CHASE FOR LOVE (Part 4)

928 Words
Minerva's POV~ Gabi na ngunit wala parin si Julio. Alam ko namang busy siya sa trabaho pero madilim na ang gabi bakit wala parin siya? Kanina pa naiinip si Cindy kaka antay sa daddy niya. Di ko talaga alam bakit nagkaka ganyan na si Julio. Siguro dahil busy din ako. Sa tingin ko, may kabit talaga 'tong asawa ko eh. Gabi na kung umuwi. Papasok na sana ako ng marinig ko ang tunog ng pagdating ng isang sasakyan. Bumaba ako at maya-maya lamang ay pumasok ang dalawang driver habang akay-akay si Julio na lasing na lasing. "Anong nangyayari sayo Julio ha?" "Kailan kapa natutong maglasing?" "Hindi kana nahiya sa anak mo!" "At kailan kapa nagka interes sa pagbili ng mga barko ha? Hindi naman 'yan ang mga gusto mo noon diba? Baka naman ire regalo mo sa mga babae mo, leche ka Julio," Sunod-sunod na pangungusap ko kay Julio. Nakikita kami ni Cindy na nag-aaway ngayon at alam kong umiiyak ang anak ko habang nagpapalitan kami ng salita ni Julio. "Ako pa ang dapat mahiya?" matapang na sagot ni Julio sa akin. "Oo, hindi kaba nag-iisip ha? Nasa harapan mo yung anak mo!" sigaw ko sa kaniya. "Hindi ba dapat ikaw ang mahiya? Walang kanang oras sa amin!" sagot naman ni Julio. "Shut up! Paulit-ulit nalang ba tayo? Akala ko ba naiintindihan mo?! Why are you doing this? ha? Sagutin mo'ko!" I said out of anger. Sasampalin ko na sana siya ng biglang pumagitna sa amin si Cindy na umiiyak. "Ano bang nangyayari sa inyo? Tama na please! Maawa kayo sa akin," umiiyak na saad niyang habang hinahawakan ang daddy niyang halos hindi na kayaning tumayo sa kalasingan. "I'm sorry baby, nagalit lang si mommy," pagpapatahan ko. "Please dad pumasok kana sa kwarto mo, gabi na po at baka matumba ka ulit dito," sabi naman ni Cindy na siyang ikinagulat ko. "Ano? Hindi ito ang unang beses na uminom ka Julio!?" galit kong tanong ulit. "Mom please, lasing na si dad, he need to rest," pag-puputol na sabi ni Cindy. "Okay baby, I'm sorry." Bago nagpakawala ng napaka lalim na hugot ng hininga. Tumango lamang siya bago pumasok sa kwarto. Inalalayan ng mga drivers si Julio papasok ng kwarto nito. Ramdam ko ang mga bagay na naidudulot ng mga pangyayari sa amin ni Julio. Gusto ko mang ayusin at ibalik sa dati ang aming relasyon subalit sobrang hirap dahil sa mga kinakaabalahan naming dalawa. Kinuha ko ang phone sa sofa dahil nahulog ito kanina bago ako umakyat sa taas. Naligo muna ako. Dumaan ako sa kwarto Cindy at salamat dahil hindi niya ito nilock. Tulog na siya, siguro dahil pagod sa amin ng daddy niya hays. Napansin kong tila basa ang kaniyang pisngi, bigla akong nakaramdam ng awa sa anak ko. Alam kong umiyak siya, alam kong apektado siya sa mga nangyayari. Nag-iisa lang ang anak ko kaya ganito ako masaktan sa tuwing nakikita siyang umiiyak. I sat on the couch while reminiscing that gold old days of us where we spent each moment together without wondering of what business we have to manage. Time flies to fast, I couldn't even believe that my princess is already growing. Ten years from now I might see her creating her own family with the man she would love. And to be honest to myself, I does not want my child to experience the same pain as I feel. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya tumayo muna ako upang hindi makagawa ng ingay at maka istorbo sa tulog ni Cen. "Ampf hello maam Minerva? Nagpatawag po ng isang meeting ang isang kompanya sa states, it will be on friday so you need to go there as soom as possible," pagkarinig ko noon ay naisip ko kaagad ang kalagayan ni Cen, wala ng magandang nangyari simula ng maging busy ako sa business. Umupo ulit ako sa kama ni Cen. "I love you anak ko, mommy will always love you," hinimas ko ang kaniyang buhok at hinalikan siya sa noo. 'My child is a big girl now' Tumayo na ako at nagsimulang humakbang papalayo, bubuksan ko na sana ang pinto ng magising si Cen. "Mom? Kanina kapa po? Pasensya napo nakatulog agad ako," sabi nito. "Ah hindi anak kanina kanina lang, do you need something?" tanong ko. "Ah no Mom, tabi napo tayo matulog pwede po?" so sweet namiss kong makatabi ang batang ito. "Sure baby why not?"ngumiti ito at nag adjust ng unan. "Mom antayin mo po akong magising ha? Wag mokong iiwan mommy. Magpapa alam ka kung aalis ka," mahigpit na bilin nito. Umusod ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko alam pero naiyak na lamang ako sa ginagawa namin. Inantay ko siyang makatulog habang nagbabasa ako ng aklat sa tabi niya. She is 17 now but she still love acting like my baby. Baby ko naman talaga siya huhu. Niyakap ko siya habang nasa kalagitnaan siya ng kaniyang tulog. Hinimas ko ang kaniyang buhok at naiiyak dahil parang maghihiwalay kami ng daddy niya. Hindi ko na kasi kaya e, may magagawa ba ako? Hays "Baby mahal na mahal ka ni mommy ha," mahinang sambit ko bago siya hinalikan sa noo at kinumutan. Mabilis akong nakatulog dahil sa sobrang pagod at sama ng loob sa asawa ko... Nagising ako sa ingay ng cellphone ko may tumatawag kasi. Nakapag 2 missed call ang isang business partner ko. Tiningnan ko kung anong oras na, pasado alas singko na ng umaga. Ginising ko muna si Cindy bago sinagot ulit ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD