CHASE FOR LOVE (PART 2)

1235 Words
[Cindy's POV] Nadaanan ko pa si Jacov kanina pero di ko na pinansin dahil may tatapusin pa akong report. Itong grade 10 talaga kasi yung pinaka nagpa busy sa akin. Syempre ayaw kong mabagsak, ayaw kong ma disappoint sakin si Mom and Dad. Speaking of them, mukhang nagkakalabuan ang dalawang yun ah. Pag sila talaga nag hiwalay, ewan ko lang kung anong mangyayari sa akin. I don't want to lose my diamonds. Muntik na akong matumba ng ginulat ako ni Jacov, hindi ko namalayang nakasunod pala siya sakin. "Ang aga mo ngayon queen, tsaka ba't parang anlalim ng iniisip mo ha?", tanong sa akin ni Jacov. "Ah wala, ma-may tatapusin pa kasi akong report eh", nauutal kong sagot. Di ko naman pwedeng sabihin na may problema ako sa bahay, baka manghimasok na naman tong lalaking to. Pumasok kami sa classroom at wala pang tao doon kami palang ni Jacov. Nagsimula na akong magsulat para sa report namin. "Hindi ka nag almusal nuh?", nagulat ako sa tanong niya. "Ha? Pa-paano mo nalaman?", malamig kong tanong sa kaniya habang pinipilit ngumiti sa harap niya. "Tingnan mo nga ang sarili mo queen, pinagpapawisan ka, halatang gutom", nakangisi nitong tugon sa akin. "Whut? Cute padin naman ako eh diba?", natatawa kong tanong sa kaniya. "Yeah our queen Cen is the best", pagbibiro pa niya. Nagpatuloy ako sa pagsusulat. "Hm Cen? Labas muna ako ha?", pagpapa alam nito kaya't umangat ang aking ulo para sumang-ayon. "Don't worry queen, I'm yours", humalakhak ito. "Anong I'm yours I'm yours ka diyang alis na!", natatawa kong tugon sa kaniya. "Oo na queen, bibili lang ako ng snack mo hays, ayaw kong nagugutom yung mapapangasawa ko". Humawak ito sa kaniyang tiyan habang tawa ng tawa bago tumakbo sa labas. Napa iling-iling na lamang ako dahil nagawa niyang buhayin yung mood ko. Nakakuha kami ng mataas na score dun sa ipinasa naming report, tinulungan kasi ako ni Jacov dahil late dumating ang inutusan kong gumawa ng report. Matalino naman talaga si Jacov kaso pumapangalawa lang siya dahil hindi mahilig mag review at medyo pabaya din. ~recess "Oy asan na yung bestfriend mo? Bat di mo kasamang kumain dito sa Cafeteria?", tanong sa akin ni Jacov. "Hindi ko din alam eh, siguro busy din kasi g11 eh, alam mo na research", sabay taas ng balikat. Tumango siya sa akin simbolo ng kaniyang pag sang ayon. Kumain kami na punong-puno ng tawanan dahil sa dami ng kalokohang kwento ni Jacov sa akin. Ngayon ko lang siya nakasamang kumain, madalas kasi siyang kasama ng buong barkada nila. Naubusan na ng oras si Daddy sa akin. Simula ng gabing umuwi siyang lasing ay hindi na siya nagsayang ng oras para sunduin ako kaya't madalas si manong driver ang sumusundo sa akin. "Queen tara na! Ihahatid kita sa inyo", pagyaya sa akin ni Jacov. "Salamat ha", maikling tugon ko. "Ano kaba, gusto kong safe ka pag-uwi okay?", nakangiting sagot niya. Tumango ako habang nakangiti. Di ko alam pero parang lumalambot yung damdamin ko sa lalaking to. Sobrang bait kahit alam niyang walang pag-asang sagutin ko siya. "Alam mo Cen? Ang ganda mo kapag nakangiti", napalingon ako dahil sa sinabi niya. Napansin niya sigurong kanina pako tulala habang nakatingin sa labas ng kotse. "May problema ba ang queen namin?" asking with a very sweet voice. "Ahm wala Jacov, miss ko lang si mommy," I gave him a bitter smile. "Oh yung hindi fake, gusto ko makitang nakangiti ka" "Smile kana queen" "Tsk oo na, dami mong alam Jacov ha!", natatawang sambit ko. "Naks! Ang cute". Bumaba na ako ng kotse sabay hakbang papasok sa bahay. "Thank you Jacov, take care", pamama alam ko. Tinugunan niya ito ng isang ngiti. "Ya? Where's Dad?", tanong ko kay yaya maring ng makapasok na ako sa bahay. "Iha wala pa, maya-maya siguro". Tumango ako saka pumasok sa kwarto. Pipikit na sana ako ng marinig ko ang tawag sakin ni yaya maring mula sa labas ng kwarto. "Bakit ya?", bungad ko. "Nasa baba na ang daddy mo nak" "Ah sige po ya, bababa po ako" Habang pababa ako ay napansin kong paika ikang lumakad si dad at pakiwari ko'y lasing na naman. "Dad! Uminom ka na naman ba ha?", sigaw ko mula sa hagdan. "No baby", maikling sagot niya. Maya-maya lamang ay bumagsak siya sa sofa ng hindi man lamang nakapag h***d ng sapatos. "Ya tulong!", nag-aalalang sigaw ko kay yaya. Nagsitakbuhan papalapit sa akin ang limang maids. "Anong gagawin ko ya? Mainit si dad" "Sandali iha, kukuha ako ng pamunas", tugon sa akin ni yaya. Hinubad ko ang sapatos ni daddy bago siya pinunasan. Hindi ko ini asa sa mga katulong namin ang pag-aalaga kay daddy dahil ako ang anak. Kahit pa responsibilidad ni mommy ang pagki care kay dad. Pinabuhat ko si dad sa mga driver naming doon na nakatira sa amin. Tumabi ako sa kama ni dad at di ko namalayang nakatulog na ako. "Baby, I'm sorry sa mga pagkakamali ni dad, sorry kung pati ikaw nahihirapan sa sitwasyon namin ng mommy mo", mga katagang kala ko'y nanaginip lamang ako. Hinihimas ni daddy ang aking buhok at nagpa kunwari akong tulog. Rinig ko ang bawat pag hikbi niya na tila ba'y may napakabigat na pakiramdam. **cring cring** Tumunog ang alarm ni dad kaya't napabalikwas ako sa kama. Nagising akong wala si dad at umalis nadaw sabi ni yaya. ~hi queen goodmorning~ from: Jacov Napangiti ako sa message niya because this is the first time he texted me. Pam pa good vibes ko talaga siya huhu. Masigla akong pumasok sa school at wala bahid ng pagmamadali. "Hey goodmorning", panggugulat na bati sakin ni Jacov. Muntik pang masubsob ang mukha ko sa dibdib niya langhiya!... "Goodmorning din", pabalik na bati ko. Nasanay na akong laging kasama si Jacov. Ka text at katawag sa gabi sa loob ng isang buwan. Ngayon ang dating ni mommy galing sa ibang bansa kaya't minabuti kong umuwi ng maaga. Pagdating ko doon ay naabutan ko si mommy na nakikipag kwentuhan sa business partner niya. "Hey baby, mommy is here anak", masayang bati sa akin ni mommy. Niyakap ko siya at mangiyak-ngiyak na sinabing, "Oh for dad's sake mom, please don't leave us again" Tumango ito at dinala ako sa kaniyang kwarto, kaya naman umalis nadin ang kausap niya kanina. "I have a surprise for you baby," she uttered excitedly. Binuksan niya ang kaniyang maleta at inilabas ang isang kahon na may laman ng isang mamahaling kwintas. "Do you like it baby?" tanong sakin ni mommy. "Really mom? This is for me?" galak na tanong ko. "Yes ofcourse dear, mommy always love you," sabay kiss sa noo ko. "Ugh I like it!"sabay hug sa kaniya. Kumalas si mommy sa pagkakayakap ko at may binuksan pang isang karton. Nagulat ako sa inilabas niyang laman nito. "Wow! Camera, new laptop!" "Mom thanks," niyakap ko ulit siya sa sobrang tuwa. "But mom? Last month may bago din akong laptop diba?"ngumiti siya sa akin. "Bagong labas 'yan anak," saad niya kaya't napakagat ako sa labi. Pero kahit ganun, I'm not totally satisfied. I think may kulang. She can give me everything but she can't give me the most important thing from a good mother, her attention. Gabi na ngunit kuno't ang noo ni mommy dahil kanina pa namin inaantay si dad. It is late 9 pm, but still he's not here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD