Natupad nga ang pinangako ng lalaki na pamamanhikan sa kanila, nag insist siya na sa huwis lang o sa mayor lang sila ikasal. Pero gusto niya na ikasal sila pag nagkaanak na sila na kanila talagang dalawa. "Gusto kitang payuhan anak na maging praktikal ka, unang una para sa anak mo. Once na ipinanganak siyang di kayo kasal ay magiging illegitimate child, kawawa ang bata. Mas mabuting maikasal kayo bago ka manganak." Sabi ng Mommy ni Patrick sa kanya. "Tita kasi-" "Mommy na anak, asawa mo na si Patrick kaya dapat lang na Mommy at Daddy na ang u Itawag mo sa amin. Ang sa akin lang ay para sa kabutihan ninyo ni Patrick at ng anak nyo." Sabi nito. Alam naman niyang para sa kapakanan nila ang iniisip nito, at sobrang blessed siya sa pagkakaroon ng ganung in laws. Akala niya ay ang mga ma

