KABANATA 4

2447 Words
Kabanata 4 --- NATHALIA HINDI KO namalayan ang pagtakbo ng oras, ginabi na pala ako sa opisina. Kundi ba naman ako busy kanina. Halos subsob yata ako sa trabaho ngayon. Kanina pa ako nakaupo dito at kakatapos lang ng aking mga ginagawa. I look at the glass window. Only to see the beautiful scenario. Makikita ang lahat ng ilaw sa City. Mga nagiilawang gusali at iba pang establishamento. Napabaling ang tingin ko sa mesa ni Sir. Walang kahit na anong kalat ang naroon, hindi katulad kapag naririto siya. Maraming mga nakatupi at nakayakumos na mga papel. Burara kasi. Napabuga ako ng hangin, pinipilit na pakalmahin ang sarili. Iniligpit ko ang aking mga gamit at ang mga documentong inilagay ko sa mesa ni Boss kanina. Inilagay ko ito sa kanyang drawer at inilock ito doon. Napahinto ako saglit at napaisip. Naalala ko na naman 'yong sulat na iniwan niya. Hindi ako makapaniwala na ipinagkakatiwala niya sa'kn ang kompanya niya. Sa isang baguhan na tulad ko? Seryoso ba sya? Hinihintay ko pa rin kung may mensahe ba siyang ipinadala. Pero, wala pa rin, baka siguro bukas meron na o mamaya. NANG MAG ALAS SIETE ay bumaba na ako sa building. Pinatay ko ang lahat ng mga nakasaksak na mga appliances bago bumaba dito sa groundfloor. Tahimik na rin dito sa baba. Mangilan-ngilan na lamang nakikita kong mga empleyado, karamihan sa kanila ay mga nasa HR. 'Yong iba ay mga security guard at ang mga maintainance clerk ng kompanya. Lumabas na ako at pumara sa taxi na paparating. Huminto ito at agad akong pumasok sa loob tsaka ito bumiyahe papaalis. Pumanhik ako sa itaas at pumasok sa kwarto ko. Nilagay ko ang lahat ng gamit ko sa katabing mesa, at umupo sa single couch ng aking kwarto. Nagpahinga ako ng mga ilang minuto bago napagpasyahang maligo muna tsaka magluto ng hapunan. Matapos kong maligo dumiretso ako dito sa kusina. Simpleng Bistek lang ang niluto ko dahil iyon nalamang ang available na sangkap ko. After how many minutes, I turn off the stove and put my food in a plate and I started eating. Matapos kong kumain. Iniligpit ko muna ang pinagkainan ko, bago ako umukyat uli sa kwarto. -- Isang mensahe ang natanggap ko pagkakuha ko palang ng cellphone ko. Agad ko itong binuksan at binasa. From : Unknown Did you read my note? I guess.. Please take care of everything, your the least person I could trust. and by the way cancel all my appoinments and meetings. This is Tyrone. Save my number. Goodnight! Hindi ko alam kong maiinis o matutuwa ako sa mensahe niya. Ang inis na nararamdaman ko nang malamang ako ang mag-aasikaso ng kompanya niya ay naglaho na lamang bigla. Dahil sa isang 'Goodnight' mula sa aking boss. Nangingiti ako habang nagtitipa ng mensahe. To: Mr. Ceo Okay noted, Sir! Sent! Ibinaba ko na ang aking cellphone at humiga sa kama. Ibinalot ko ang aking sarili sa kumot at napangiti uli bago nakatulog. *** Isang mainit na sinag ng araw ang tumatama sa mukha ko. Napabangon ako sa pagkakahiga at kinuha ko ang aking cellphone sa bedside table at tiningnan ang oras. It's already six-thirty in the morning. This is my second day of work now. Kahit pagod ako na ako sa pinapagawa nito. Hindi pa rin naging hadlang iyon, nahindi ako maging ganado sa pagpasok. Agad akong tumayo sa kama at dumiretso sa banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis. Dali-dali akong bumuba at pumunta sa maliit kong kusina. Nagtimpla lamang ako ng kape. Hindi kasi ako masyadong kumakain basta umaga. Pagkatapos kong uminom. Kinuha ko na ang mga gamit ko, at ni lock ang apartment bago ako umalis. -- Kararating ko lang sa kompanya. Ginamit ko ang private elevator ni boss. Alam kong siksikan ngayon sa kabilang elevator. Nasabi na din nito na pwede kong gamitin alin man sa elevator dito. Ang special ko diba? Taray ah! Pagkabukas ng elevator, dumiretso ako sa dulong bahagi ng pinto. Bago ako pumasok. Inayos ko muna ang suot ko. Dahan-dahan kong pinihit pa bukas ang pinto. Tahimik lamang ang silid nang makapasok ako. Knowing that he can't come this day and so on. Tsk. Dumiretso na ako sa table at inilagay lahat ng gamit ko. Pumunta ako sa may Pantry at nagtimpla ng dalawang black coffee. Kailangan ko ito para hindi ako antukin sa trabaho. Dire-diretso ako sa paglalakad habang hawak ang tasa ng kape pabalik sa mesa. Muntik ko nang matapon ang kape dahil sa sunod sunod na katok. “Pasok...” Pumihit pabukas ang pinto at iniluwa nito si Lester. Ang butler ni Boss. Nasabihan na rin ako ni Boss na dadating ang butler niya. He even send a picture of him, para agad kong makilala. “Goodmorning Madam. Sir Tyrone send me here to accompany you for the mean time,” Anito at bahagyang yumuko. W-what the? As far as I remember, I refuse his offer earlier... “May iba pa ba siyang sinabi sa'yo?” Curiosity was evidence in my face. Ano na naman ba tong pakulo niya? At talagang may personal assistant ako ngayon. “He said, You dont have a choice, Madam but to accept his offer. He will fire you if you wouldn't,” Mabilis kong nilagok ang aking kapeng hawak na kanina pa lumamig at binalingan ng tingin si Lester. “You can leave for now, Lester. I just need to talk to your boss,” Yumukod uli ito bilang paalam bago pumihit papalabas. Napuga ako ng marahas na hininga at nilagay ang tasa sa mesa. Inabot ko aking telepono at dali-daling tinawagan si Boss. Napahinga ako ng maluwag ng agad naman niya itong sinagot. “Please calm down...I can hear your rugged breathing,” pangunguna nito sa aking sasabihin. Napatampal ako sa aking noo. “Ano na naman ba 'to? May special treatment ba lahat ng empleyado mo? Kasi sa napapansin ko parang ako lang yata..” I can feel my cheeks heated up, dahil sa tanong ko. Did I assume to much? Baka ginawa niya lang 'to dahil 'yon naman talaga ang dapat. “Just follow my command and everything be alright,” What he really mean for that? Kahit naguguluhan man ay napatango ako kahit hindi niya ako nakikita. “Okay...” mahinang bulong ko sa kabilang linya at bahagyang kinagat ang ibabang labi. Narinig ko may minura ito bago nagsalita “I need to hang up. And please don't bite your lip again. Cause it really tempt me..” Muntik ko nang mabitawan ang aking telepono sa sinabi nito. Gusto ko sanang magtanong ulit ngunit nakababa na pala ang linya. How did he know? Don't tell me... NANG maglunch ay bumaba uli ako papuntang cafeteria para bumili ng pagkain. Hindi naman talaga ako nagdadala ng pagkain kasi kulang na ako sa oras para maghanda pa. Vegetable salad and Milkshake ulit ang pinili ko. Katulad ng puwesto ko kahapon ay dito rin ako ngayon. Maaliwalas kasi tignan ang tanawin dito. Nagsimula na ako sa pagkain ng biglang may magsalita sa gilid ko. “Excuse me, pwedeng makiupo? Wala na kasing bakante,” Isang boses babae ang aking narinig. Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang nakacorporate attire na babae. Mahaba at maalon-alon ang blonde nitong buhok. Maliit ang mukha, na animoy parang isang manika. Napakalambing din ng boses nito. Don't get me wrong. Hindi ako lesbian at hindi din ako bisexual. I just admire his beauty. Thats it. Inilibot ko ang aking paningin at tama nga siya wala ng bakante. Ayaw ko naman magdamot para lang dito. I smiled to her. “Oh sure! Have a sit.” sagot ko. “Mukhang bago ka lang dito ah. I'm Maxine. Max for short. Ikaw? ”, pagpapakilala nito bago inilahad ang mga kamay. “Ahh---Yes, bago pa lang ako dito. I'm Nathalia. Nat for short. ”, sagot ko dito at sabay abot ng kamay niya. "Ayan! magkaibigan na tayo wag ka ng mahihiya sa akina ah!" nakangiting ani nito. Bahagya akong nagulat dahil sa napaka-hyper ng boses nito. Hindi ko alam pero sa mga ngiti niya magaan na ang loob ko, parang bang magkakilala na kami dati. 'ayy ewan baka gutom lang ako' “Hahaha...Napaka jolly mo naman. Ang bilis pero sge, magkaibigan na tayo. Ikaw pa lang kasi kaibigan ko dito.." sagot ko. “Actually, you remind me of someone,” Anito at pinakatitigan ako ng mabuti. “Did we met, before?,” Mabilis akong umiling. Ngayon ko lang siya nakita at sure ako diyan. Habang kumakain kami, panay kuwento lang si max, tungkol sa kanyang mga karanasan, kaya ako natutuwa sa kanya kasi napakadaldal niya. “Oh, By the way! Whats the perk of being a secretary?”, biglaang tanong nito. 'Kung alam lang niya hayss' “Okay lang....” tipid kong sagot. Pero, ang totoo niyan, dala-dala ko parin ang mga pangyayari noon. I just can't even forget those. I just can't forget what happen to us five years ago. Kahit gusto kong kalimutan. Hindi ko magawa. No. Hindi ko pala kaya. At ayaw kong makalimutan yun. That one night, was the most memorable night for me. Even if he didn't care about it. What if I told this to Max? Kailan ko talaga nang mapagsasabihan. Sobrang bigat na kasi sa loob. I just need some advices from her. And I admit it, I really trust this girl. Hindi ko namalayan napatagal na pala ang pagtulala ko sa kawalan. Kung hindi lang ako pinitik ni Max, hindi siguro ako makakaahon sa pag-iisip ko nang malalim. “Hey...May problema ba?  You can tell me, whats bothering to you.” Anito na may pag-alala sa boses. “Ahmm--- I have something to tell you. And please don't tell this to anybody,” “Okay? What is it?” “Ganito kasi yun, Mr. C.E.O and I, have and s****l attachment. But that was five years ago...” “WHAT? ” Anito At medyo nakaawang ang bibig dahil sa gulat. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa ekspresyon nito. Nang medyo nahimasmasan na ito ay, tumingin ito saakin na may pag-alala. “Paaano ka niyan? Hindi ba naapektuhan ang trabaho niyo?” kuryosong tanong nito. Patapos na rin kami sa pagkain naming dalawa kaya napadalas ang paguusap namin ngayon. “Hindi naman. Professional naman siya pagdating sa work. Though sometimes, I can't read his actions. Ano ba ang gagawin ko? Should I resign?” “You know what, hindi mo kailang mag resign. He act professional naman so as you are. So, theres no problem about that. Kaswal kayo sa isat-isa. Tsaka may girlfriend na din naman si Sir.” Anito. I caught off guard, on the last sentence she said. May girlfriend na siya? “Ah--by the way, Nat. I have to go in my department. May naiwan kasi akong project proposal doon,” tumayo na ito At kinuha ang slingbag niya sa tabi. Ganon' din ako, dahil may tatapusin pa ako. We bid our goodbyes bago kami naghiwalay nang direksyon. *** Hindi ko naabutan si Lester nang dumating ako sa labas ng opisina. Pero, nandoon pa rin ang mesa nito at ang mga gamit nito. Baka naglunch siguro.. Pipihitin ko na sana ang pinto ng bumukas ito at lumabas ang isang sopistikadang babae. Nakasuot ito ng isang pulang cocktail dress na halos kinulang na sa tela sa sobrang ikli. Tinignan niya ako at inirapan bago nagmartsa paalis. Anong problema noon? Napailing na lang ako at pumihit papasok sa opisina. Naabutan ko si Lester sa loob habang ginugulo ang buhok nito. Napatigil naman ito ng makita ako. “My apologies, Ma'am. Nagpupumilit kasi pumasok ang girlfriend ni Sir kanina..” So? 'yon pala talaga girlfriend niya? Nakaramdam agad ako ng hiya sa mga pinag-aakusa ko dito kanina sa telepono. Damn. Ang assuming ko talaga! “Its okay, Lester. Maglunch ka muna sa baba..” Aniko dito. “Graciàs, Madam..” yumukod uli ito bago lumabas. Mabilis akong lumapit sa aking upuan at ibinagsak ang sarili doon. Ipinilig ko ang ulo dahil sa hiya na aking nararamdaman. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko kay boss. Napaka...mo talaga, Nathalia! *** Napaunat akosa aking mga kamay. Nananakit na rin ang buong likod ko. Nakakapagod pa lang gumawa ng power point para sa meeting kinabukasan. Anong oras na kaya? Kinuha ko cellphone ko at tiningnan ang oras. Mag- aalas siyete na pala, Kanina na rin ang ako pinapaalalahanan ni Lester na umuwi na ako. Wala ito magawa ng hindi ako nagpaawat rito. Kailangan ko lang talaga tapusin ito. Sinabi din ni Lester, na babalik na bukas si Sir kaya nagpatawag agad ng meeting ang mga board. Pagkalabas ko ay wala na si Lester. Tahimik na rin sa may lobby. Mukhang naiinis na sa katigasan ng ulo ko. Buti nga...Mag sama sila ng boss niyang istrikto pa sa tatay ko! Namataan ko si Max ng makababa ako sa groundfloor. Papalabas na rin ito dala-dala ang isang attache case. "MAX!” Bahagya itong lumingon sa gawi ko. "Oh? ikaw pala Nat, akala ko nakauwi ka na. Okay ka lang?.” tanong nito nang makalapit ako ng tuluyan. “Okay lang ako. Marami lang talaga pinapagawa si Boss," I said. As we headed outside. “Ahh--Okay. I should go, Nat. Una na ako, Hah? May emergency kasi sa bahay,” saad niya at bumeso sa akin bago nagmamadaling umalis. “Ingat ka, Max!" habol ko. Pumara na rin ako ng taxi at sumakay na. -- Pagdating ko agad sa apartment. Umakyat agad ako sa ikalawang palapag papunta sa kwarto ko. Dumiretso akong banyo at naghalfbath. Ilang minuto ay natapos na ako. Humiga na ako sa kama para sana matulog na nang may maalala ako bigla. Dali-dali kong kinuha ang celphone ko sa bag at tinawagan ang kaisa-isa kong matalik na kaibigan si Bryan Ashton Rivero a.k.a BAX the bakla. Bakla po siya. Pero, lalaki naman siya manamit. “Hey! Napatawag ka? Kamusta ang trabaho mo dyan?” tanong nito sa kabilang linya. I let out a deep sigh before I speak. “Okay na sana eh, malaki yung sweldo at stable naman ang job ko, ang kaso--- “Ano? ” “He's my boss...” Aniko. “W-what do you mean?” tanong ulit nito sa akin. “I mean, He's my boss for fvcking sake! The guy who I gaved my virginty, five years ago. If I already know it earlier, hindi na sana ako natuloy,” Aniko. Napasandal ako sa head board ng kama. Dinig ko din ang pagmumura nito sa kabilang linya. I heard him sighed. “Wag mo nalang ipahalata na naapektuhan ka. Just act casually. Yung tipong walang nangyari between you and him.” Anito. “Yeah.. Casual naman kaming mag-usap. Work to work. Though, he never confronted me naman.” I said. “But---what if, he will know about Zy? What will you do?” Tanong nito na napagpatigil sakin. “He will never know if no one would tell him!” Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Iniisip ko palang na malaman niya at baka kuhanin niya si Zy saakin. Mamatay na ako sa sakit. I sighed again. “How was, Zy?” tanong ko. “Ikaw bahala...By the way, okay lang siya. Tulog na siya ngayon, hinahanap ka kanina namimiss ka...” “Pakisabi na bibisita ako kapag pwede na at pakisabi 'I love you na rin'. Sige na bax matutulog na ako,” Napahikab ako dala ng kaantukan. “Sige, at magiingat ka palagi. And don't you ever have an attachment to him again!” Anas nito sa nang-aakusang tinig. “Oo na! I will never let myself attach to him...” “Good..” Pagkasabi nito ay agad din niyang binaba ang tawag. Napapikit ako nang mariin. ' I will never let myself attach to him' Pagak akong natawa sa aking isipan. What a very sweet lie, Huh? really, Nathalia? Tiningnan ko ang wallpaper ng cellphone ko at hindi ko namalayan na napaluha na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD