Maayos naman daw ang kalagayan nilang mag-ina ayon sa doctor na tumingin sa kanilang dalawa, medyo may spotting kasi siya pagka umaga. Kaya medyo nagpanic silang dalawa ni Patrick, idagdag pa ang kapatid niyang dalawa na parehong takot na takot. Bary ang pangalan ng anak niya, yun ang unang nabanggit niya nang dumating ang nurse na siyang nag aasekaso sa records. At gaya ng kanilang napag usapan ay apelyido ni Patrick ang dala dala ng anak niya. Sa ngayon ay di pa naman malaman kung sino ang kamukha ng anak niya dahil maliit pa naman ang baby. Pero sana lang ay di naman ito maging kamukha ni Carlo pag laki nito. Parang ang awkward naman nun, iba ang nakalagay na pangalan ng tatay tapos ang kamukha naman ay ex ng Nanay. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito mamaya maya. Nasa tabi

