Gabi na at patuloy parin ang pag iinoman ng mga ito nang dumating ang Papa niya. Di niya alam ang kanyang gagawin, lalo na ang kanyang Mama. Natatakot sila sa maaring mangyari lalo at parehong mga nakainom na ang mga tito at mga pinsan. Nakainom na din si Patrick lalo at ito ang sentro ng atensiyon ng mga tao doon. Kinakabahan siya na pabalik balik siya sa bintana upang silipin kung ano ang nagaganap sa labas ng kanilang kubo. At sa halip na lumabas ang Mama niya ay pinagbawalan na ito ng mga tiyahin nila at ni Sherly. Baka daw kung ano pa ang mangyari oras na manakit na naman si Papa sa Mama nila. Ang ikinakatakot niya ay baka pag masaktan ng Papa nila ang Mama nila ay baka mapatay ng mga kapatid ng ina nila ang Papa nila. Matagal ng nagtitimpi ang mga ito at hindi lang ma tyempuhan

