Chapter 2

1437 Words
Trigger Warning: Graphic Scene FIFTEEN YEARS AGO “AAAAHH! Tama na, pakiusap! Ugghh! Ugghh!” Napatigil sa paglalakad ang pitong taong gulang na si Malicia at tiningnan ang direksyon kung saan nanggagaling ang mga hiyaw na iyon. “Ano ‘yon?” Kunot-noong tanong niya sa hangin. Lumabas siya kanina ng mansion at pumunta rito malapit sa gubat dahil nakatakas ang alaga niyang kuting. Hinabol niya iyon at hinanap ngunit dahil nagsisimula nang kumapal ang hamog ngayong hapon, nahirapan siyang tukuyin kung saan na ito sumuot lalo na’t may kahabaan ang mga damo sa dakong ito. At ngayon nga ay natawag ang atensiyon niya ng mga hiyaw na iyon na tila tinig ng isang babaeng nahihirapan. Palagi siyang nakakarinig ng mga daing at sigaw ng mga tao rito sa isla ngunit kalimitan ay hindi siya pinapalapit o pinapapunta sa mga ito. Ngayon lamang na nakalabas siya ng mansion ay na-curious siya at gusto niyang makita kung ano ba iyon. “Uuugghhhh! Tama na!!!” Dahan-dahang lumapit si Malicia sa lumang bahay na gawa sa bato. Halos hindi na iyon makikilalang bahay dahil wala nang bubong at iilang pader na lamang ang nakatayo. Nagkubli siya sa isang pader kung saan halos nasa baywang na niya ang taas ng mga damo at sumilip siya sa loob. May isang babaeng nakahiga sa mesa na walang kahit na anong saplot sa katawan. Marami itong mga sugat at magulo ang buhok. May dalawang lalaki itong kasama. Ang isa ay nasa paanan nito at hindi alam ni Malicia kung bakit inuumpog nito ang ibabang bahagi ng katawan sa pagitan ng mga hita ng babae. Ang isang lalaki naman ay nasa ulunan ng babae. Nakababa ang suot nitong pantalon at nagulat si Malicia dahil may kung anong laman ang nakausli doon at pilit na pinapakain pa sa babae na para bang hotdog. Tuwang-tuwa ang dalawang lalaki na paminsan-minsan ay umuugol pa na tila sarap na sarap sa ginagawa nila. Habang ang babae ay umiiyak at nagpupumiglas. Natutop ni Malicia ang bibig. Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil nalilito siya sa ginagawa ng mga ito. Sanay siyang makakita ng mga taong umiiyak at nasasaktan dito sa isla dahil iyon na ang nakagisnan niya ngunit ngayon pa lamang siya nakakita ng ganito. “Sige, isubo mo pa, hayop ka! P*tang ina! Isubo mo pa!” marahas na sigaw ng lalaking nasa ulunan ng babae. “T*ng-ina, kahit ‘di na virgin, ang sikip pa rin, pare! Ooooh! Sh*t! Ang sarap!” sigaw naman ng isa habang bumabayo nang malakas. Nagpumiglas ang babaeng nasa ibabaw ng mesa. Nang nagawa nitong alisin ang laman ng lalaki sa bibig nito ay muli itong sumigaw. “Patayin n’yo na lang ako! Parang awa n’yo na. Patayin n’yo na lang ako!” Nagtawanan ang dalawang lalaki. “T*ng-ina, anong patayin pinagsasabi mo? Sabi ni boss pagsasawaan ka raw muna namin, g*go!” Pinatayo ng dalawang lalaki ang babae. Ngayon lang napansin ni Malicia na maging ang isang lalaki ay mayroong nakausling laman na ipinapasok pala nito kanina sa gitna ng mga hita ng babae. Ngayon ay pumuwesto ang isa sa harapan ng babaeng nakatayo at ang isa naman ay sa likuran nito. Pagkatapos ay sabay ulit nilang tinitira ang babae gamit ang kanilang mga laman. Nagsisisigaw ang babae ngunit pinagtatawanan lamang ito ng dalawa. Hanggang sa tila napagod na ito at hindi na nagpumiglas pa. Tahimik na lamang itong lumuluha ngayon na para bang tuluyan nang nawalan ng pag-asa. Nakita pa ni Malicia na mayroon nang dugong dumadaloy sa mga hita ng babae. Mayamaya ay bumaling ang ulo ng babae sa direksyon niya. Ilang segundong nagtama ang mga mata nila. Gumagalaw ang bibig ng babae ngunit walang boses na lumalabas doon. Ngunit alam ni Malicia na sinusubukan nitong humingi ng tulong sa kanya. Kinuyom niya ang mga palad at buong tapang na humakbang upang pahintuin ang dalawang lalaki sa ginagawa ng mga ito nang may biglang humawak sa balikat niya mula sa likuran. Napasinghap ang batang si Malicia at pumihit. “Bakit ka naririto?” pagalit na bulong ng matandang lalaki na sidekick ng Daddy Julio ni Malicia. “Tikboy!” Nagliwanag ang mga mata niya at kakausapin sana itong patigilin ang ginagawa ng mga lalaki, ngunit nilagay nito ang hintuturo sa ibabaw ng bibig at ilong. “Sssh!” Saway nito sabay galaw ng mga mata papunta sa gilid. Sinundan niya ng tingin ang mga mata nito at nakitang nakatayo roon ang daddy niya na bahagyang madilim ang mukha. “Daddy!” Tumakbo siya at tumalon para magpabuhat dito. “Anong ginagawa mo rito, Malicia?” tanong nito. “Daddy, nakatakas po si Mellow,” aniya na ang tinutukoy ay ang kuting na in-adopt niya noong makita niya itong palaboy-laboy sa gilid ng mansion. “A-At… at… Daddy, may ginagawa po ang mga lalaki doon sa isang babae. Tulungan natin, Daddy!” Dumilim ang mukhka ni Julio. Imbes na puntahan at tulungan ang tinutukoy niyang babae ay naglakad ito paalis ng lugar na iyon, pabalik sa mansyon. “Daddy, kawawa po ‘yong babae! Pinagtutulungan nila. Tulungan natin, please.” “May mga bagay kang hindi dapat pakialaman, Malicia,” matalim nitong wika. “Pero, Daddy—” “Bumalik ka na sa mansyon.” Sinenyasan nito ang isang tauhan nito na agad namang lumapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Malicia dahil hawak nito ang alaga niyang si Mellow. “Mellow!” Nagpumiglas siya upang ibaba ng Daddy Julio niya. Patakbo niyang pinuntahan ang tauhan at kinuha si Mellow sa mga kamay nito. Mahigpit niyang niyakap ang maliit na pusa. Lumapit naman si Julio at hinaplos-haplos ang ulo ng bata. “Malicia, masyado nang napapalapit ang loob mo sa kuting na iyan.” “Ang cute-cute niya po, Daddy! Palagi siyang tumatabi sa akin sa pagtulog.” Lumuhod ito sa tabi niya at ngumiti. “Hindi ba sabi ko sa ‘yo hindi ka dapat masyadong na-a-attach sa mga bagay?” “H-Hindi naman po bagay si Mellow. May buhay po siya! She makes me so happy, Daddy.” “Mas lalo na,” sagot nito na may ngiti sa mga labi ngunit napakalamig ng mga mata. Naguguluhang nagsalubong ang mga kilay ni Malicia. Tumayo si Julio at binunot ang baril na nakasukbit sa baywang nito. Kinabahan si Malicia. Kinasa naman ng daddy niya ang baril at saka nakangiting inabot iyon sa kanya. “Shoot him, Malicia.” “Po?!” Nanlaki ang mga mata niya sa takot at bahagyang napaatras habang yakap-yakap ang alaga. “No, Daddy! Ayaw ko po! Please, huwag po.” Muli nitong hinaplos-haplos ang buhok niya. “You can do it, Malicia. Alam kong matapang ka. Hindi ba tinuruan ka ni Daddy paano gumamit ng baril?” “Pero, Daddy, huwag po si Mellow! Pet ko po siya!” Nagsimula siyang umiyak. “Malicia!” Niyugyog nito ang magkabila niyang balikat. “Hindi ba’t kabilin-bilinan ko sa ‘yo na huwag na huwag kang umiyak? Walang maitutulong iyang pag-iyak-iyak mo na ‘yan!” Kinagat niya nang mariin ang ibabang labi upang pigilan ang mga luha ngunit humihikbi pa rin siya. “Punasan mo luha mo!” utos nito at nang hindi siya gumalaw ay ito mismo ang marahas na nagpunas sa mukha niya. “Now,” muli nitong umpisa at inabot na naman sa kanya ang baril. “Ang pusang iyan ang babarilin mo, o ang Yaya Isay mo ang papatayin ko dahil hinayaan ka niyang makalabas ng mansyon?” “Daddy, huwag po! Please, Daddy!” Nagsimula na naman siyang umiyak nang malakas. Ngumiti ito at kinuha sa kamay niya si Mellow at ibinaba iyon sa lupa. “You can do it, Malicia,” pag-uudyok pa nito habang nilalagay sa kamay niya ang maliit na baril. Sunod-sunod ang pag-iling niya habang umiiyak. Tumakbo paalis ang maliit na pusa ngunit hinawakan ni Julio ang kamay ng anak at itinutok ang baril sa kinaroroonan nito. “Remember everything I taught you about shooting a moving target, Malicia?” bulong nito sa kanyang tainga. “Sundan mo siya ng ilang segundo gamit ang iron sights ng baril, at pagkatapos ay tantyahin mo ang kanyang bilis at kung saang direksyon siya papunta. And then… boom!” Kasabay ng huling salitang binitawan nito ay kinalabit nito ang trigger kung saan nakalagay din ang hintuturo ni Malicia. Umalingawngaw ang tunog ng baril sa kapaligiran at nagsiliparan ang mga ibon na nagpapahinga sa mga puno. “Mellooooow!!!!” tili ni Malicia nang makita ang pagsabog ng ulo ng alaga niyang kuting. Ngumiti si Julio at hinaplos ang ulo ng batang anak. “Good girl.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD