Kabanata 10 --- NATHALIA BANGAG at kulang ako sa tulog ng sumunod na umaga. Sabog ang mukha na animo'y naengkanto. Ilang oras lang ang naitulog ko dahil sa kakaisip ng nangyari kagabi sa mall. Naikwento ko na kay Bax yung nangyari kagabi. At yung bruha tinawanan lang ako. Karma ko daw yun sa pagtatago ko ng katotohanan. 'siguro nga tadhana na ang gumawa nito para magkita kami sa ganoong sitwasyon' Pero, hindi ako makakapayag na magkita sila. Masama na kung masama. Ginagawa ko lang 'to para hindi masaktan ang anak ko sa kadahilanang magpapakasal na ang kanyang ama sa iba. Napahilamos ako sa aking mukha at bumuga ng marahas na hininga. Ini-on ko ulit ang faucet sa banyo ng aking kwarto at naghilamos. Matapos ay lumabas ako ng silid habang pinupunasan ang buong mukha. Pagkababa ko

