Chapter 2

1430 Words
"Hl." Napaawang ang labi ni Althea nang mapagbuksan ng pinto si Dimmitry. Palabas siya ng opisina para kausapin ang assistant na si Jean tungkol sa availability ng mga rooms sa hotel pero nagulat siya dahil nasa labas ng pinto niya ang binata. Akmang kakatatok ito at nabitin ang kamay sa ere.  Sa halip na ang over-all leather na uniform nito sa pag-pi-piloto  ang suot ay nakasuot ito ng pantalong maong at aqua blue polo shirt. Saglit siyang nawalan ng kibo. Paano'y mas gusto niya ang nakikitang anyo ng binata ngayon. Mas gwapo pala ito kapag hindi naka-uniporme. Pero nag-umpisa siyang mangatog makalipas ang ilang sandali.  "M-May kailangan ka ba?" mataray niyang sabi para pagtakpan ang panginginig ng kanyang tinig.  "Ah, day-off ko kasi ngayon," sabi nito na wari ba ay hiyang-hiya. Napahimas pa ito sa batok na animo ay isang teenager.  "So?" awtomatiko ay tumaas ang kilay niya. Hindi maintindihan kung bakit sinasabi sa kanya iyon ng binata. Bahagya na siyang naka-move on sa kagwapuhan nito kaya nagagawa na niyang utusan ang puso na huwag kiligin sa presensiya nito.  "Ah, may gagawin ka ba, Althea?"  "Marami, bakit?" Napasuklay sa sariling buhok si Dimmitry. Sa tingin niya ay iniisip nito ang susunod na sasabihin.  "Kasi---" "Dim!" Buhat sa pasilyo ay parating ang isang sexy at mestizang babae na guest ng hotel. "Miss Ledesma, ikaw pala." Pilit ang ngiting baling nito sa babae.  "Hi! Kanina pa kita hinahanap," maarteng sabi nito na kapagdaka'y umabrisyete sa braso ng binata. "Hi, Miss Quintana," baling nito sa kanya.  "Hi," tila naman tangang tugon niya. "Kumusta ang pag-stay mo sa resort namin, Miss Ledesma? Na-e-enjoy mo ba ang bakasyon mo?"  "But of course, Miss Quintana. Pero mas magiging enjoy ako kung pagbibigyan ako nitong si Dim na libutin itong buong isla. Ang sabi niya kahapon ay ngayon daw ang day-off niya, e." Napangiwi siya sa narinig. Isiping mukhang may usapan na pala ang mga ito pero parang gusto pang mag-attempt na yayain siya.  "Ha?" napamaang si Dimmitry pagkuwa'y litong napatingin sa kanya. "Hindi---" "Ayun pala, e. Mr Zobel, paki-entertain naman si Miss Ledesma. Tutal ay off mo naman pala kamo, hindi ba?"  "Pero---" "Wow! Ayan, ah, si Miss Quintana na ang nagsabi na ipasyal mo ako. So, shall we, Dim?" malanding sabi nito na ngayon ay ikinikiskis pa ang masaganang dibdib sa braso ni Dimmitry. Halos lumuwa na ang mga iyon dahil sa baba ng neckline ng suot nitong blouse na mukhang kinapos sa tela. Sa tingin niya ay higit isang dangkal lamang iyon dahil ang dulo ay nasa ibabaw lamang ng pusod ng babae. Gustong umasim ng mukha niya pero pinakapigil niya ang sarili.  "Sige, ha? Enjoy kayo. Excuse me, may gagawin pa ako." Tinalikuran niya ang mga ito at itinuloy ang naudlot na pagpunta sa assitant.  "WHAT?! Oh, well, iba na talaga ang gwapo. So, ano ang reaksyon ni ate Althea? Sa tingin mo, nagselos ba?" tanong ni Jaz matapos ang isang malakas na pagtawa. "May nagselos bang ganoon na iniwan ako sa babaeng 'yon? Badtrip kasi itong si Miss Ledesma, e. Akalain ko ba na seryoso pala sa pagyaya sa aking mamasyal."  "Natural na hindi ipahahalata 'yon. Wala naman kayong relasyon, e," segunda naman ni Cris. Kagaya ni Jaz ay pinagtatawanan din siya nito nang sabihin niyang nasira ang plano niyang imbitahang mag-date ang pinsan ng mga ito.  "So, ano na ang plano mo? Mukhang masama ang tama sa 'yo nang Miss Ledesma na iyon, Dim. Malamang sa magtagal dito 'yon sa Del Fuego para sa 'yo. Paano na ang balak mong paglapit kay ate?" Hindi siya nakasagot. Ang isip niya ay lumilipad sa ika-walong palapag ng hotel kung saan ang silid na inookupa ng dalaga.  SA SILID ay hindi mapigilan ni Althea ang mainis. Sa isip ay naiinis niya kay Dimmitry. Kakatok-katok ito sa silid niya pero may kalambutsingan naman pala itong iba! At ang Miss Ledesma naman na iyon, kulang na lang ay maghubad na sa harap ng binata! Sinaway niya ang sarili sa kung anu-anong naiisip. Ano ba ang pakialam niya kung may kasama itong babae? Afterall ay hindi naman pwedeng siya ang sumama rito. Hindi niya kayang tagalan ang mapalapit sa binata. At kung sakaling nagtagal pa ito sa harapan niya kanina, dalawang bagay lang ang posibleng mangyari. Mahimatay siya sa tindi ng panginginig o mapipilitang magtaray para pagtakpan ang takot na umaalipin sa kanya sa tuwing kakausapin siya ng isang lalaki. Tumayo siya at pumunta sa terasa. Nang mga oras na iyon ay wala sa dalampasigan si Dimmitry kaya mas lalong tumindi ang hinala niya na magkasama pa ang mga ito hanggang sa mga oras na iyon.  Naputol ang pag-i-isip niya ng kung anu-ano nang makarinig siya ng sunud-sunod na katok sa labas ng kanyang kwarto.  "Althea? Are you still up, hija?" anito sa labas. Bigla ay na-excite ang kanyang puso nang marinig ang tinig ng ina. Madalang silang magkita nito dahil sa Maynila ito nakatira kasama ang kanyang ama at mga kapatid. Bagaman may kanya-kanyang silid din ang mga ito sa hotel ay madalang namang ma-okupa dahil dalawang beses lamang sa isang buwan kung dumalaw ang mga ito rito sa isla Del Fuego.  "Oh, Ma, akala ko ay hindi mo na ako pupuntahan dito." Naiiyak siyang yumakap sa ina. Tatlo silang magkakapatid at siya lamang ang babae kaya talaga namang malapit siya sa mga magulang. "Akala ko ay hindi n'yo na ako mahal ni Daddy." "Hey, ang baby ko naman, umiral na naman ang pagka-childish. At bakit hindi kita mamahalin, aber? You're my only one daughter. Naging busy lang ako sa Manila. Alam mo naman na malapit na ang anniversary namin ng Daddy mo." Kumalas siya dito at saka binigyan ng matamis na ngiti ang ina.  "Naglalambing lang ako, Ma. I know and I understand. Wait, ang Papa kasama mo ho ba? Magbibihis lang ako para sabay-sabay tayong mag-dinner." "No, hija. Ako lang mag-isa. May importanteng meeting na dinaluhan ang Papa mo. Sumabay lang ako kay Jaz kaninang naghatid siya ng guests sa Manila. Nagpunta ako rito para sabihin sa 'yo ang isang bagay, anak." Umupo ang ina sa gilid ng kama niya at mataman siyang tinitigan.  "Ano ho iyon?" tanong niya matapos umupo sa tabi nito.  "We're leaving, hija. Kami ng Papa mo after ng anniversary namin. At gusto ko ulit i-offer sa 'yo ang matagal ko ng---"  "Ma, alam ko na ang sasabihin mo. At kagaya pa rin ho ng dati ang sagot ko. Dito lang ho ako sa Del Fuego." Ginagap niya ang isang palad ng ina. Ayaw niyang ma-offend ito sa pagtanggi niyang sumama sa mga ito sa America dahil alam niyang ipipilit lang nito na magpa-konsulta siya sa Psychiatrist.  "Hija, you're not getting any younger. Look, mahal na mahal ka namin ng Papa mo at ng mga kapatid mo. Pero paano kung dumating ang time na wala na kami sa tabi mo? Soon ay mag-aasawa na rin ang mga kapatid mo at sina Jaz at Cris na nangakong sasamahan ka rito sa isla. Paano ka na?" malungkot na sabi ng Mama niya. "I can manage, Ma," tapang-tapangan niyang sagot.  "Sa ngayon ay oo. What if matanda ka na, anak?" Ilang sandali siyang natigilan sa huling tanong nito. Napayuko siya at nawalan ng kibo. Oo nga at ganito ang kalagayan niya pero syempre ay nangangarap din naman siya ng isang masayang pamilya balang araw. Iyon nga lang ay mukhang hanggang sa pangarap na lang mangyayari ang mga iyon. "Three days pa bago ang anniversary namin ng Daddy mo. After noon ay two days pa bago ang lipad namin, anak. Gusto kong pag-isipan mo itong mabuti. This is the last time na maririnig mo ito sa akin." Parang pinipiga ang puso niya sa nakikitang determinasyon ng ina na mapapayag siya.  "Pag-iisipan ko, Ma," aniya para matigil na ang ina.. Bago ito umalis ay isang mahigpit na yakap pa ang ibinigay sa kanya. Lumipad rin ito nang gabing iyon pabalik sa Maynila baon ang hiling na sana ay pumayag siya sa mungkahi nito.  "SIGURADO  ka ba?" Natigil si Dimmitry sa ginagawang pag-check sa makina ng chopper nang marinig ang balita mula kay Cris.  "Well, 'yun ang sabi niya. Naaawa siya kay Tita Eleonor kaya nagtatalo ang isip niya kung pagbibigyan na ito na isama siya sa America. So, what is pumayag si ate Althea? Makakapaghintay ka ba?" Saglit na nag-isip si Dimmitry.  "Kaya ko namang maghintay, dude. Ilang taon ko naman ng ginagawa 'yon. Pero sa tingin ko ay hindi namn Psychiatrist ang kailangan ng ate mo," makahuligan niyang sabi.  "Anong ibig mong sabihin, Dim?" Tiningnan niya ito ng seryoso.  "Soon, you will find out."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD