksena. Kung hindi rin po kayo sanay na naaapi ang bida, this story might not be for you.⛔️
………
“MURDERER!” puno ng pagkamuhi na asik ni Gabriel habang sakal-sakal nito ang leeg ni Malicia.
Sa kabila ng pagpatak ng malakas na ulan sa kanyang mukha, sinalubong ni Malicia ang tingin ng lalaking kaharap. Napakalamig ng gabing ito ngunit kitang-kita niya ang apoy sa magaganda nitong mga mata.
“G-Gab… please,” bulong niya sa ipit na boses dahil nakapulupot pa rin ang kamay nito sa leeg niya. Sinusubukan niyang alisin iyon.
“Don’t you dare mention my name!” Patulak siya nitong binitiwan kaya napaatras siya ng ilang hakbang at muntikan pa ngang matumba sa madulas na semento. “You disgust me.” Dumura pa ito sa harapan niya.
Pinulupot ni Malicia ang mga kamay sa sariling katawan dahil nanginginig na siya sa lamig. Kanina pa siya basang-basa sa ulan dahil hinintay niyang makauwi si Gabriel. Sinubukan niyang pakiusapan ang guwardiya sa gate ng mansion nito na pasilungin na muna siya sa loob ngunit hindi talaga siya pinagbigyan dahil magagalit daw ang amo nito.
Kaya heto siya ngayon, tila isang basang sisiw. Nang dumating ang kotse ng lalaki, agad itong bumaba ng sasakyan. Ngunit imbes na i-welcome siya, bigla siya nitong sinakal.
Subalit masisisi niya ba ito? Hindi ba’t inasahan naman talaga niyang magagalit ito kapag nagkita sila?
But she was left with no choice. She was a stranger to the outside world. Wala siyang ibang kakilala. Walang ibang alam sa kalakaran ng mga tao sa labas ng Isla de Almino.
“Umalis ka rito bago pa kita mapatay!” bulyaw ni Gabriel na sumabay pa sa napakalakas na kulog.
Ngunit hindi natinag si Malicia.
“P-Please, Gab. Wala akong ibang malapitan,” muli niyang pakiusap.
“Then go to hell!”
Mabilis itong tumalikod at bubuksan na sana ang pintuan ng kotse, ngunit muling nagsalita si Malicia na ikinatigil nito.
“B-Buntis ako.”
Dahan-dahan itong pumihit paharap habang naninigkit ang mga mata.
“Anong sabi mo?”
Pinigilan niyang mapahikbi. Nilunok niya ang lahat ng emosyon. Kahit kailan ay hindi niya naisip na dadating siya sa ganitong punto na makikiusap siya sa isang lalaki na bigyan siya ng pansamantalang masisilungan at makakain.
Lumaki siyang buhay-prinsesa at kinatatakutan ng mga nakapaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap lang, nagbago ang lahat sa buhay niya.
“Buntis ako, Gab. N-Nagbunga ang mga nangyari sa atin sa isla.”
Muling sumiklab ang apoy sa mga mata ng binata. “Liar!”
Sinugod siya nito at mariing hinawakan sa magkabilang balikat. Halos bumaon na ang mga kuko nito sa laman niya.
“Papatayin kita gamit ang sarili kong mga kamay. Naiintindihan mo? Papatayin kita! You can’t manipulate me with your lies. Wala kang puwang sa mundong ito. So you better get out of my sight bago pa kita mapatay!”
Muli siya nitong itinulak at sa pagkakataong ito, tuluyan na siyang nawalan ng balanse. Pabagsak siyang napaupo sa semento ngunit hindi man lang ito natinag. Bagkus ay tumalikod na ulit ito upang iwan siya doon.
“Sir, ‘yong babae. Hinimatay!” sigaw ng guwardiya na tumatakbong lumabas ng guard house habang nakapayong.
Napatigil ulit si Gabriel sa labas ng pintuan ng kotse nito. Napatiim-bagang ito at pumikit bago humugot ng malalim na hininga.
Nagtatalo ang loob nito kung tutulungan siya o hindi. She was an enemy, after all. Ngunit paano kung buntis talaga si Malicia at ito ang ama?
“F*ck!” Kinuyom nito ang mga palad at tiningnan ang guwardiya. “Bring her inside!”
………
NANG magising si Malicia, hindi muna kaagad siya dumilat. Pinakiramdaman niya ang paligid. Ang huli niyang natatandaan ay tinulak siya ni Gabriel sa labas ng bahay nito habang umuulan ng malakas.
Ngunit sa ngayon ay nakahiga siya sa malambot na kama at tuyo ang suot niyang damit.
“So totoo ang sinabi niya? She’s really pregnant?”
Alam niyang boses iyon ni Gabriel ngunit hindi niya alam kung sino ang kausap nito.
“Yes. She’s around sixteen weeks pregnant,” sagot ng boses ng lalaking hindi niya kilala.
“Four months? Pero hindi halata sa katawan niya.”
“She’s malnourished. Hindi natin alam kung ano ang mga pinagdaanan niya simula nang mangyari ang raid.”
Narinig niya ang malakas na pagbuga ng hangin ni Gabriel. Nagmura pa ito ng mahina.
“Do you think the child yours?” tanong ng estrangherong boses.
Matagal bago nakasagot si Gabriel. “The possibility is high. Yes.”
Ilang segundong katahimikan.
“So ano’ng plano mo ngayon?” tanong ng kausap nito.
“I want to kill this woman,” walang pag-aalinlangang sagot nito. “But I can’t harm my own flesh and blood.”
Napakagat-labi si Malicia. Iyon mismo ang pag-asang pinanghawakan niya sa loob ng ilang araw na hinanap niya si Gabriel. Alam niyang kapag nakita siya nito ay may posibilidad na patayin siya ng lalaki, ngunit umaasa rin siyang hindi siya nito sasaktan kapag nalaman nitong may anak sila. Kaya heto’t sumugal siya.
“So you’ll let her stay here?”
Humugot ng malalim na hininga si Gabriel. “Just for the meantime. Saka na ako magdedesisyon kung ano ang gagawin ko sa kanya kapag nailabas na niya ang bata.”
“Okay. Sasabihin ko sa secretary ko na padalhan ka ng pregnancy care instructions. Make sure she eats a healthy balanced diet. Hindi siya dapat masyadong ma-stress at…”
“No need for that,” agad na putol ni Gabriel. “I’ll call you kapag may kailangan ulit ako.”
Nagpaalam na ang kausap ni Gabriel kaya dahan-dahang idinilat ni Malicia ang mga mata. Nakita niya pa ang papalabas na lalaki na nakasuot ng white robe. Mukhang isa itong doktor.
Nakapamulsa si Gabriel habang sinusundan ng tingin ang pag-alis ng kausap, pagkatapos ay pumihit ito paharap kay Malicia.
Agad na naningkit ang mga mata nito nang makitang nakadilat na siya. “You’re awake.”
Dahan-dahan siyang umupo. “Salamat sa pag—”
Hindi niya natapos ang sasabihin dahil mabilis itong lumapit sa kanya at hinablot siya sa braso.
“A-Aray! Nasasaktan ako!” reklamo niya.
Ngunit mas lalo pang bumaon ang mga kuko nito. “Ang lakas ng loob mong magpakita sa akin, Malicia. Do you really think hindi ako gaganti sa lahat ng atraso at pang-aabuso mo sa akin?”
Winaksi niya ang kamay nito kahit pakiramdam niya ay nanghihina siya ngayon dahil sa ilang araw na wala siyang maayos na kain at pahinga.
“You can’t harm me. Anak mo ang dinadala ko!” asik niya rito.
Ngumisi ang lalaki. “Kanina lang nagmamakaawa ka sa akin sa gate. Ngayon lumalabas na ang tunay mong ugali. Bakit? Dahil narinig mo ang usapan namin ni Doc Leo? Sa tingin mo hindi na kita sasaktan dahil lang buntis ka? Don’t you dare think that you can manipulate me using that unborn child in your womb, Malicia. Dahil kung malaglag man iyan, mas matutuwa pa ako. I never wanted to have a baby with you in the first place!”
Bigla siya nitong hinila patayo.
“Aray, Gab! Nasasaktan ako!”
Tinulak siya nito sa pader at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
“Ito ang tandaan mo, Malicia. Oras na malaman ko na nagsisinungaling ka sa akin at hindi akin ang batang iyan, ora-mismo, babawian kita ng buhay gaya ng ginawa mo kay Jackie! Sisingilin kita sa lahat ng kasalanan n’yo sa amin.”
Napasinghap na lamang siya nang muli siya nitong hilahin palabas ng silid na iyon. Halos kaladkarin na siya nito sa mahabang pasilyo papunta sa malapad na hagdanan na gawa sa mamahalin at antigong kahoy.
Nang makarating sila sa first floor, may nakasalubong silang mga naka-unipormeng katulong. Halata sa mukha ng mga ito ang labis na pagtataka.
Bumaba ulit sila sa isa pang hagdan. Mas makipot ang hagdan na ito at may kadiliman dahil walang ilaw. Narating nila ang pintuan sa huling baitang at nang buksan iyon ng lalaki, kaagad siya nitong itinulak papasok doon.
Napasubsob siya sa sahig. Mabuti na lamang at naitukod niya ang mga kamay.
Bago pa man siya makatayo, muli nang isinara ni Gabriel ang pintuan at narinig na lamang ni Malicia na kinandado na iyon ng binata.
Sobrang dilim sa loob. Wala siyang makita kahit na ano.
“Gab! Palabasin mo ako dito!”
Dali-dali siyang tumayo at malakas na pinaghahampas ang pintuan. Ngunit narinig na lamang niya ang mga yapak nito paakyat ng hagdan.
“Buksan mo ang pinto! Gab! Huwag mo akong ikulong dito, please!”
Ilang beses pa siyang sumigaw habang kinakalabog ang pintuan ngunit hindi na siya binalikan nito.
Nahahapong napadausdos siya paupo sa sahig.
Pakiramdam niya ay bulag at bingi siya dahil wala siyang kahit na anong makita at marinig sa silid na iyon.
Gusto niyang umiyak. Pero paano ba umiyak? Matagal na niyang nakalimutan kung paano gawin iyon.