Chapter 30 -Maxwell- “Are you sure of what you are telling me now, that Dr. Milo Javier does not have a son?” Takang tanong ko sa isang detective na inutusan ko para alamin kung sino ang napangasawa nito at kaninong anak ang kasama nito noong nakita ko ito sa isang restaurant. Mula kasi ng makita ko ang bata ay hindi na ako mapakali hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo dahil, hindi ko rin maintimdihan ang nakikita ko sa bata kaya naman naisipan kong paimbistigahan ang mga ito. Mahigit na rin sa halos limang detective na rin ang inupahan ko para lang malaman ko ang buong katotohanan, pero lahat isa ay isa lang ang sinasabi kaya mas lalo lang ako nalilito sa kung ano ang dapat kong isipin. Pero ngayon nakalatag sa aking harapan ang mga impormasyon na nagsasabing walang anak ang binata

