SA MGA sumunod na araw, palaging kasama ni Malicia si Gabriel kahit saan siya magpunta. Pakiramdam niya ay ito na ang pinaka-masasayang araw niya rito sa Isla de Almino simula nang magka-isip siya. Sinusunod na nito palagi kung ano ang gusto niyang ipagawa. Hindi na ito nagrereklamo. Bagama’t hindi pa rin siya ito nakakausap lalo na sa personal nitong buhay. She discovered a lot about her own body when she was with him. Namulat siya sa mga sensasyon na ngayon lamang niya naramdaman. Naranasan niya ang mga kiliti sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na ito lamang ang nagpadama sa kanya. At sa bawat araw na nagdaan, hindi niya namamalayan na mas lalo na siyang na-a-attach sa binata. Ayaw na niyang humiwalay dito. Paggising na paggising niya pa lamang sa umaga ay ito na kaagad ang in

