Chapter 1
-Maxwell-
“Matapang lang kayo kasi anak ko ng mga mayayaman, subukan kaya ninyong mahirap tignan ko lang kung magawa inyo ang mga ganyan.” Galit na sambit ng isang lalaking pinatatanggol ang bunibully ng mga tauhan ni Sam ang isa pang siga sa loob ng campus na pinapasukan kong school.
Ang school na kung saan ay ang pamilya ko rin ang may-ari at ang pamilya naman ni Sam ay ka business partner lang ng aming pamliya. Ang Emilio’s De Lana University ang unang school na tinayo ng Lolo Emilio ang Ama ni Lolo Jacinto. Dito rin unang nakilala ang pamilya naming maliban sa ibat-ibang business at sa pagiging mafia o sa underground world. Kilala kaming magaling sa larangan ng business kaya naman marami ang naiingit sa amin.
Aminadoo akong marami ang kaaway ng aming pamilya dahil na rin da pangalang taglay naming, mula pa sa aming mga ninuno ay ganito na ang aming pamilya kaya naman kaming mga bagong henerasyon ay nagtutuloy ng mga traditional ng aming pamilya. Si Daddy ko ay isang mafia at ang Mommy ko naman ay isang mafia queene, parehong mayamang pamilya ang mga magulang naming kaya kahit hindi na kami magtrabaho ay hindi kami maghihirap.
Pero iba nag panananaw ni Mommy sa buhay kaya kailangan pa rin naming mag-aral at magbanat ng buto. Lahat kaming magkakapatid ay takot kay Mommy at hindi kay Daddy. Well, takot rin naman kami kay Daddy pero hindi kagaya ng takot naming kay Mommy dahil, talagang makakatikim ka kay Mommy na isang sakit sa katawan na hindi mo pa nararanasan.
Aaminin kong bully rin ako at ang totoo at mas malala pa kay Sam, pero never ako nang bulluy ng mga taong walang ginagawang masama sa akin. Ang nagiging kalaban ko sa school ay ung mga taong palaging nang gugulo at talagang gumagawa ng ikakasira ng school. Kagaya nitong si Sam Hernandez isang bully ng shool ilang beses ko na itong pinagsabihan pero sadyang makulit at maraming student ang ginugulo nito.
Kaming tatlong magkakapatid ang nag-aaral dito pero ako lang ang madalas mapaaway dahil na rin sa ako palaging nakakakita ng mga taong binubully ni Sam. Tulad ngayon isang nerd ang kanilang pinahihirapan at binuhusan ng isang itim na pintura.
“Stop it Sam, if you don't want me to pour a weight of acid on you myself, so that your soul will burn as well.” Salita ko dito habang papasok sa isang classroom na hindi na nagagamit dito sa likod ng school. Dito nila madalas gawin ang mga ganitong pagbubully kaya kabisado ko na rin ang galawan ng mga ito.
“You are the one to stop Maxwell, and if I were you, find someone to bully yourself because I don't have time for you. Then I'm not afraid of someone like you.” Sagot naman nito sa akin at sa nakakangising boses. Pero nagulat ito ng makita akong tuluyang nakapasok at nakapamewang na tumingin sa kanya. Alam na nito ang magiging kilos ko kaya naman umayos ito ng tayo, pero hindi ako tanga para lang maunahan nito.
Wala na akong sinayang na sandali at sinipa ko ito sa dib-dib na ikabagsak nito sa lupa, napahawak ito sa kanyang dib-dib dahil na rin sa lakas ng pagkakasipa ko dito at natitiyak kong masakit iyon. Masama namang nakatingin sa akin ang mga kaibigan nito, ngunit hindi ako natatakot sa mga ito kahit na mag-isa lang akong pumasok sa kuta ng mga ito.
Hanggang sa hindi nga ako nagkamali dahil sa sabay sumugod sa akin ang mga kaibigan nito, ang isa ay nagawa akong sipain sana sa mukha pero mabilis ko iyong nailangan. Habang ang iba naman ay nakikipagsuntukan sa akin ngunit isa man sa kanila ay hindi ko hinayaan na masugatan ang mga at makinis kong mukha. Paano na lang ako sa mga girls kung masusugatan lang ng mga hayop na ito.
Meron pang may pamalo sa kanila pero lahat lang yon ay baliwala sa akin dahil sa pagiging bihasa namin sa pakikipaglaban ay sanay na ako sa ganitong simpleng labanan lang. Wala pa ito sa kalahati ng training ni Mommy ko kung tutuusin. Kaya hindi ko iniinda ang mga ginagawa ng mga itong pagsugod sa akin.
Hinawakan ko ang kaliwag kamay ng isa, at kanan naman sa isa rin at mabilis ko iyong naitali ng hindi nagagawa ng mga ito na labanan ko. Sabay ko pang sinipa sa tiyan ang dalawang parating habang hawak ko parin ang dalawang nakatali. Hanggang sa bilis ng aking kilos ay naitali ko na ang apat sa isang upuan na hindi rin namamalayan ng mga ito. Napabuga pa ako ng hangin dahil sa inis at nagusot ang suot kong uniform na ayaw na ayaw kong nalulukot.
Matinding pagsasanay ang pinagdaanan naming mag pipinsan dahil nasa dugo na namin ang pagiging mafia kaya hindi kami basta magpapatalo sa ganitong klaseng tao. Napasuklay pa ako sa mahaba kong buhok dahil sa nagulo ang mga ito sa pakikipaglaban ko sa apat na ungas na ito. Lumapit ako kay Sam at sinapak ko ito ng ikinatulog nito, bumalik naman ako sa dalawang lalaking at sinabihan ko ang mga ito na umalis na sa lugar.
Mabilis namang nagtatakbo ang mga ito at alam kong magsusumbong naman ang mga iyon sa teacher at tiyak na mapapaalis na dito si Sam Hernandez kahit na gaano pa ito kalakas sa school. Isa rin ako sa mga iniiwas dito ng mga bully, kapag nasa paligid kaming tatlo ng mga kakambal ko at hindi gumagawa ng gulo ang mga siga dito dahil alam na nila ang kanilang kalalagyan.
Nanglakad ako ng parang walang nangyari ng makasalubong ko naman ang isang new student at mukha pa itong naliligaw dahil na rin sa hawak nitong map ng buong school. Malaki ang school at meron itong apat na building na malalaki rin kaya kung bago ka pa lang dito ay siguradong maliligaw ka. Lalapitan ko na sana ito ng makita kong lapitan ito ni Nelson ang school president at kilala honor student ng school. Nang makita ko itong papunta ng audience office kaya naman mas pinili ko nalang pumunta sa classroom roon.
Pabagsaka kong naupo sa isang upuan ko sa hulihan dahil sa ngayon ko lang naramdaman ang pagod na meron ako. Ilang minute na akong nakayuko ng sikuhin ako ni Mannix ang kakambal ko at ngumuso sa unahan. Nakapikit pa ang aking mata ng tumingin sa inunguso nito, at nakita ko ang babaeng nakita ko kanina. Kunwari naman akong napaayos ng upo dahil sa gusto ko itong makita ng malapitan.
“Okay class you have a new classmate. Go ahead and introduce yourself to everyone.” Utos ng teacher namin sa bagong student. Payat lang ito pero kahit na ganoon ay may hubog ang katawan nito. Black beauty rin ganda nito na hind imo pagsasawaan.
“Hi! Good morning, I'm Ella Mhay San Diego, I'm a transfree from public school, I applied to be a scholar and I passed. I'm glad to be with you all.” Sambit nito sa mahina pero nakakahumaling na boses. Nakatingin lang ako dito at wala akong narinig kung di ang pangalan nitong Ella, magandang at bagay na bagay sa kanya dahil sa maamo nitong mukha at makikita dito ang pagiging inosente sa maraming bagay.
“Ms. San Diego, sit here promise my twin and I won't bite you.” Sambit naman ni Madhe kaya napatingin ko dito, pero ang gago ay ngumisi lang ng nakakaloko. Napatingin naman ko sa dalagang nakatayo pa rin sa unahan at mukhang ayaw tumabi sa amin, nakikita ko sa mga mata nahihiya at natatakot ito sa amin kaya naman muli na lang akong bumalik sa pagkakatulog.
“You just sit here Ella, I don't have anyone next to me.” Biglang sabat naman ni Nelson at doon naman pumunta at naupo ang dalaga.
“Epal” Malakas na pagkakasabi ni Madhe pero hinayaan lang din siya ng lahat. Pumikit na lang para makatulog ulit dahil sa naiinis lang ako sa nakikita ko.Pauwi na kaming tatlo ng makita ko si Ella at Nelson na naglalakad papalabas na rin ng school ng kukuwentuhan pa ang mga ito na animoy matagal ng magkakilala.
“Oh dude, it looks like Nelson has gotten ahead of you. They are both smart and seem like a good fit.” Salita ni Mannix habang nakatingin din sa dalawa. Napayukom naman ako ng kamao at nagpanggap na hindi ako apektado. Pero mga kakambal ko nga pala ang mga ito kaya ang lakas mang-asar ng mga ito sa akin ngayon, dahil sabi ni Mommy ramdam ng bawal isa sa amin kung ano ang meron ang isa galit man o ito o saya.
“You're not doing anything dude, you're already ahead of the curve.” Sagot naman ni Madhe sa akin.
“You two stop, I don't like that girl” Inis kong sagot sa dalawa at iniwanan na ang mga ito at saka sumakay sa big bike motor ko. Pinaandar ko ang motor ko at dumaan pa ako sa gild ng mga ito at nakita ko sa side mirror ko na hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng dalaga at nakapokus ito sa pagkukuwentuhan nilang dalawa ni Nelson. Mas lalo naman ako naiinis pero nakaisip ako ng paraan kung saan mapapaamo ko ito ng ganoon lang kadali.