Chapter 26

1105 Words

“UUWI mamaya si Sir Gabriel kaya ayusin mo paglilinis mo!” mataray na sabi ni Iska kay Malicia. Hindi siya sumagot. Kinuha niya lang ang hand-held vacuum cleaner na iniaabot nito. “Linisan mo lahat ng kuwarto doon sa second floor ha! Iche-check ko mamaya isa-isa. Kapag hindi mo nalinis ng maayos, hindi kita papakainin ng tanghalian at hapunan!” Walang imik na umakyat na si Malicia sa malapad na hagdan na gawa sa antigong kahoy na may pulang carpet sa gitna. Hindi na siya natakot sa banta nitong hindi siya papakainin. Simula nang iligtas siya ni Doc Leo, hindi na siya binigyan ng mga mabibigat na trabaho dito sa mansion. Hindi na rin siya ginugutom. In fact, special pa nga ang kinakain niya. Palaging may prutas at gulay. Pinapainom din siya ng vitamins at gatas. Gayunpaman, sa bod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD