FIRST DAY OF SCHOOL

1604 Words
Chapter 2 -Ella Mhay- Pauwi na ako at masaya kong ibabalita kay Lola Sabel na nakapasa ako sa EDL University, ito talaga ang pangarap kong school mula pa noong una ko itong makita noong elementary pa lang ako. Minsan kaming napadaan dito nito habang tulak-tulak namin ang kariton namin ng panindang gulay. Naglalako kasi kami noon ng gulay at inalalako namin sa mga bahay-bahay para kahit papaano ay kumita kami at matustusan ang pag-aaral ko sa elementarya. Hindi alam ni Lola na nag apply ako ng scholarship para makapasok sa university kaya alam kong magugulat ito at magiging masaya sa malalaman nito. Dahil alam nito ang matagal kong pangarap na maging isang doctor at ang university na ito ang alam kong malaking magiging parte para makamit ko ang pangarap na gusto ko. Full scholarship ang nakuha ko kaya naman wala na akong iintindihin dahil may kasama pang monthly allowance kaya malaking tulog ito sa aming dalawa ni Lola Sabel. Ang totoo ay hindi ko tunay na Lola, si Lola Sabel kaibigan lang siya ng nasira kong ina. Ang aking ina ay isang G.R.O sa isang club, pero hindi ko kilala ang aking tunay na ama dahil sa hindi na rin nasabi ng aking ina kung sino ito. Namatay ang aking ina dahil sa sakit sa baga, siyam na taong gulang pa lang ako noon nang nawala ito, wala din itong ibang pamilya kaya naman kinupkop na lang ako ni Lola Sabel at tinuring na parang apo. Pinalaki niya ako sa kabuting asal, at laging bilin sa akin na palaging maging mabuti sa iba para maging mabuti rin sila sayo at sa pagdating ng araw ay may tutulong daw sa akin. Kaya naman nag-aarala kong ambuti para maibalik dito ang lahat ng pag-hihirap nito sa akin. Gusto kong bago man lang ito kunin sa akin ay naranasan na nitoa ng buhay na masaya at puno ng kaligayahan, bagay na hindi nito naranasan noong kabataan pa nito. “Lola Sabel” Masayang bati ko dito at saka ko ito niyakap s amula sa likuran dahil nasa kusina ito at nag-aayos ng aming makakain. “Ay, naku kabang bata ka. Bakit kaba nanggugulat ha?” Sagot nito pero sa kunwaring galit na tono, pinalo pa ako ng sandok nito sa balikat dahil pero mahina rin naman. Natawa na lang ako sa naging reaksyon nito at muli ko itong niyakap at sinabi ang magandang balita dito. “Lola Sabel, nakapasok na po ako sa EDL University at first date ko na po kanina.” Nakangiti kong sambit dito habang yakap ko pa rin ito. “Totoo apo nakapasok ka sa magandang school na yon?” Masaya po may pagtatakang tanong sa akin ni Lola Sabel. Naluluha akong tumango dito at niyakap ako nito ng mahigpit at sabay na kaming napaluha, dahil sa sayang nararamdaman ngayon. Pagkatapos naming mag-iyakan ay natuloy din ang hapunan naming dalawa. Simple lang ang pamumuhay naming ni Lola pero masaya kami sa kung ano lang ang meron kami. Alam kong gusto nitong bigyan ako ng magandang buhay, pero sadyang hindi nito kaya dahil na rin sa kahirapan ng aming pamumuhay. Nang gabing yon ay inayos ko na ang iba ko pang mga gagamitin sa school. Ang totoo ay natatakot ako kaninang pumasok nawala ang excitement na meron ako ng makita ko ang loob kung gaano talaga ito kalaki at kaganda. Naliligaw pa ako pero alam kong makakaya kong hanapin ang audience office at ang faculty room, dapat kong maibigay sa mga ito ang isang referral na galing sa main office kung saan nagaganapa ng pag exam ng mga student na gustong makakuha ng scholarship ng school. Mabuti na lang talaga at meron tumulong sa akin at masasabi kong mabait siya. Nalaman ko rin na siya ang isa top student ng school at school president s’ya kaya naman malaki ang naging tulong niya sa akin. Pero bago pa man ako samahan nito papuntang audience office ay meron akong natanaw na isang lalaki at masasabi kong ang gwapo nito at mukha itong leading man sa mga nababasa ko sa mga pocket book. Wala kasi kaming tabi kaya nawiwili akong magbasa na lang mga komicks or pocket book na hinihirap ko kila mang tasing. Nakita kong tumalikod na ang binata kaya napasunod na lang ako kay Nelson sa paglalakad. Hanggang sa isang teacher naman ang nagsama sa akin sa isang classroom kung saan ko magroroom din. Sa hallway palang ay makikita na ang kingtab ng sahig at mukhang bawal dito ang alikabok, dahil sa sobrang linis ng paligid. Pumasok kami sa isang classroom na mukhang hindi pa rin nagsisimula ang klase, nagpakilala ako sa lahat at hindi rin naman ako nahihiyang magsalita sa harap dahil madalas akong magreport sa unahan. Hanggang sa dalawang lalaki ang napansin ko at kamukha din ng mga ito ang lalaking nakita ko kanina sa papasok ng school. Subalit nanglaki naman ang mata ko ng makitang tatlo pala sila dahil may ilang laking bagong gising at mukhang ginising ito ng isa pa niyang kamukha. Para tuloy ako naduduling sa paraan na pagkakatingin ko sa mga ito. Totoo bai tong nakikita ko natutulog siya sa school sa oras ng klase, at sino kaya ang tatlong ito. Hanggang sa magsalita ang isang gwapong lalaking nasa kanang bahagi clean cut ang gupit nito pero may hikaw sa may kilay kaya ng mukha lang itong siga sa may kanto. Ayaw ko pa naman ng may ikaw ang isang lalaki. Niyaya ako nitong maupo malapit sa kanila at hindi daw sila nangangagat ng mga kakambal niya. Grabe at triplets pala silang tatlo kaya pala at halos magkakamukha sila maliban lang sa ayos ng kanilang mga buhok. Mabuti na lang at inalok ako ni Nelson na sa kanya tumabi, kaya nawala ang kabang nararamdaman ko. Naging komportable ako kay Nelson siguro dahil siya rin ang unang taong tumulong sa akin. At alam kong mabait din ito sa mga katulad ko, mayaman din ito pero hindi nito pinagmamalaki sa iba kung anong meron sila ng kanilang pamilya. Sinabayan din ako nito sa pag-uwi nalaman kong naglalakad lang ito at sumakay ng jeep tuwing pauwi, ayaw daw kasi nitong nagpapasundo dahil sa mag gusto niyang mag jeep at nakakakita siya ng maraming tao. Nag-iisa rin daw siyang anak kaya naman sabik siyang makakilala ng mga bagong magiging kaibigan o makakasama. Marami pa kaming napagkuwentuhan hanggang sa nauna na itong sumakay ng jeep dahil ako naman ay maglalakad lang dahil malapit lang din naman ang bahay ko sa school. “Uminom ka muna ng gatas apo bago matulog ng maging maayos ang iyong pagtulog.” Napabalik naman ako sa katinuan ng marinig ko ang pagtawag nito sa akin. Naalala ko kasi ang mga nangyari kaninang umaga sa school. “Salamat po Lola Sabel, nainom na po ba ninyo ang gamot ninyo at para din po makatulog na rin tayo at maaga po ang pasok bukas.” Masaya naman sagot ko dito at saka inubos ang bingay nitong gatas. Ganito talaga ito kapag matutulog na kami, hindi maaaring hindi ako iinom ng gatas sabi kasi niya malaking tulong ang gatas sa akin lalo pa daw akong tatalino kapag iinom ako. Ilang sandali pa ay nakahiga na kami ni Lola Sabel tahimik na rin ang buong paligid at nakayakap ako dito, gusto ko kasing palaging naamoy ang kili-kili nito dahil kahit mahirap lang kami ay hindi ko naamoy ang kili-kili nito na mabaho o may amoy na hindi maganda. Wala din buhok ang kili-kili nito kaya natutuwa talaga ako sa tuwing napagmamasdan ko ito. Sumiksik pa ako sa leeg nito at naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin at dama ko ang pagmamahal nitong tunay at tapat. Kinabukasan ay masaya akong naglalakad papasok nakangiti pa ako habang nakatanaw sa malalaking building ng school. Maaaga talaga akong pumasok dahil ayokong malate gusto kong palaging maaga ako para naman may panahon pa akong malibot ang buong paligid, ngunit sadyang malawak ito at alam ko rin na hindi ko kakayaning libutin ito sa loob lamang ng ilang minute. Narinig ko na ang bell at hudyat iyon na kailangan na naming pumasok sa mga classroom dahil ilang minute na lang ay magsisimula na ang klase ng namin. Nakita kong nagtatakbuhan ang iba pang mga student na papasok sa gate dahil magsasara ang gate kapag tapos na rin tumunog ang bell. At bawal ng puamsok ang mga student na hindi aabot sa gate dahil kusa itong magsasara at magiging absent na sila ngayong araw. Nakaupo na ako sa upuan ko kahapon ng may isang babae ang nakatayo sa aking harapan at makikita dito ang pagiging sosyal at mayaman, may lollipop din ito sa bibig at nakatingin sa akin ng masama. Napakuno’t noo naman ako ng parang may hinahantay itong gawin ko. “Is that my seat Ms.?” Nakataas nitong kilay sa akin. “Sorry po” Hinging paumanhin ko na lang dito at saka ako tumingin sa paligid kung meron pang bakanteng upuan. Hanggang sa nakita kong tatlong bangko sa likuran at alam kong doon nakaupo kahapon ang triple’s na ang aastig pumorma. Nang dadalawang isip pa akong pumunat doon ng kalabitin ako ng isang student at sabihin hindi papasok ngayon ang tatlo dahil sa may training ang mga ito ng basket at swimming. Tumango na lang ako dito at saka nagpunta sa mga bakanteng upuan. Inayos ko ang lumang bag ko at inilabas ang recycle notebook ko, mga lumang note book na ito na pinagsama-sama ko lang ang mga wala pang sulat para magamit ko pa naman. Matipid naman ako sa maraming bagay kaya ayos lang sa akin ang mga bagay na pwde pang magamit sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD