Papalalim ang gabi at unti unti nang nagsiuwe ang mga bisita nila, hanggang sa sila nalang talaga. Umuwe na din ang mga nag silbi sa kusina, tagalinis at tagahugas ng mga pinggan. Halos naubos ang kanilang handa sa dami ng mga dumalo na mga kabarangay nila. May iba pa nga na dati niyang kaklase na di na niya nakikita ng matagal ang dumalo kanina. Di sila magkamayaw sa pag estima sa mga ito, medyo limited lang ang kanyang naging galaw dahil na din sa kanyang kalagayan. Sinasaway din kasi siya agad ni Patrick o ng Mama niya at ng kanyang mga byenan. Sobrang over protective ang mga ito sa kanya, maging ang mga pinsan niya ay ganun din. Excited na ang lahat sa kanyang baby, lalo naman siyang nasabik na makita at mayakap na ang kanyang anak, ito ay sa kabila ng katotohanan na di niya ginust

