Chapter 34 -Ella Mhay- Nagising akong may benda ang buo kong mukha, masakit din ang mga sugat na meron ako dun, hindi ko alam kung manubuhay pa ako dahil sa mga tinamo ko ngayon. Natatakot akong isipan na iiwan ko ng maaga ang aking anak, napaka bata pa nito kaya naman hindi ko makakayang iwan ito na mag-isa. Alam ko namang hindi ito pababayaan ni Maxwell at ng mga magulang nito, pero naniniwala pa rin akong mas maganda kung may inang kakalingan sa isang bata habang lumalaki ito. Habang nakahiga ako at hindi ko rin maigalawa pa ang aking mga katawan ay napapaluha ako, at inaalala kung bakit ito nangyari sa akin at kung bakit ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Ang natatandaan ko ay namimili ako sa isang grocery store ng mga pagkain namin, ng biglang may dalawang lalaking nagtakip ng ak

