MAGHA-HATING GABI na ngunit dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Malicia habang nakahiga siya sa sahig ng kanyang kuwarto at yakap-yakap ang magkabila niyang tuhod. Nakapatay ang lahat ng ilaw. Wala siyang natitirang lakas para tumayo at buksan iyon. Sobrang sama ng loob niya. Hindi niya maintindihan kung ano pa ba ang silbi niya rito sa mundo. Bakit pa siya nabuhay kung ganito man lang na palagi siyang nakakulong sa loob ng isla? At lahat ng mahahalaga sa kanya ay isa-isang nawawala. Isa-isang pinapatay. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang lahat ng mga ginawa nila ni Gabriel dito sa kanyang silid at mas lalo lamang sumisikip ang kanyang d*bdib dahil baka hindi na niya ito makikitang buhay. Pumikit siya ng mariin. Gusto niyang umiyak upang maibsan kahit papaano ang big

