GUSTO niyang bumunghalit ng tawa nang makita ang reaksyon ni Dimmitry nang makita siya. Ilang beses na siyang naroon sa harap nito pero wala itong reaksyon at nakatulala lamang sa harap niya. "Hey, hindi na ba tayo aalis? Dito na lang tayo at tutunawin mo na lang ako sa kakatitig mo?" Noon lang parang natauhan si Dimmitry at sa wakas ay kumilos ito para lumapit sa kanya. "I'm sorry. Nakakatulala naman kasi talaga ang ganda mo, Hon. God! Parang ayaw ko ng dalhin ka sa bahay at solohin ka na lang buong araw," anas nito sa punong tainga niya. "Pero gusto ng Mama na dalhin kita roon dahil naikwento na kita sa kanya." Hinawakan nito ang baba niya at itinaas iyon. "Shall we?" Tumango siya. Kinakabahan siya kagabi pa pero kinonsola na niya ang sarili na ngayon ay nakatakda niyang makaharap an