Chapter 7

729 Words
PARANG gusto na naman niyang manginig. Wala sa loob na napalunok siya at ibinaling na lang ang buong pansin sa labas ng bintana. Hindi na niya muling nilingon si Dimmitry. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagmamasid sa magagandang tanawin sa ibaba. Sinabi niya sa sariling mag-isa lamang siya roon at walang kasama. Ayaw niyang mangatog siya sa takot habang nasa himpapawid sila dahil wala silang tatakbuhan. At sa mabibilang na pagkakataon sa kanyang buhay ay namangha na naman siya bigla. Bibihira kasi siyang makakita ng magagandang tanawin dahil nga hindi naman siya umaalis ng Isla Del Fuego. Maganda para sa kanya ang islang kinalakhan, walang duda roon. Pero mula pagkabata ay naroon na siya kaya pangkaraniwang tanawin na lang para sa kanya ang Isla. Napakaswerte niya at nagkaroon siya ng pagkakataon na masaksihan ang kagandahang namamalas niya nang mga sandaling iyon. Tuluyang nabaling doon ang kanyang atensyon at nakalimutan niya pansamantala na may kasama siyang isang lalaki. Mula sa backpack na kanyang dala ay inilabas niya ang baon-baong magandang klase ng camera. At sa mga sumunod pang sandali, masaya na niyang kinukuhanan ng picture ang magagagdang tanawin na kanyang nasisilayan. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang bigla siyang matigilan. Napansin kasi niyang parang may mali sa chopper. Pakiramdam niya ay parang umaalog iyon. "D-Dimmitry, w-what's wrong?" kinakabahan niyang tanong sa paraang pasigaw para siguradong maririnig siya nito. "I don't know, Althea. Just fasten your seatbelt! I think may problema sa makina!" ganting sigaw nito na naging dahilan ng kanyang takot. Nagsimulang manginig ang kanyang katawan. "W-what?" Nang mga sandaling iyon ay sinasagilahan na siya ng kung anu-anong masasamang naiisip. "Baka bumagsak tayo, Dim!" pasigaw pa rin niyang sabi. Ang mga mata niya ay marinig nakapikit at inumpisahan na rin niyang umusal ng dasal. "Just hold on! Huwag kang mag-panic. Pipilitin ko pa rin na mailapag sa ligtas na lugar!" muling sigaw ng binata. Hindi siya dumilat. Nanatili siyang nakapikit at pinakiramdaman ang nangyayari. Patuloy sa pag-alog ang chopper. Naririnig niyang parang may umaangil sa makina niyon. Pakiwari niya ay mahuhulog siya kapag tumagilid iyon ng hindi inaasahan. "Oh God! Sabi ko na nga ba! Sabi ko na nga ba! Hindi talaga safe na umalis ako ng Del Fuego!" sa tindi ng takot na nararamdaman ay nagawa niyang ibulalas. Bigla ay nasisi niya ang ina sa pamimilit nito na sumama siya sa America. "God! Please Help us. Ayoko pa pong mamatay," paulit-ulit niyang bulong habanb halos himatayin na siya sa kinauupuan. Hindi pa rin siya dumidilat. Maya-maya pa, buhat sa pagkakapikit ay naramdaman niyang pabulusok na ang sinasakyan nila. "Oh no!" Ang alog niyon ay mas lumakas pa. Ang pangangatog ng kanyang katawan ay nauwi na sa panlalamig, hanggang sa tila babaligtad na ang kanyang sikmura. Hanggang sa naramdaman na lamang niya na unti-unti ng nagdidilim sa kanya ang lahat. NAGISING ang naaalimpungatang diwa ni Althea dahil sa naririnig niyang tunog na nanggagaling sa iba't ibang hayop sa paligid. Sa inaantok na diwa ay dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. "Hmmm…" Sumalubong sa kanyang paningin ang mapuno at madawag na kapaligiran. Ang kinahihigaan niya ay malapad na batuhan, na nasa tabi ng isang water falls. Nagmumula sa itaas ng bundok ang tubig na naglalandas doon at tila kristal na nahuhulog sa ilog. Sa isip ay namangha siya. Ganoon din kaganda ang falls na nasa loob ng gubat ng Isla Del Fuego pero sigurado siyang wala siya roon. Kahit madalang siyang maglibot doon ay kabisado naman niya kahit paano ang kanilang Isla. "Mabuti at gising ka na." Nagulat siya at biglang napalingon sa nagsalita. "Dimmitry!" Doon na siya biglang napabangon. Palapit sa kanya ang binata habang sa likod ay pasan ang isang sakong hindi niya malaman kung ano ang laman. Walang kangiti-ngiti sa mga labi nito habang matiim na matiin ang titig sa kanya. Bigla ay gusto na naman niyang kabahan. Parang gusto na naman niyang manginig sa kaisipang stranded silang dalawa ng binata sa islang hindi niya malaman kung nasaang parte ng Pilipinas. "N-nasaan na tayo?" tanong niya na ibinaling sa iba ang mga mata. Kapag kasi nakipagtitigan siya sa binata, alam niyang hindi niya kayang pigilan ang pangangatog na nakatakdang maramdaman dahil sa presensiya nito. "I don't know, Althea. Maging ang radyo ng chopper ay sira. Mukhang mahihirapan tayong makahingi ng rescue. Maliban na lang kung may makikita tayong tao dito," anito na tuluyang nagpatindi sa takot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD