Kabanata 11 1/2 --------- NATHALIA SUNOD-SUNOD ang mabibigat na hininga ang aking pinakawalan. Mugto ang mga mata habang nagtitipa sa harap ng computer. Kailangan kong tapusin ng maaga ang pinapagawang report sa'kin tungkol sa branching ng VG Hotel. May iba't ibang branch kasi ito mostly in Asia at sa Western country. Sobrang hapdi ng mga mata ko kakaiyak kanina. Buti na lang at walang istorbong pumasok sa opisina, kundi makikita nila ka-miserablehan ko. Itinigil ko ang aking ginagawa, nasa kalahati na ako at patapos na rin. Binalingan ko ang orasan sa dingding at makitang alas onse pa ng umaga. Napahinga ako ng malalim at napasandal sa aking kinauupuan. Iniabot ko aking telepono at tinawagan si Bax. "Hey... Okay ka lang? Napatawag ka?" pambubungad nito sa'kin na may pag-alala sa b

