“AYAN, isali mo lahat ng ito!” Nilingon ni Malicia si Rona na nasa bungad ng main kitchen ng mansion. Kasalukuyan siyang nagkukuskos ng pans and pots dito sa lababo nang dumating ito kasama ang iilang katulong na may bitbit na mga itim na lutuan. Ginagamit ang mga iyon kapag may niluluto sila na ginagamitan ng kahoy. Kaya sobrang itim na ng mga iyon. Isa-isang nilagay ng mga katulong sa sink ang bitbit ng mga ito. Ramdam ni Malicia ang pagkulo ng dugo niya lalo pa’t si Rona ang nag-utos sa kanya. Hindi niya pa nakakalimutan ang ginawa nito kahapon na pagsambunot sa kanya at ang pag-aakto nito na parang ito pa ang biktima. Padabog niyang hinagis ang hawak na scrub sa paanan nito. “At sino ka para utos-utusan ako?! Linisan mo ang lahat ng ‘yan kung gusto mo!” Nagliyab ang mga m

