Chapter 4

1138 Words
"MA'AM, pinatatawag na ho kayo ng Mama at Papa ninyo. Kayo na lamang daw po ang hinihintay at uumpisahan na ang program." Buhat sa labas ng pinto ay sabi ng isa sa mga staff niya. Nakakulong siya sa hotel suit habang ang kanyang mga empleyado ay nagsasaya, dahil sa natatanging araw na iyon sa isla. Humugot siya ng malalim na hininga at umalis mula sa pagkakadungaw sa bintana. Bumalik siya sa kama at naupong muli doon. "Pakisabi na susunod na ako," mahina niyang sabi. Hindi nga niya alam kung nakarating iyon sa pandinig ng nasa labas. "Sige po, Ma'am." Malungkot siyang tumayo at tinungo ang malaking salamin na nasa tabi ng pinto ng kanyang suit. Sinipat niya ang sarili. Marami ang nagsasabi na maganda siya. Kung sabagay ay saan naman siya kukuha ng kapangitan, gayung ang Mama niya ay dating beauty queen at model? Habang ang kanyang Papa naman ay naging top beautiful male entrepreneur noong kabataan nito. Mahaba ang kanyang buhok na natural na may pagka-brown ang kulay at unat na unat. Hugis puso ang kanyang mukha, maliit na matangos ang kanyang ilong, ang mga labi niya ay natural na kulay makopa na sadyang makipot. May malalantik at makapal din siyang pilikmata na hindi na kailangan pang lagyan ng mascara. Rosy cheeks din siya. Gayunman ay balewala sa kanya ang lahat ng 'yon. Gusto niyang itago ang kagandahang iyon sa lahat ng lalaki. Para sa kanya ay monster ang mga ito. Mga hindi gagawa ng mabuti. She gave herself a final glance bago siya nagdesisyong lumabas ng kwarto. After all, hindi naman pwedeng wala siya roon. Tumuloy siya sa tabing-dagat kung saan ginagawa ang event. Ilang malalaking tents ang nandoon, tables and chairs para sa mga employees and bosses. Sa gawing gilid ay naroon ang dalawang mahahabang mesa na kinalalatagan ng buffet para sa kainan mamaya. "I'm glad na lumabas ka na ng kwarto mo, hija," bulong ng Mama niya nang humalik siya sa pisngi nito. "I'm sorry kung matagal ako, Mama." "It's okay, hija. Now, pwede na tayong mag-start." Sa ganitong mga pagkakataon ay ang Papa niya ang nagsasalita sa harap ng empleyado nila. Kailangan lang na naroon siya para kung may itatanong ito tungkol sa report na hawak ay masasagot niya. Maayos na natapos ang event. Sa bandang harapan katabi ng stage na kinatatayuan kanina ng Papa niya, tumutugtog na ngayon ang videoke. Nag-umpisa na ring mag-ingay ang mga empleyado. "Mama, babalik na ho ako sa kwarto ko," sabi niya sa ina maya-maya. "Hija, let's eat first. Isa pa, dito muna tayo. Last time 'di ba sabi mo na-mi-miss mo nang mag-videoke? Come on, iparinig mo sa kanilang lahat kung gaano kaganda ang boses mo," nakangiting sabi ng ina. Tipid niya rin itong nginitian. Sigurado siyang alam naman nito na hindi siya kakanta sa harap ng lahat. Alam niyang sinusubukan lang siya ng ina. "I can't do that, 'Ma. Baka umulan pa ay masira ang party ng mga employees." Sinubukan niyang magbiro. "Dito ka lang ha, ikukuha kita ng food. Ano'ng gusto mo?" tanong nito. Ang Papa kasi niya ay kausap ang isa sa mga head ng accounting. Normally ay ito ang kumukuha ng pagkain para sa kanila ng kanyang Mama. "Anything huwag lang rice, 'Ma," tipid niyang sagot. "Okay." Nang tumayo ito at maiwan siya sa mesang inookupa nilang tatlo ng mga magulang, inilinga niya ang mga mata. Wala man siyang hilig sa mga ganitong party, masaya siyang makitang enjoy at masaya ang kanyang mga empleyado. Deserve ng mga ito ang ganito paminsan-minsan. Iginala pa niya ang paningin. Ilang pareha ng mga empleyado ang nakita niya habang masayang kumakain. Hindi lingid sa kanya na may mag-nobyo siyang mga empleyado. Para sa kanya ay walang masama. 'Yon nga lang kapag tinitingnan niya ang mga ito, hindi niya mapigil ang sarili na makaramdam ng kakaiba. May kung ano sa sistema niya na hindi niya maintindihan. Naiinggit ba siya? Marahil ay ganoon na nga. Naiinggit siya dahil nagagawang makipaghawakan ng mga babae niyang empleyado sa mga nobyo ng mga ito ng hindi nanginginig. Hindi natulad niya na kausapin lang ng isang lalaki ay hindi na niya malaman kung saan susuling. Napahugot siya ng malalim na hininga. Kung siya ang tatanungin ay gusto rin naman talaga niyang mawala ang takot niyang iyon. Nagbawi siya ng tingin. Plano niyang tingnan ang Mama niya kung nakakuha na ito ng pagkain. Pero sa pag-ikot ng kanyang mga mata, hindi nakaligtas sa paningin niya si Dimmitry. Nakatayo ito may kalayuan sa kanya pero diretso ang tingin sa gawi niya. Nakatitig ito sa kanya at waring kanina pa nito iyon ginagawa. Bigla siyang kinabahan. Dagling sinalakay ng kaba ang kanyang dibdib lalo na nang makitang kumikilos ito at lumalapit sa may gawi niya. Napayuko siya at napapikit ng mariin. Heto na naman siya, punung-puno ng takot ang dibdib. Pagkuwa'y hindi na siya nag-isip. Mabilis siyang tumayo at lumayo doon. "Hello, 'Ma? I'm sorry pero bumalik na ako sa kwarto. Biglang sumama ang pakiramdam ko, e," aniya sa ina habang naglalakad papunta sa kanyang hotel suit. Nagpasalamat siya at naintindihan naman siya nito. Anito ay ipadadala na lang daw sa silid niya ang pagkain para makapag-hapunan siya. Malapit na siya sa lobby ng hotel nang biglang may humarang na lalaki sa daraanan niya. Mag-isa lamang ang lalaki. Nakasuot ito ng polo na nakabukas ang halos lahat ng butones kaya kita ang tiyan nitong balot ng taba. Gimbal siya nang makitang sa kamay nito ay naroon at tangan nito ang isang bote ng alak. Sa kabila ng kaba ay sinikap niyang kalamayin ang sarili. Marahil ay balak lang magpalamig ng guest na ito sa tabing-dagat kaya niya nakasalubong. Lumiko siya sa kaliwa pero ginaya siya ng lalaki. Doon na mas tumindi ang kanyang kaba. At alam niya, kapag hindi ito umalis doon ay masasaksihan nito ang panginginig niya. "Hi, Miss Althea. Sabi ko na nga ba at mas maganda ka talaga sa personal, e," sabi nito na kahit gabi ay kitang-kita niyang sinusuyod ng tingin ang kanyang kabuuan. Binalot ng takot at kakaibang kilabot ang kanyang kabuuan. Hindi pa man ay naglalaro na sa isip niya ang pwedeng mangyari sa mga susunod na sandali. "Good evening ho." Sinikap niyang maging masigla ang kanyang boses para hindi nito mahalata na natatakot siya. "A-and thanks for the compliment, Sir." Ayaw niyang isipin nito na bastos ang tagapamahala ng Isla Del Fuego. Pagkasabi niyon ay umiwas siyang muli pakanan pero hindi pa rin siya nito pinaraan. Tuluyan na naman siyang nanginig dahil sa matinding takot. "P-pasensiya na ho kayo pero nagmamadali ho ako," aniya na hindi na naitago ang panginginig ng boses. "I just want to know you better, Miss Althea. Baka naman pwedeng mag-kwentuhan muna tayo sandali," hirit pa nito saka ngumisi. Napayuko siya dahil sa matinding takot. "Ano'ng nangyayari dito?" anang baritonong tinig sa kanyang likuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD