KABANATA 3

2333 Words
Kabanata 3 --- NATHALIA KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung exited lang talaga ako o kinakabahan. Naghahartumendo na rin ang kaloob-looban ko. Siguro, dahil ngayong araw na pala ako ibibitay--este magsisimula sa trabaho bilang secretary ni Mr. Villega. Kahapon, bago ako umalis sa opisina nito. Nag-kape muna ako. May pantry naman kasi doon. Kaya, baka free lang kumuha. Pero, wag kayong maingay, ah. Baka bugahan ako ng apoy ni Mr. Villega. Mukhang masungit pa naman 'yon. Malay ko bang siya ang pagiging amo ko. Sadyang mapaglaro rin ang kapalaran at talagang pinagtapo ulit kami? Mukha pa akong nanaginip ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakita at nakausap ko siya kahapon. Parang wala na talaga akong kawala sa kanya. At alam ko sa huli malalaman niya parin ang tinatago kong sikreto. Napabuntong hininga ako at saka bumangon sa kama saka kinuha ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto. At pumasok agad sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagbihis ako ng pambahay na damit, at tsaka bumaba na para makapag-luto ng agahan. Ngunit, agad akong natigilan ng maalalang walang laman ang ref ko. Napabuga ako ng hininga at napatampal sa aking noo. Nanlulumong umalis ako sa kusina at umakyat ulit sa kwarto ko. Agad akong magbihis at sak sinipat ko ang sarili sa salamin ng aking cabinet. I'm wearing a white sleeveless top na pinatungan ng itim na blazer, pinaresan ko ito ng pencil cut skirt at itim din na doll shoes. Naglagay ako ng kaunting make-up sa mukha at hinayang nakalugay ang buhok. Tumingin ako sa orasan. Alas sais y medya na pala. Agad kong dinampot ang slingbag ko at bumaba na. Nang masiguradong naka-lock na ang apartment. Agad akong naglakad sa dulo ng eskinita. At nagpara agad ng jeep na masasakyan. Hindi na ako nagtaxi dahil na rin tinitipid ko ang pera ko para sa gastusin. At tsaka nagtataxi naman ako pauwi dahil medyo punoan sa jeep kapag gabi. Nang makasakay, amoy na amoy ko ang pinaghalung pabango at usok sa loob. Siksikan din kasi dito sa loob. 'Yung iba nga eh, halos isang pwet nalang ang naiuupo. Kaya, ayaw na ayaw kong mahuhuli kasi sa ganitong oras dumadagsa ang mga pasahero. ---- Pagkatapak ko palang sa loob ng company ni Mr. Villega, ramdam ko na agad ang matinding kaba at pressure. Kita ko rin kung paano, napapatigil at tumitingin ang lahat ng empleyado dito sa direksyon ko. May ibang ngumingiti sa 'kin, 'yung iba walang pake at meron ding napapairap sa akin. Hindi ko nalang pinansin ang iba sa kanila at yumuko nalang, saka pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa elevator. “Paano kaya siya nakapasok ng ganoon kabilis?” napahinto ako bigla sa aking paglalakad. Gusto kong humarap sa isang empleyadong nagsalita at sabihing 'malamang nag-apply ako' Pero, mas pinili ko nalamang manahimik at magpatuloy sa paglalakad. “Siguro nilandi niya si Sir?" Napantig ang tenga ko sa aking narinig. Nawala na ang pagtitimping pinipigaln ko. Hinarap ko ang direksyon ng dalawang babaeng pinaguusapan ako. Napaangat ang isang kilay. “Excuse me? Talking at my back, wouldn't make the two of you pretty. Edukado kayong tao, pero sana naman umakto kayo ng tama! Mas mukha pa kayong pulubi sa daan, dahil sa pag-uugali niyo!” nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa sunod-sunod na salita na aking binitiwan. Napasinghap naman ang ibang empleyado sa'kin. At ang dalawa ay parehong nakaawang ang mga bibig. Tila hindi makapaniwala dahil sa pagsagot ko sa kanila. Kung magchichismisan na nga lang, hindi pa nilakasan. Inirapan ko sila bago tinalikuran at nagpatuloy na sa paglalakad. Akala nila hindi ko sila papatulan? Ang ayaw pa naman sa lahat ay pinasasalitan ako ng hindi maganda! Mabait ako sa mababait na tao. Hindi ko na pinansin 'yong ibang bulong-bulongan at pumasok na ako sa loob ng elevator papunta sa opisina ni Sir. Bumalik ulit ang kabang naramdaman ko ng magsarado ang pintuan at umaangat na ito. Muling nagbalik ang kabang nararamdaman ko kahapon, ngunit mas nadagdagan ngayon dahil alam ko kung sino ang aking haharapin. Napakagat ko ang pang-ibaba kong labi tahimik na napadasal. Panginoon, tama po ba itong naging desisyon ko? Kayo na po bahala sa akin ngayong araw na 'to. Nawa'y patnubayan niyo po ako at iiwas ako sa tukso. Ting! Halos takasan na ako ng ulirat ng bumukas na ang elevator. Napabuga ako ng hininga bago lumabas. Ramdam ko ang pamamawis ng aking leeg at noo. Napatayo ako ng matuwid at inayos muna ang aking buhok na nilipad ng hangin kanina sa jeep. I knock three times, before I come in. And there I saw my boss, sitting in his usual seat. Wearing a corporate attire and eye glasses. O-okay-- He's freaking Hot! Sobrang aga naman nito? Diba dapat nauuna ang secretary sa pagdating bago ang boss? Baliktad yata ang nangyari ngayon. Mukhang importante siguro ang ginagawa nito ngayon, kaya ito napaaga. Napakibit-balikat na lamang ako at binalik ang atensyon sa kanya. Pero, agad nawala ang atensyon ko sa kanya at nalipat iyon sa mga nagpatong-patong na mga papel. Damn. Is he giving me a hard time? Damn him! Papahirapan yata ako nito. Pwes! Hindi ko siya uurungan. Agad kong pinawi ang aking inis at bahagyang napayuko. “Good morning po, Sir.” pormal at nakangiti kong bati sa kanya. Kaso, nadeadma lang ako. Napairap ako. “Tsk! Suplado. Hindi man lang bumati pabalik,” bulong ko na sana ay hindi ko nalang ginawa. Napaangat kasi ito ng tingin. At seryoso ang mukhang tumingin sa 'kin. “Are you murmuring something, Ms. Secretary?” “Ahh—ehh—Ang sabi ko po Sir, ang bait niyo po. Hehehe…” napakurot ako sa aking binti at napangite ng kunti habang napapalunok sa kaba. Hutangina talaga! Parang lalabas na yata puso ko sa kaba. Ang lakas pala nang pandinig nito. “Next time… If you want to say something, say it loudly. I can still hear you. Tss. By the way, that's your table,” itinuro nito ang isang kaliwa, malapit sa maliit na bintana. “Bring this papers and arrange it, according to it's date,” Maawtoridad nitong utos sa akin bago humarap uli sa laptop niya. Mukhang masama yata ang gising nito at nagsusungit sa akin o sadyang ganito lang talaga ang ugali nito. Bipolar. Napaangat ulit ito ng tingin makitang hindi pa ako kumikilos. “Ano tutunganga ka nalang diyan?” nagsalubong na ang kilay nito at bahagyang nakakunot ang mga noo. Napabalik ako sa realidad. Masyado akong na spa-space out. Mukhang napalalim 'yung pag-iisip ko. “Sorry po, Sir,” mahina kong sambit. Ngunit, ramdam kong hindi 'yon sinsero Napangiwi nalang ako sa aking nasagot. At kinuha ang papel. Nagbaba ako ng tingin at nagtungo sa lamesa habang bitbit ang mga ito. Marahan ko 'tong inilapag at napameywang. Nasapo ko aking tiyan ng kumulo ito. Wala pa pala akong kain at kahit nakahigop man lang ng mainit na kape. Napalingon ako sa isang pantry. Agad akong lumapit doon at nagtimpla ng dalawang kape. Black coffee lang sa 'kin habang nilagyan ko ng cream ang isang tasa para rito. Lumapit ako sa lamesa niya at inilapag ang kape sa gilid. Napangat ito at nagtatakang tumingin sa akin. “Mag-kape ka muna. Para kumalma 'yang ugali mo,” puna ko dito bago humakbang pabalik sa mesa ko. “Thanks...” rinig kong sabi nito bago ako makalayo. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit pala suplado at mukha itong strikto. Nakakaappreciate pa rin pala siya sa mga maliliit na bagay. --- Bahagya kong inunat ang aking braso at kamay pati na ang likod ko. Minasahe ko rin ang aking leeg. Nakakangalay pala ang ginagawa ko. Buti na lang tapos na ako. Madali lang naman kasi yung pinapagawa sa akin. Nagyabang talaga. Malapit na rin maglunch kaya medyo nagrereklamo na rin ang tiyan ko. Tanging kape lang nainom ko kanina. Napalingon ako sa gawi niya. Kita ko ang pagkunot ng mga noo nito at ang pagsasalubong ng mga makakapal niyang kilay. Sa sobrang busy niya, malaya kong napagmamasdan ang kanyang katawan. Tansya ko'y nasa 6' ang height nito. He has this broad shoulder. And he's wearing a fitted black tuxedo now, emphasizing his biceps and wide chest. Hindi sinasadyang napadako ang tingin ko sa ibaba niya. Napalunok ako sa sariling laway. Damn! Gutom na talaga ako! Binawi ko ang aking tingin at kinuha na lamang cellphone ko. I play a game called zombie tsunami, just to erase my dirty thoughts. Nasa kalagitnaan ako ng pag-lalaro. At hindi ko namalayan na lunchtime na pala kung hindi lang tumunog ang tiyan ko. I turn my gaze to him. Mukhang wala itong balak kumain. Sa sobrang busy hindi siguro nito namalayan na lunchtime na. Napatayo sa aking kinauupuan at lumabas ng hindi niya napapansin. Agad akong nagtungo sa elevator at pumasok sa loob. Pinindot ang groundfloor, kung saan ang cafeteria ng building. Napatingin ako ng mabuti sa menung nakadisplay sa counter. “One Carbonara, Milkshake and Vegetable salad, po.” Agad na pinindot ng kaharap kong crew ang isang screen ang mga sinabi ko. “Eto lang po, Ma'am?” bumaling ulit ang tingin ko sa crew ng magtanong ito. Napatango lang ako at inilabot ulit ang tingin para maghanap ng pwesto. Maya-maya lang ay iniabot nito ang order ko. Napapalingon ako kung saan habang dala-dala ang tray ng pagkain ko. Agad akong nagtungo sa dulo ng cafeteria malapit sa may glass window ng floor. What a nice spot! Inilapag ko ang tray at umupo na sa silya. Tumingin ako sa paligid. Buti, nalang at hindi crowded itong cafeteria. Siguro 'yung iba ay nagdadala na lang ng baon, para iwas gastos na rin. Napailing ako nagsimulang kumain. *** Nasa labas na ako ng opisina habang bitbit ang isang paper bag. Bago ako umalis kanina sa cafeteria. I suddenly remember my boss. Alam kong hindi pa ito kumakain. Baka malipasan 'yun. Konsensya ko pa. So, I ordered him a lunch and as a way thank you na rin. Pumasok na ako sa loob. Only to find him standing and patiently waiting for someone. Napalunok ako sa kaba. I'm Doomed! “The lunchtime is over at one. And now you're thirty minutes late,” He seriously said while crossing his arms and throwing me a death glares. “What are you expecting me, to do with you? Again. Napalunok ako sa kaba. I didn't recognize the time, because I left my phone on the table. “I-I'm s-sorry, Sir. Hindi na po mauulit,” nauutal kong anas. “Eto po, Sir. Binilhan po kita ng lunch. Alam kong hindi pa kayo kumakain,” Inilahad ko ang paper bag sa kanya at umiwas ng tingin. I look down and face the floor to hid my nervousness, habang nakahawak pa rin sa paper bag na hindi pa niya kinukuha. Hindi niya ba alam na nangangalay na ako. “You can go back to your table. And fixed my schedule for tommorow,” He said and took the paper bag. Agad akong nagtungo sa table ko. Nang bigla niya akong tinawag. “Uhm—by the way... Thanks for this... And sorry If I shouted you,” Aniya sa kalmadong boses. Napangiti ako. “You're welcome po, Sir. And sorry again,” Aniko at tinalikuran na siya. Nakahinga ako ng maluwag bago naupo sa upuan ko. Ginawa ko ang lahat ng iniutos nito. Lalo na ang schedule niya para bukas. *** Alas sais palang ay nakauwi na 'ko sa bahay. Maaga kasing umalis si Sir, kaninang alas tres ng hapon. Bilin din nito na umuwi na ako bandang alas sais. Dahil unang araw ko pa naman daw. Hinagis ko ang bag na aking dala sa sofa at napasalampak sa kama. Pagod na pagod ako. Parang na drain lahat ng energy ko sa katawan. Buti nalang at nakakain n na ako bago umuwi. Dumaan pa talaga ako sa malapit na fast food para magdinner. Hindi pa rin ako nakabihis ngayon. Basta nalang talaga ako dumiretso sa paghiga. Pinikit ko ang aking mga mata at nagpatangay sa pagod at kaantukan. *** “Kumusta na pala kayo diyan, Bax?” bahagya kong isinandal ang aking likod sa upuan. "Maayos ba kayo diyan?" sunod-sunod kong tanong sa kabilang linya. Narinig ko ang bahagyang pagtawa nito. [ “No need to worry, Bruha. Maayos na kami dito, ” ] “Magpapadala ako ng pera sa makalawa. Kunin mo nalang," [ "Oo na! 'to naman. May pera pa naman ako dito," ] "Hindi naman para sa 'yo ang ipapadala ko, kay— "Excuse me, Ma'am?" Napaupo ako ng maayos at bahagyang inilayo ang cellphone sa aking tenga. "Yes?" May kung ano itong hinalungkat sa dalang folder, bago niya ito iniharap sa'kin. Pinatay ko muna ang tawag at itinuon ang atensyon sa isang Finance Officer ng kompanya. "Eto nga po pala 'yong exact shares ng kompanya, Ma'am." Inabot niya ito sa 'kin. "Paki bigay nalang po kay, Sir..." Anito at tumalikod na papaalis. Ipinatong ko muna ito sa mesa at kinuha ang aking cellphone. Nagtipa ako ng mensahe kay Bax. Sinabi ko nalang na may trabaho ako, kaya mamaya nalang. Pinag-aralan ko muna ang ibinigay nitong Sales Report, nang matapos ay iniwan ko ito sa table ni Sir. Hindi pa rin kasi siya dumating. Mag-aalas nuwebe na ng umaga ngayon, ni anino nito wala pa. Bagsak ang balikat na bumalik ako sa upuan at ipinagpatuloy ang ginagawa. --- Natapos nalang ang lunch time, hindi pa rin ito dumating. Halos patapos na rin ako sa aking ginagawa ngayon. Naayos ko na rin schedule nito para bukas at sa makalawa, ngunit hindi pa rin ito dumating. ALAS TRES NG HAPON ng bumaba ako sa opisina ni Sir. Lumubas ako sa loob ng building at tumawid sa kaharap na Coffee shop. Bumili ako ng isang slice ng cake at cappuccino. Nang matapos ay pumasok uli ako sa loob. Pagkatapak ko pa lang sa labas ng opisina ay na bungaran ko na si Sir sa may pintuan. Nagsimula itong lumakad papunta sa direksyon ko. Bahagya akong yumukod para bumati. "Magandang hapon, Sir. Siya nga po pala 'yong— Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng linagpasan niya lamang ako. 'Sales Report!' Gusto ko 'yong idagdag ngunit nakasakay na ito sa Elevator. Bagsak ang balikat na pumasok ako sa opisina. Inilagay ko ang biniling snacks at naupo sa upuan. Napahilot ako sa aking sintido at napaisip, kung bakit 'yon nagmamadali sa pag-alis. Ni hindi na nga iyon pumasok kaninang umaga. Haysst. Napasandal ako sa upuan at diretsong napatingin sa aking mesa. May napansin akong maliit na sticky notes sa librong binabasa ko ngayon. Kinuha ko 'yon at binasa. Sulat kamay ito ni Sir! Nalaglag ang mga panga ko sa aking nabasa. Please take care of the company for the mean time. I'll be gone for days. I trusted you so... do it. P.S - I'll increase your salary plus you'll recieve a daily cash… -Tyrone. W-whut? Is he really serious with this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD