Chapter 32 -Ella Mhay- Kinabukasan ay umalis na rin kami ni Lola Sabel at nagpasundo na rin kami kay Harvey para sa bahay nila kami tumuloy. Kila Carol naman talaga kami dapat tumira dahil doon naman talaga ang dapat. Naging magrama pa ang tagpo ng mag-ama ng umalis kami sa mansion nito. Kagabi pagkatapos naming mag-usap ay pumayag na itong kila Carol muna kami tumuloy, akala ko ay hindi ito papayag kaya kahit papaano ay naging masaya ko ng ito na mismo ang nagsabi na doon na kami muna. At babalikan niya kami kapag maayos na rin ang lahat. “Mummi, iwan atin Papa to?” Tanong ni Gift sa akin, ang anak ko kapag nagsalita at hindi maintindihan kung hindi mo talaga iintindihin dahil sa pagiging bulol nito ay nagagawa ko tuloy mapakamot ng ulo dahil sa sumasakit ang ulo kong intindihin ano

