Chapter 1

1324 Words
NAPABALIKWAS nang bangon mula sa kama si Althea. Tagaktak ang pawis niya dahil parang totoong totoo na naman ang kanyang panaginip. Mula sa bintana ng kanyang silid ay umihip ang malakas na hangin kaya wala sa loob na napayakap siya sa sarili.  "God! Matagal na matagal na 'yon. Bakit palagi pa rin akong sinusundan ng bangungot na 'yon? Bakit hindi ko pa rin makalimutan hanggang ngayon?" Naiiyak na kausap niya sa sarili habang tutop ang dibdib. Tumayo siya sa kama para magtungo sa terasa. Batid niyang hindi na ulit siya makakabalik sa pagtulog. Sa tuwing dadalawin kasi siya ng bangungot na iyon sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay hindi na siya muling aantukin hanggang umaga. Magdamag na lamang siyang dilat at biling-baligtad sa kama.  Buhat sa ika-walong palapag na kinaroroonan ng kanyang hotel suite ay tanaw niya ang halos kabuuan ng isla. Ang islang naging kanlungan niya sa mahabang panahon. Mula kasi nang mangyari ang pag-kidnap sa kanya noon ay naging aloof na siya sa mga tao, to the point na naging paranoid na siya. Maliban sa kanyang mga magulang at malalapit na kamag-anak ay wala na siyang hinahayaang makalapit sa kanya. Mula elementary at high school ay home study ang kanyang naging pag-aaral. Noong kolehiyo naman siya ay nasa University siya na exclusively for girls, pero wala siyang naging kaibigan kung hindi ang kaklase at pinsan niyang si Jenna. Suplada, masungit, mongha at kung anu-ano pa ang bansag sa kanya sa University pero wala siyang pakialam at hindi siya apektado. Natutuwa pa nga siya kapag kusa na siyang nilalayuan ng mga kapwa niya estudyante. At least ay hindi na siya mangingilag sa mga ito.  Nang makatapos siya ng high school ay tinanggap niya sa sarili na itong isla ang magiging kasama niya hanggang sa pagtanda. Bata pa lamang siya ay inalok na siya ng ama na mag-manage nito pagdating ng araw at hindi siya nagdalawang isip na tanggapin iyon. Dito sa isla Del Fuego ay at peace siya. Madalas, pakiramdam niya ay nakalaan talaga siya rito. Oo nga at well accommodated siya sa mga guests na umaalis at dumarating sa naturang resort, but still, wala siyang hinahayaang makalapit sa kanya. Sa lagi na ay sinisiguro niyang purely business ang pakiharap niya sa mga ito. Idagdag pa na sinisikap niyang pinakamatagal na ang sampung minutong haharap siya sa mga tao. Pagkatapos kasing i-welcome ang mga guests ay inililipat na niya ang pag-istima sa mga ito sa mga staff nila.  Pabuntong-hiningang pinilit hamigin ni Althea ang sarili habang nilalanghap ang hanging pang-gabi. Sa tuwing dadalawin siya nang bangungot na iyon ay magigising siya sa gitna ng kahimbingan, magpapahangin lang at maya-maya ay okay na ulit siya. Iyon nga lang ay mananatili na siyang dilat hanggang umaga. Mula sa terasa ng kanyang silid ay pipihit na sana siya pabalik sa kama nang mahagip ng paningin niya ang lalaking iyon sa dalampasigan. Nasa tabi ito ng chopper at waring may kinukumpuni sa makina niyon.  "Dimmitry…" Bigla ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing matatanaw niya ang binata ay bigla na lamang siyang makadarama ng kakaiba. Kahit pa nga ba ang nakikita lang naman niya madalas ay ang buhok at ang likod ng binata. Siguro ay dahil madalas din niya itong nahuhuli na nakatingin sa kanya. Pero alam niyang hindi rin niya ito dapat pagkatiwalaan kagaya ng iba. Lalaki pa rin ito at baka may hatid ring banta sa buhay niya. May posibilidad na nagmamanman lamang ito para makalapit sa kanya at gawan siya ng masama.  Pero minsang dalawin siya nang bangungot na iyon ay kakatwang sumalit ang binata sa mukha nang mga nakatatakot na mga lalaki. Hinahabol daw siya ng mga ito pero bigla ay sumaklolo sa kanya si Dimmitry. Patakbo siyang lalapit dito at pakukupkop sa mga bisig ng binata. At mararamdaman niya ang kapanatagan ng kalooban na kahit kailan ay hinding-hindi pa niya nararanasan.  Naiiling na  bumalik na lamang siya sa kama. "Magtigil ka, Althea. He's just a pilot," bulong ng utak niya pero siya na rin mismo ang kumastigo sa sarili. Hindi sila pinalaki ng mga magulang na maging isang matapobre. IT WAS an ordinary day para kay Althea. Kakain siya ng almusal, maliligo at magbibihis para magtrabaho ng otso oras sa hotel. "Magandang umaga, Ma'am," bati sa kanya ng mga empleyado ng hotel nang bumaba na siya sa lobby.  "Good morning. Dumating na ba ang mga guests na magdaraos ng lakbay-aral?" tanong niya kay Jean na sagad ang ngiting lumapit sa kanya.  "Yes, Ma'am. Naihatid na po sila ng mga bellboy sa kani-kanilang silid." "Good. Ang chopper, anong oras ang susunod na alis?"  "Mamaya pa hong alas-tres. May mga pabalik na ho sa Manila na mamaya pa mag-che-check-out." "Okay. Siya nga pala, padalhan mo naman ako sa office ng coffee, ha?"  "Copy, Ma'am." "Thanks." Iyon lang at humakbang na siya papasok sa kanyang opisina. Hindi na niya nakita ang pagkakatigagal ni Dimmitry na noon ay papasok sa lobby galing sa labas. Suot nito ang over-all leather na uniporme nito sa pagpipiloto. Walang kakurap-kurap na nakatitig sa kanya hanggang sa tuluyan niyang maipasok ang sarili sa opisina.  "Boom!" untag ni Jaz sa pagkakatulala ng binata.  "Tado! Ba't ba nanggugulat ka?" ani Dimmitry sa kaibigan bagama't nakatingin pa rin sa pintong pinasukan ng dalaga.  "E, ikaw? Ano'ng ginagawa mo diyan, ha? Kung ako sa 'yo hindi ako magkakasya sa simpleng pagtanaw na lang kay ate Althea." "Pare---" "I know. Noon pa. Alam kong masama ang tama mo kay ate and you have to do something dahil kung hindi, baka hindi mo na siya makita pa." Gusto sana niyang ikaila sa kaibigan ang damdamin. Noon pa siya tinutukso ng mga ito sa pinsang si Althea pero hindi niya magawang aminin ang nararamdaman dahil unang-una'y hindi niya alam kung paanong lalapit sa dalaga. Ilang pagkakataon ng nagtangka siya pero wala pa man ay ramdam na niya ang pag-iwas nito.  "A-Anong ibig mong sabihin?"  "Ayaw na ni Tita Eleonor na manatili pa rito sa isla si ate Althea dahil baka raw tumandang dalaga na. Hindi naman lingid sa 'yo ang kondisyon ni ate, hindi ba? Ilag siya sa mga tao at nanginginig kapag nakakasalamuha ng lalaki, pero hindi naman siya pwedeng manatili na lamang ganoon habangbuhay." "Anong balak ng parents niya kay Althea?"  "Gusto ni Tita na dalhin sa ibang bansa si ate. Though, si Tito, e, sinasabing darating din naman daw si ate Althea sa point na makakakita ito ng magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang kundiyson. Pero paano nga, 'di ba? Paanong mangyayari 'yon kung nakakulong lang lagi siya rito sa hotel room niya? Matagal ng plano ng parents niya ang dalhin siya sa America pero ayaw ni ate. Pero paano kung maisipan niyang pumayag one of these days? Paano ka na?"  "Jaz---" "Look, dude, mga binatilyo pa lang kami ni Cris ay alam na naming type mo si ate. Hindi ko naman kasi alam sa 'yo kung bakit wala kang lakas ng loob na lapitan siya. Hindi ka naman torpe. Kapag magkakasama tayo sa Maynila ay maraming chicks ang nagpapalipad hangin sa 'yo na minsan ay napapatulan mo. So, why not court her? Tutal ay kasundo mo naman na ang mga magulang niya," sabi pa nito. Kung iyon lang ay totoong mabait sa kanya ang mga magulang ng dalaga. Madalas pang sabihin sa kaya ng mga ito na parte na siya ng pamilya.  "Jaz, how can I do that? Okay, I admit. Gustung-gusto kong ligawan si Althea pero paano? Magtatangka pa lang akong lalapit ay para na siyang mailap na usang biglang mawawala. Kapag nagtatama naman ang mga mata namin, parang kakainin ako ng buhay kung makatingin." "Kaya ka natatakot na lapitan siya?" "Of course not. Ayoko lang na mas lalo siyang matakot sa akin kapag ginawa ko 'yon." "Well, ayaw mo na matakot siya sa 'yo or mawala na lang siya ng tuluyan? Mamili ka, pare," sabi nito na hanggang gabi ay umuukilkil sa kanyang isip. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD