Chapter 3

1059 Words
HINDI NAKATULOG nang gabing iyon si Dim. Iniisip niya si Althea at ang tungkol sa pag-alis nito sa Isla Del Fuego. Makakaya ba niya iyon? Matagal na niya itong gusto. No. Nakakatawa man pero sa tingin niya ay mahal na niya ang dalaga kahit pa palagi at tinatanaw lang niya ito mula sa malayo. At kung mawawala ito sa Isla at aalis papuntang America ay siguradong maninibago siya. Sanay siyang nakikita ito araw-araw kahit pa tinatanaw lang niya ito sa bintana ng hotel suit ng dalaga. Masaya na siya roon. Kumpleto na ang araw niya. Kahit pa kapag nagtatama ang mga nila ay hindi nakakaligtas sa kanyang paningin ang takot sa mga mata ng dalaga. Bago siya matulog ay may nabuo na siyang pasya. Susubukan na niyang ligawan ang dalaga. KINABUKASAN ay wala siyang pasok sa Isla. Off niya biglang piloto ng isa sa mga chopper kaya naman umaga pa lang ay nag-iisip na siya kung paano siya makakalapit kay Althea. "Good morning, Pare, ang aga mo, ah. Rest day mo ngayon 'di ba?" bati niya kay Jaz na dinatnan niyang nagkukutkot na ng chopper sa dalampasigan ng ganoon kaaga. Wala pa kasing alas-sais. Ito ang nakatoka ngayon sa chopper na pinalilipad niya. "Kanina pa ako gising. Hindi na kasi ako makatulog, Pare. Kaya nang makita kitang nandito, e, bumaba na ko." "Naku! Malala na 'yan, Bro. Hindi ka na mapagkatulog, e. Inaatake ka na ng Athemia attack," nakangising sabi nito na saglit lang siyang tinapunan ng tingin. Nangunot ang noo niya dahil hindi niya kaagad naintindihan ang ibig nitong sabihin. "Anong Althemia attack?" "Althemia attack. 'Yong hindi ka makatulog dahil sa kaiiisip mo kay Ate Althea," sabi nito saka umiling-iling habang tawa ng tawa. "Tado!" Hindi rin niya napigil ang matawa sabay batok sa kaibigan. "Totoo naman 'di ba? Hindi ka nakatulog dahil sa sinabi namin sa 'yo tungkol sa pag-alis niya," sabi nito na abala na ulit sa ginagawa. Umupo siya sa buhangin sa tabi ni Jaz. Tumingin siya sa malawak na karapatan. Tama naman ito. Hindi nga sis halos nakatulog dahil doon. "Well…" "Sabi ko na nga ba, e. Bro, gusto ko lang malaman mo na pwede na handa ka naming tulungan para mapaamo mo si ate Althea. Now, bilang first step mo, baka gusto mo siyang sundan? Naglakad-lakad din siya kani-kanila lang. Mag-isa at walang kasama. Pagkakataon mo na, Pare," masayang sabi nito kaya bigla siyang na-excite. Kaya nang ituro ni Jaz kung saan gumawi ang dalaga, hindi na siya nagdalawang-isip. Lumakad siya papunta doon para sundan ito kahit dinadaga ang kanyang dibdib. Nadatnan niya si Althea na nakaupo sa ibabaw ng malaking tipak ng bato habang nakatingin sa malayo. Nakausot ito ng bestidang mahaba na pinatingnan nito ng cardigan na may mahabang manggas. Sa ganoong oras kasi ay talagang malamig pa ang hangin sa dalampasigan. Ang mahabang buhok ng dalaga na natural na alon-alon ay malayang nililipad ng hangin. Kapagdaka'y nakaramdam siya ng kung ano sa kanyang dibdib. Tuwing makikita niya si Althea ay bigla-bigla na lang lumalakas ang t***k ng kanyang puso. Siguro ay dahil alam na niyang iiwasan siya ng dalaga. Humakbang pa siya palapit. Nang ganap na siyang nasa likod nito ay narinig niyang bigla na lang tumunog ang cellphone ng dalaga. Sinagot nito iyon. "Hello, Ma? Yes po, nakita ko na si Jaz kanina. I think siya ang may hawak ng isa sa mga chopper ngayon. Why?" saglit na natahimik ang dalaga na wari bang pinakikinggan ang sinasabi ng ina sa kabilang linya. "Oh my, paano kong nakalimutan 'yon?! I'm sorry, 'Ma, pero kung hindi ka tumawag mawawala na talaga sa isip ko na mamaya na pala ang General Assembly. So stupid of me, ilang araw naming pinaghandaan 'yon pero makakalimutan ko lang pala." Narinig niyang sabi nito sa ina. Dalawang beses isang taon kung magsagawa ng General Assembly ang Del Fuego. Lahat ng empleyado ay naroon. Doon ibinabahagi sa lahat kung ano ang estado ng sales at iba pang nangyayari sa Isla. Pagkatapos ay may party para sa lahat. Halos lahat ng empleyado ng Isla Del Fuego ay iyon ang inaabangan. Bukod sa party ay may mga exciting games ring inihahanda with a exciting prices para sa lahat. "Sige po, sasabihin ko kay Jaz na isabay kayo mamayang hapon. Bye 'Ma." Narinig ulit niyang sabi ni Althea pagkatapos ay pinatay na nito ang tawag. Umalis ito sa batuhan at akmang lalakad na ito pabalik nang matigilan dahil nakita siya. "Good morning, Althea," alanganing nakangiti na bati niya rito pero sa halip na tumugon ay inirapan lang siya ng dalaga. Na kahit yata ganoon ay masaya pa rin siya dahil kahit papaano ay pinansin siya ng dalaga. "You have no right na pakinggan ang pakikipag-usap ko sa telepono, Mr. Villafuerte," mataray na sabi nito saka akmang lalampasan siya pero mabilis niyang iniharang ang sarili sa daraanan nito. "Sandali lang, Althea. I'm sorry, okay? Hindi ko naman sinasadya na marinig. Nagpunta lang naman ako dito because I wanna talk to you." Biglang nag-iba ang bukas ng mukha ng dalaga. Ang kaninang tapang na nakarehistro doon ay biglang napalitan ng takot. Takot na hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang nakita sa mukha ng dalaga. "Hindi ko alam kung bakit kailangan nating mag-usap, Mr. Villafuerte, but I'm sorry, I have to go," sabi nito na tinangka siyang lampasan pero hindi niya iyon pinayagan. Kailangan na niya itong makausap. Kailangan na niyang masabi rito ang kanyang nararamdaman bago pa ito dalhin ng mga magulang sa ibang bansa. Hinarang niyang muli ang sarili sa daraanan nito gamit pa ang dalawang braso niyang naka-dipa. Lingid sa kanya, mas lalong sinagilahan ng takot si Althea. Halos manginig na ang katawan nito at naiiyak na rin nang matitigan niya. Bigla siyang nag-alala. "I-I'm sorry, Athea. I didn't mean na matakot ka." Sa pagkakataong iyon ay tinaas niya ang dalawang palad para makita ng dalaga na wala naman talaga siyang balak na masama dito. "Gusto ko lang talaga na mag-usap tayo. 'Yon lang, Althea," nakikiusap ang kanyang tinig. Umaasa siyang dahil doon ay papayag ito sa gusto niya. "Ayokong makipag-usap sa 'yo! Please, leave me alone! Huwag mo na ulit akong lalapitan!" Nanginginig na ang boses nito at tuluyan ng umiyak kaya ang kagustuhan niyang makausap ito ay tuluyang naglaho. Nanaig ang awa niya para sa dalaga. Sa huli ay hinayaan rin niya itong lampasan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD