Dumating sila sa bahay na parehong walang imik, siya dahil parin sa takot at kaba. Ang kasama naman niya ay alam niyang tahimik dahil sa inis at selos daw, tinanong pa nga siya nito kung bakit di niya daw sinabi sa nagtanong na may asawa siya. Hinintay pa daw niya na si Mama niya ang sumagot sa mga ito. Di lang niya sinagot dahil baka mag bulyawan lang sila at baka manakit ito physically. Ngayon palang niya ito nakitang nagalit ng ganun simula ng magkakilala silang dalawa. Kinikilabutan siyang isipin na baka saktan nga siya ng lalaki, parang ayaw niyang sumunod dito papasok sa kawayan nilang gate. Sa labas lang nito ipinarada ang sasakyan nito, mukhang aalis din kaagad ang lalaki. "Buntis ako Patrick, baka masaktan mo ako!" Tila nanginginig na sabi niya dito. Sapat ang pagitan nila par

