THE TRIO

1546 Words
Chapter 3 -Ella Mhay- Lumipas ang halos tatlong linggo na hindi pumasok ang magkakapatid ng trio, naging maayos naman ang pagpasok ko school pero mapapansin na ang gaganda nila at ang yayaman. Minsan ko na ring nakitang nagmamaneho si Nelson ng sarili nitong sasakayan. Maganda ang kotse nito pero ganon pa man ay hindi ito makikitaan ng yabang sa sarili, mabait pa rin ito sa akin at sa kanya ako nagpapaturo sa ibang lesson na hindi ko pa intindihan dahil sa pagiging advance nila sa ibang subject, na hindi pa nailuluro sa public school na pinanggalingan ko. Sabay din kaming kumain sa canteen at libre din ang pagkain dito ng scholar na kagaya ko. Kokonti lang ang scholar ng school at mabibilang mo lang sa kamay mo kung ilan lang din ang tulad kong mahirap o kapus sa buhay. Ang mga babae naman dito at makikita ang pagiging maluho sa katawan, madalas kasing naririnig ko sa mga ito ang mga bagong bag, damit, sapatos at maging ang pabago-bago nila ng cellphone na iphone atay un. Wala ka kasi ako noon kaya hindi ko alam, hindi rin ako marunong gumamit non daon dahil kahit kaylan ay hindi ko pa yon nahahawakan. Nag apply ako sa library para maging librarian para kahit papaano ay mag dag-dag kita pa ako, para din makapag-ipon pa ako para sa parating na kaarawan ni Lola Sabel. Gusto kong bilhan ito ng bagong damit at mga gamot nainiinom nito, matanda na rin kasi ito at alam kong kinakaya lang nito ang magtinda sa palengke para mairaos ang pag-aaral ko. Kaya ito ang ginagamit kong lakas para naman maabot ko ang pangarap ko at mabigyan ko ito ng magandang buhay. Saktong alas-singko ng hapon ang uwian ko kaya at pagkatapos ay darecho na ako sa library para magbantay doon ng apat na oras. Wala naman akong ibang gagawin kung di ilista lang ang mga pangalan at tignan kung tamang libro ang kanilang kinukuha. Subalit na papansin kong walang pumapasok dito na mayayaman, puro scholar lang din kasi ang palaging nakikita ko dito. Sabagay tiyak na hindi na nila kailangan ang magpunta sa ganitong lugar dahil tiyak na marami silang libro sa mga bahay ng mga ito. Alas-nuwebe ang labas ko ng school kaya nagmamadali na ako dahil sa alam kong nanghihintay na si Lola Sabel sa tapat ng gate ng school. Alam kasi nitong may work pa ako after school kaya madalas ay sinusundo ako nito dahil sa gabi na rin at madilim ang daanan. Ayaw ko sa nang magpasundo pero sadyang makulit ito kaya hinahayaan ko na lang din ito, dahil sa nakikita kong masaya ito sa kung paano ako nito alagaan. Ang tahimik ko sa school ng ilang linggo ay napalitan ng simulang pumasok ulit ang trio at mukha ako ang trip ng mga ito, todo iwas ang ginawa ko dahil sa ayokong masira ang pag-aaral ko. Ayoko ding mawala ang pagiging scholar ko dahil ito na lang isang pag-asa ko para makaahon sa kahirapan. Sa paglakad pa ng ilang buwan ay tinigilan ko ng nila Mahde at Mannix, dahil na rin siguro sa hindi ako nagpapatalo sa mga ito . Hindi ako basta nagpapaapi sa mga ito, nakikita ko rin naman kasing mapang-asar lang sila pero hindi naman sila ganon kasama kaya kahit paapaano ay naging ok din kami. hindi nila kasama si Maxwell dahil sa nasa ibang bansa ito at may-inaasikaso pa, mabuti rin na wala ito ngayon dahil sa tuwing andito ito ay daig ko pa ang may kasamang guard dahil sa pagbabantay nito sa akin. “Good morning my loves.” Pang-aasar na bati sa akin ni Mahde at saka ginulo ang buhok. Tinignan ko lang ito ng masama pero tumawa lang ito at naupo sa tabi ko. “Hi babes” Sambit naman ni Mannix at kasabay ang pagkindat nito sa akin, at saka rin naupo sa tabi ang dalawang mokong na ito. Napagitnaan ako ng mga ito at ang mga kamay ay nasa likod ng bangko kaya talagang wala kong nagiging kawala sa mga ito. Sa ngayon ay ganyan na lang ang pambubully nila sa akin, ewan ko ba sa mga ito ayaw kong tigilan. Mabuti na rin ang ganyan dahil kahit papaano ay maayos pa ang pag-aaral ko at patuloy pa rin ang pagiging scholarship ko sa school. “Tigilan na ninyo si Ella, bago pa lang siya sa school pero nagagawa na ninyo ibully siya?” Galit naman sambit ni Nelson sa mga ito. Pero para lang ito nagsalita sa hangin at ang dalawang katabi ko parehong may hawak ng cellphone at nakita kong naglalaro ang mga ito ng candy crash. Tumingin ako kay Nelsson at umiling ako dito para pigilan sa balak nitong paglapit sa akin. “Tama na ang kalokohang ito Ella.” Sabi pa nito at kunuha ang mga gamit ko at pati ako ay inalis nito sa dalawang mokong na patuloy pa rin sa paglalaro sa kanilang phone. Pero ng paalis na ako ay s’ya namang pagpasok ni Maxwell at masamang tinignan nito ang kamay kong hawak ni Nelson. Namulat naman ako sa kakaibang pagtititig nito sa akin, kaya naman napabitaw ako ng hindi ko namamalayan kay Nelson. Parang nawala ang tapang ko sa aking sarili ng makita ko sa mata ni Maxwell ang galit na akala mo ay kayang pumatay ng tao. “Maxwell, hayaan muna si Ella gusto lang naman niyang makapag-aral ng maayos intindihin mong may mga pangarap s’yang gusto niyang matupad at marating kaya paki-usap tigilan na ninyo s’ya ng mga kakambal mo.” Paliwanag ni Nelson pero halata pa rin dito ang inis at sama ng loob. Napatingin naman ako kay Nelson dahil sa aaminin kong humanga ako sa mga sinabi nito sa akin. “Do you think I can't give this girl her dream huh? And who are you? To tell me the things I should and shouldn't do, huh?” Madiin at seryosong pagkakasabi ni Maxwell kay Nelson. Kaya naman mas lalo lang ako napatulala dahil sa dalawang ito. Gusto ko na lang kainin ng lupa at mawala ng parang bula dahil sa kahhiyan sa mga nangyayari ngayon. “Tama na yan please.” Sambit ko sa mahinang boses, pero may halong kaba na hindi ko na lang pinahalata. Tumingin sa akin si Nelson at saka ito napabuga ng hangin at niyaya ako sa tabi nitong upuan. Hahakbang na sana ako ng hilahin ni Maxwell ang kamay ko kaya naman napadikit ako sa matigas at malapad nitong dib-dib. Napadaing naman ako sa sakit dahil sa tumama ang mukha ko sa dib-dib nitong parang bato sa tigas. “She will sit next to me, and from now on stop meddling or that will ruin you.” Walang buhay na sagot dito ni Maxwell at kinuha sa kamay ni Nelson ang bag at iba ko panggamit. At ibinalik ko sa upuan sad ulo na malapit sa binta at kami lang dalawa ang magkatabi. Nagkaroon naman ng mga bulong-bulugan kaya mas ginusto ko na lang na tumingin sa labas ng bintana, dahil naiinis lang ako sa lalaking katabi ko. Ganito ang nangyayari sa tuwing kasama ko ang trio dahil siguradong may mga matang nakatutok sa akin. “Come on, I'm hungry.” Pagyaya ni Madhe at tumayo na ang dalawa, sumunod naman dito si Maxwell pero nagulat ako ng hilahin ako nito braso at isinamang palabas. “Sandali lang naman makahatak ka sa akin parang tatanggalin mo ang braso ko eh.” Galit kong sambit dito at saka inalis ko dito ang pagkakahawak sa akin. Tinignan ko ito ng masama pero napabuga lang itong ng hanggin at muli akong tinignan na naiinis na rin. “You know it's break time but you still don't want to get up from your seat?” Inis na rin sagot nito sa akin at saka ako inakbayan at pinakatitigan. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa magkalapit na ang aming mga mukha. Dahan-dahan akong yumuko at saka nauna ng maglakad ng mabilis dito, alam ko namang susunod ito kaya hinayaan ko na lang. Natapos ang klase at dumarecho na ako sa library para sa duty ko roon. Alam ni Maxwell ang trabaho ko akya hinayaan na ako nitong umalis, at isa pa ay may traning ito ngayon sa basketball kaya naman nakahiwalay ako dito. Pero nagulat ako ng harangin ako ng halos limang babaeng nakatayo malapit sa may bakantent lote na madadaanan papuntang library. Napayakap naman ako sa aking sarili dahil sa kilala ko ang mga babaeng ito at kilala ding silang bully sa school. Iiwas na sana ako ng daan ng paikutan ako ng mga ito, at tinigan ng masama ng isang babaeng mukhang pinuno nila. “Anong kailangan ninyo sa akin Ivy?” Kinakabahan kong tanong pero tinatagan ko ang boses ko na wag nila mahalata ang takot na meron ako ngayon. “You're really good, aren't you, you just entered here and you immediately got the attention of the triplets, and you actually flirted with Maxwell.” Sagot naman ni Ivy Mendez isa itong anak ng negosyante at ang alam ko ay model ito sa isang commercial telebisyon. Ang mga kasamahan ng mga ito at mayayaman din pero hindi ko sila gaanong kilala dahil sa hindi ko rin naman napapansin dahil sadyang wala akong pakialam sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD