TULALA si Malicia habang sakay sila ng maliit na banka. Kita niya ang isla sa malayo. Napakaliwanag niyon ngayon dahil sa malalaking apoy galing sa iba’t ibang parte ng isla. Rinig niya rin hanggang dito ang putukan ng mga baril. Everything felt so weird. Ngayon niya lamang nakita ang isla na ganito kalayo. Hindi pala ito ganoon kalaki kumpara sa kung nakaapak ka dooon. Kanina, bago sila makalabas ng secret tunnel, nagsuot sila ng wet suit at diving gear ni Tikboy. Hindi siya marunong lumangoy kaya kinailangan pa siya nitong alalayan hanggang sa marating nila ang floating dock na may kalayuan sa isla. Doon ay mayroon nang naghihintay sa kanilang banka at heto na nga ang ginamit nila upang makatakas. Sobrang liit lang niyon ngunit ang sabi ni Tikboy ay mas mainam na raw iyon upang sig

