Chapter 5

1084 Words
"CAN'T you see na nagmamadali si Miss Quintana, Pare? Why not give her a way?" matapang na sabi ni Dimmitry sa kanyang likuran. Hindi niya alam kung nagkataon lang na nandoon ito o kung sinusundan talaga siya. "Ikaw naman, Pare, gusto ko lang naman makipagkaibigan dito kay Miss Quintana, e. Bakit, bawal ba?" Halos hindi rumerehistro sa utak niya ang ang pinagsasasabi ng dalawa. Ang tanging alam niya nang mga sandaling iyon ay gusto na niyang himatayin. Parang gusto na niyang mag-collapse na hindi niya maintindihan. Bakit nga hindi, e, parehong lalaki ang nasa kanyang harapan. Parang gusto tuloy niyang magsisi kung bakit umalis pa siya sa tabi ng ina. "Sige na, Althea, ako ng bahala dito," sabi nito saka iniharang ang sarili sa harapan ng lalaki. Napatitig siya kay Dimmitry. Kung nasa ibang pagkakataon lang sila, siguradong hindi siya mahihirapang magustuhan ito. Taglay nito ang mga katangiang hinahanap ng babae sa isang lalake. Sayang at ganito siya, nakatakdang mag-isa habang-buhay dahil sa kanyang kundisyon. Nanginginig man ay inumpisahan niyang ihakbang ang mga paa palayo. Nagtatakbo siya. At nang sapitin niya ang kanyang suit ay halos lumawit ang kanyang dila sa tindi ng hingal na nararamdaman. Takot na takot siya kanina. Sabihin pang ang hitsura ng lalaki ay hindi nalalayo sa mga dumukot sa kanya noon noong siya ay bata pa. Umupo siya sa kama at noon lang niya naisip na maging ang pasalamatan si Dimmitry ay hindi niya nagawa. TWO DAYS AFTER "ANNIVERSARY namin ng Papa mo bukas, iyon man lang sana ay maging regalo mo sa kanya, hija. Kahit hindi na sa akin. Afterall, ngayon lang ako hihiling sa 'yo." Hindi nakakibo si Althea. Hinihiling na naman kasi nito na sana ay pumayag na siyang sumama sa mga ito sa America. Balisa siya buong magdamag. Nang ibaba ng kanyang Mama ang telepono ay alam niyang masama ang loob nito sa kanya. Gustung-gusto niyang pagbigyan na ang ina sa bagay na matagal na nitong hinihiling. Gusto rin niyang bigyan ng kasiyahan ang Papa niya. Pero paano naman kung siya ang mahihirapan sa pakikihalubilo sa mga tao? Paano kung sa tuwing may makakasalubong siyang lalaki ay parang gusto na lang niyang maglaho bigla? Kainin ng lupa at lumabas na lang ulit kapag wala na ang mga ito. Pero paggising niya kinabukasan, may nabuo na siyang pasya habang nakikipagtitigan sa kisame. "Sasama na ako kina Mama sa America," kaswal niyang wika kina Jaz at Cris nang umagang iyon habang nag-aalmusal sila. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Marco. "Oo. Naaawa na kasi ako kay Mama. Anniversary pa nila ng Papa. Isa pa, parang gusto ko ng bigyan ng pagkakataon ang sarili ko. Tama naman ang sinabi ni Mama, kapag matanda na sila at may mga asawa na kayo, who can I turn to?" malungkot na wika niya. Napansin niyang ilang sandaling nagkatitigan sina Cris at Jaz. "Yeah! Tita Lilia was right. Pero mas maganda siguro if you seek for a professional help." Napaawang ang bibig niya dahil sa kaprangkahan ng pinsan. "Cris!" Kahit si Jaz ay nabigla sa sinabi ng binata. Kahit kailan ay hindi nila binanggit kay Althea na kailangan na niyang kumonsulta sa doktor. Nauunawaan nilang very sensitive ang paksang iyon at baka magdamdam ang dalaga. Pero si Cris, palibhasa'y bihirang makasama si Althea. "Bakit Kuya Jaz, ang iniisip ba ninyo kapag nakipagkita sa isang Psychiatrist ang isang tao ay nababaliw na siya?" kaswal pa rin na tanong ng binata. "No, of course not! Kaya lang, you can say it in a nice way!" Bahagya ng mataas ang boses ni Jaz. "That's the best way I know how to tell her what she needs. Masyado kasing bineybi ni Ate Althea ang nararamdaman niya, kaya kahit anong gawin niya ay hindi siya makawala sa alaala ng kahapon." "How dare you, Cris. Hindi mo alam ang—" "Ah, guys, sa lahat ng ayoko ay 'yong nag-aaway kayo sa harap ko, remember?" nakangiti niyang sabi habang pigil ang damdamin na sumabog ang totoong nararamdaman. "Anyway, tama naman si Cris, Jaz. It's about time na makipagkita na ako sa isang Psychiatrist," pilit ang ngiti niyang sabi. "Ate Althea!" "Jaz, gusto ko na ring mag-grow. Afterall, tama naman talaga si Cris. I have to move on. At gusto kong umpisahan 'yon sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga tao sa labas ng Del Fuego." "TOTOO ba 'yan?" Nabitiwan ni Dim ang hawak na kubyertos nang marinig ang balita ni Jaz. Biglang kumalabog ang dibdib niya sa hindi niya mawaring dahilan. "Yeah. Well, maganda naman na din 'yon. Siya na mismo ang kumawala sa bangungot na kahapon. And we wish her luck." Walang nagawa si Dim kung hindi ang mapahugot ng malalim na hininga. "Kailangan ba talagang makipagkita muna siya sa Psychiatrist para lang gumaling siya?" "Siguro. So, makakapaghintay ka ba?" Natigilan siya sa makahulugang tanong na iyon ni Jaz. "And why not? Ilang taon na rin naman akong naghihintay 'di ba?" "Oo, pero iba na ngayon. Hindi ka sigurado kung kapag magaling na ba siya ay babalik pa siya rito sa isla." Doon na siya tuluyang napaisip ng malalim. "What do you mean?" kunot-noong tanong niya. "Well, ilang taong ikinulong ni Ate Althea ang sarili niya dito sa Isla. Baka kapag magaling na siya ay ma-realize na lang niyang bigla na napakaraming bagay pala niyang sinayang. So, maybe, she will decide na bawiin iyon. At baka makalimutan na niyang bumalik dito sa pamamahala sa resort dahil nakatagpo na siya ng bagong daigdig." Hindi siya nakakibo. Hindi niya masabi kay Jaz na noon pa man ay naglalaro na ang katanungang iyon sa kanyang isip. Pero hindi siya papayag na mangyari iyon. Ilang taon na ba siya sa Isla? Ilang taon na siyang piloto ng private plane ng pamilya Quintana? At sa loob ng ilang taong iyon, ganoon na rin niya katagal inaalagaan sa kanyang puso ang pagmamahal na naramdaman niya kay Althea Quintana, unang beses pa lamang na makita niya ito. Kasama lamang siya noon ng kanyang mga magulang na nagbakasyon doon bilang guests ng resort. Na siya ring naging dahilan kung bakit niya naisipang mag-apply bilang piloto roon. Kung tutuusin ay may mas maganda sanang career na naghihintay sa kanya, kung tatanggapin niya ang alok na trabaho ng kasosyo sa negosyo ng kanyang Papa. May-ari kasi iyon ng isang jumbo jet plane na nagbibyahe sa iba't ibang panig ng mundo. Mas maganda sanang oportunidad iyon. Kaso ay wala naman doon si Althea kaya ayaw niya. Kahut habang-buhay pa siyang magtiyaga sa isla basta't hindi ito mawala sa paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD