Chapter 15

1239 Words

“PAPATAYIN kita, Malicia! Papatayin kita!” paulit-ulit na sigaw ni Gabriel. Kinuyom ng dalaga ang mga kamao habang tumatagas ang dugo ni Jackie sa kanyang paanan. “Dalhin na bihag na ‘yan sa kulugan!” mariin niyang utos sa mga guwardiyang nakahawak ngayon kay Gabriel. Agad namang sumunod ang mga ito ngunit habang kinakaladkad ng mga ito ang binata, panay pa rin ang mga sigaw at pagbabanta nito kay Malicia. Muli niyang tiningnan si Jackie na wala nang buhay. “Linisin n’yo ‘to rito,” aniya sa mga tauhan. “Opo, Senyorita.” Pumasok na siya sa loob ng mansion at agad niyang hinanap si Rose. Natagpuan niya ito na kausap ang iba pang mga katulong sa kusina. Pinagtsi-tsismisan ng mga ito ang nangyari sa mga bihag, ngunit natahimik ang lahat nang pumasok siya. Halata sa mukha ng mga it

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD