Chapter 6

1255 Words
"MA'AM, kailan po kayo babalik?" malungkot na sabi ng assistant niyang si Jean. Kahilera ito ng mga kasamahan na naghatid sa kanya bago siya sumakay ng chopper. Kahit naman kasi hindi siya palakausap sa mga empleyado niya, siniguro niyang wala ni isa sa mga ito ang naiinis sa kanya. Tipid niya itong nginitian. "Hindi ko alam, Jean. Basta ang masasabi ko lang, keep up the good work. Aba, magdadalawang taon ka na rin dito, ha? At kailangan na makakuha ka na ng promotion." Sa kauna-unahang pagkakataon buhat nang maging empleyado niya ito ay hinawakan niya ito sa kamay. "M-Ma'am?" Nagtatakang napaawang ang bibig ni Jean. Nang tingnan niya ito ay parang maiiyak ito na natutuwa na hindi niya maintindihan. "Bago ko iniwan ang tuluyang pamamahala ng resort kay Marco, nag-iwan na ako ng recommendation letter para sa promotion mo. Siya na ang bahala kung saan ka ilalagay," aniyang hanggang nang mga oras na iyon ay nakangiti pa rin sa mabait na empleyada. Masipag naman kasi talaga si Jean. Kahit noon ay batid niyang ilag at takot ito sa kanya kung minsan, palagi pa rin nitong nagagawa ng maayos ang trabaho ng walang problema. "T-talaga ho, Ma'am?" nagniningning ang mga mata nito habang walang kurap na nakatitig sa kanya. "Oo. Kaya pagbutihan mo pang lalo, ha?" "Yes, Ma'am. Pero mas maganda po kung babalik kayo kaagad." Nginitian na lang niya ito dahil na-touch siya sa sinabi ng assistant. Pagkuwa'y inilinga niya ang paningin sa paligid. "Paalam Isla Del Fuego. Kapag hindi ako gumaling, babalik ako rito at tatanggapin ko na lang na habang-buhay na akong mananatili dito. Pero kahit naman gumaling ako, babalik pa rin ako dito," bulong ng isang bahagi ng kanyang utak. Malungkot man siya sa pag-alis sa islang naging kanlungan niya sa mahabang panahon, umaasa siyang may magandang ibubunga ang kanyang gagawin. Baka nga may pag-asa pa siyang gumaling. Baka nga may pag-asa pa siyang magmahal at magkaroon ng pamilya kapag nawala ang takot niya sa mga lalaki. "Ate, Althea, good luck, ha? I know na mas better person ka na pagbalik mo dito sa Del Fuego, at hihintayin namin ang pagbalik mo," ani Marco na isa pa niyang pinsan. Hindi kagaya nina Jaz at Cris, si Marco ay hindi piloto. Tourism management ito kaya naman dito nila napagkasunduan ng pamilya na ipamahala ang resort habang wala siya. "I'm not saying na hindi ka better person ngayon. But, alam namin na lahat ng gusto mo ay kaya mo ng gawin pagbalik mo rito, Ate," ani pa ni Marco. Kung may ipinagpapasalamat siya sa pagiging Quintana, iyon ay walang iba kung hindi ang kanyang pamilya. Magmula sa kanyang mga magulang, mga kapatid at mga pinsan ay napaka-supportive. "Thank you, cousin. Bahala na kayo nina Jaz at Cris dito, ha?" "Oo naman, Ate. Huwag mo ng prolemahin ang iiwananan mo dito. Kami na ang bahala, okay?" "Sus! Paano namang hindi ako mag-aalala? Tingnan mo nga 'yong dalawa na 'yon, ang sabi, e, sila pa raw mismo ang maghahatid sa akin pag-alis ko. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang mga anino," naggagalit-galitan niyang sabi. "Pagpasensyahan mo na ang dalawang 'yon, Ate. Off ni Jaz ngayon, e. Si Cris naman ay maaantala daw ng balik dito buhat sa Maynila. O, sakay na." Pumihit na siya paharap sa chopper. Inalalayan pa siya ni Marco sa pagsakay. Pinilit niyang ignorahin na tingnan ang lalaking nakaupo sa pilot's chair. Dapat ay isa kina Jaz at Cris ang naroon pero wala nga ang mga ito kaya si Dimmitry ang naroon. Batid niyang manginginig na naman siya sa takot mamaya pero wala naman na siyang choice pa. Alangan namang umurong pa siya? Isa pa ay kailangan na niyang sanayin ang sarili. Sa America ay siguradong mas marami siyang kailangang pakihalubiluhan. "Dim, pare, ikaw na ang bahala kay ate Alteha, ha?" pasigaw na wika ni Marco kay Dimmitry dahil maingay na ang makina ng chopper. Kung hindi ito sisigaw ay siguradong hindi iyon maririnig ng binata. "Oo, Pare!" ganting sigaw nito sabay kaway sa pinsan niya at lingon sa may gawi nila. Halos kalahati lang ng mukha nito ang nakita niya pero parang gusto pa rin niyang mapa-singhap. Kahit kasi nakasuot na ng helmet at salaming de-kulay si Dimmitry, hindi pa rin maikakaila ang kagwapuhang nakatago roon. Para ngang mas nakadagdag pa iyon sa lakas ng dating nito dahil na-emphasize ang hugis ng matangos nitong ilong. At kahit nakasuot ito ng maluwang at de-kulay na uniporme nito sa pagpipiloto, hindi rin naitago niyon ang kakisigan ng binata. "Bye, mag-ingat kayo!" pahabol pang sigaw ni Marco habang dahan-dahan ng tumataas mula sa dalampasigan ang chopper. Isang kaway ang isinagot niya sa pinsan habang nakatunghay sa ibaba at tinatanaw ang mga naiwan sa dalampasigan. Nanatili siya sa ganoong pwesto hanggang unti-unti ng lumiit ang mga taong kanina lang ay kausap niya. Hanggang maging ang Isla ay animo na lang tuldok sa gitna ng karagatan. Nang umayos siya ng upo at ibinaling sa naaabot ng kanyang paningin ang mata, kahungkagan na ang kanyang nararamdaman. Hindi lang takot dahil sa magiging bagong buhay niya ang kanyang pinangangambahan. Sari-saring katanungan din ang bumabangon sa kanyang isip. Kung kaya ba niyang panindigan ang ginawang pag-alis ng Del Fuego, kung nakahanda ba siya sa mga pwedeng mangyari kapag kumunsulta na siya sa mga espesyalista, at higit sa lahat, kung kaya nga ba niyang mamuhay ng normal at tuluyang iwanan ang alaala ng bangungot na kahapon? Nalulungkot din siya sa pag-iwan sa mga taong oo nga at hindi naman niya mga kamag-anak pero hindi naman siya ginawan ng masama. Bigla ay na-realize niya, oo nga pala, matagal na panahon na rin niyang nakasama ang mga iyon. Matagal din niyang nakasama, and yet, wala namang naging banta sa kanyang kaligtasan. "Oo nga pala, nagawa ko silang tagalan kahit nabubuhay ako sa takot," bulong ng isang bahagi ng kanyang isip. Siguro naman ay kaya rin niyang tagalan ang mabuhay sa ibang lugar bukod sa Isla Del Fuego. Maya-maya ay wala sa loob na napabaling ang tingin niya kay Dimmitry. Wala pa rin itong kakibo-kibo habang ang buong atensyon ay nasa pagpapalipad ng sasakyan. Kahit takot siya rito, siguradong ma-mi-miss niya ang binata. Iyong mga pagkakataong natatanaw niya itong palagi buhat sa ibaba ng kanyang hotel suit at nag-aayos ng chopper, kapag nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya dahil nakatingin din siya rito, maging ang pagtatangka nitong kausapin siya ay ma-mi-miss din niya. Dahil sa kaisipang iyon ay parang bigla niyang gustong umiyak. Nahihiya man siyang aminin pero ang totoo ay naging bahagi rin ng kanyang buhay ang lalaking ito. At kung hindi ganito ang sitwasyon niya, siguradong nagkaroon ng mas malalim na ugnayan sa pagitan nilang dalawa. Dahil sa totoo lang ay gusto talaga niyang bigyan ng pagkakataon ang binata na makapasok sa kanyang mundo. 'Yon nga lang ay pinangungunahan siya ng takot at hindi niya kayang supilin ang panginginig kapag natitigan na siya ng binata. Hindi siya aware pero pinag-aaralan na niya ang kabuuan ng binata. Wala sa loob na napasulyap siya sa malapad nitong likod, sa mga kamay nitong nakahawak sa control ng chopper, sa mga bisig nitong matatag na pinalilipad ang sinasakyan nila. "Dimmitry, ano kaya ang pakiramdam na makulong sa mga bisig mo? Hindi kaya ako matakot at manginig sa takot?" Noon naman biglang sumulyap sa salaming nasa harap nito si Dimmitry. Huling-huli nito ang ginagawa niyang pagmamasid. Nagtama ang mga mata nila. Ngumiti ang binata sa kanya pero siya naman ay parang napahiya. Nagbawi siya ng tingin dahil biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD