Nagising siyang maingay ang kanyang silid na kinaroroonan, kilala niya ang mga boses na kanyang naririnig. At nang akmang gagalaw na siya ay saka sumigid ang kirot sa kanyang kaibutoran, partikular na sa pagitan ng kanyang mga hita. "Ang cute naman ng baby na yan." Dinig niyang sabi ng Mommy ni Patrick. Mukhang maging ang mga ito ay kompleto din. "Pwede ko po bang makarga Tita?" Tanong ni Lance sa kanyang byenan, mukhang ito ang may karga sa kanyang anak. "Aba e diyan ka sa Tatay magpaaalam, hehe gagawin mo pa yatang praktisan ang apo ko." Natatawang tudyo nito sa kaibigan ng asawa. "Parang nakakainggit po kasing magkarga ng baby e." Sabi pa nito. "Sus, gumawa kana din kasi ng sayo Attorney." Sabat naman ng Tita niya. "Oo nga." Sabat naman ng kung sino. "Naku handa na naman akong gu

