Chpater 33 -Maxwell- Hindi ko akalain na matagal na palang kilala ni Mommy si Ella, ito pala ang sinasabi noon ni Mommy na batang babae na madalas manghingi ng mga bulaklak lalo na kung maraming bagong tubo ang mga ito. Hindi naman ako intrisado noon dahil sa nakapokus ako noon sa pag-aaral at kung paano ko makikita si Ella, kung alam ko lang ito iyon matagal ko na sana itong nahanap. Naging masaya ang pagkikita ng pamilya ko at ng aking mag-ina, alam na rin ni Mommy na balak ko ng makipaghiwalay kay Beatrice. Wala akong narinig na pagtutol dito kaya naman sobrang gaan ng aking pakiramdam. Nagsasama na kami ngayon sa bahay, at ipinaliwanag ko na rin kay Lola Sabel ang lahat. Mabuti na lang talaga ay pumayag ito ng sa ganoon ay mapatunayan ko sa mga ito na gusto kong bumawi sa lahat n

