[Cindy's POV]
I am Cindy Felizarte, anak ng isang mayamang pamilya na nag mamay-ari ng maraming resto dito sa Pilipinas. We're big part of the industry kasi maraming connection at negosyo ang mga magulang ko at mga grand parents ko. By the way ako lang ang kaisa-isang anak na babae ng mga Felizarte at wala din dito sa Pilipinas ang mga pinsan kong lalaki.
I am currently studying in a popular university dito sa Pilipinas at nabubuhay bilang isang ordinaryong tao lamang.
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil naririnig ko si mommy sa baba mukhang may kaaway na naman o di kaya sesermonan niya si Daddy. Hays araw-araw kaming ganito. Nakaka sawa na. Gusto ko nalang mag layas.
Nagulat ako ng makita kong malapit na akong ma late. Nakalimutan ko ding mag alarm dahil napuyat ako kagabi kakagawa ng mga projects ko. Stress na yung prinsesa hays!
Saan na kasi si yaya? Nakalimutan na naman niya ako.
Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si mommy.
"Baby magbihis kana, aalis si mommy ha? May aasikasuhin ako sa states. Mga isang buwan din akong mawawala", sabi niya habang nagmamadali.
"What? Mom naman eh kailan kalang nakarating aalis ka na naman? Si daddy nalang po please. Wag kang umalis," pagrereklamo ko.
"Hays baby wala ang daddy mo, nasa bar na naman siguro yun baka nga may katabi na naman yun matulog kagabi", inis na inis na sambit sakin ni mommy habang inaayos ang isang picture frame ko sa loob ng kwarto.
"Maaaaa", paglalambing ko.
Napakunot ang kaniyang noo dahil hindi ako pumapayag.
"Baby nandito naman si yaya, aalagaan ka niya ha, I love you take care", pagpapatahan niya sakin dahil ramdam niyang nagagalit na ako.
"Si yaya na naman Mom? Hays!" Napadabog ako bago nagsimulang maglakad palabas ng aking kwarto.
"Oh siya sige na, aalis na si Mommy", sabay kiss sa akin.
"Yaya ha ang bilin ko, wag mong pababayaan baby namin", bago siya tumalikod ay nagtanim pa siya ng halik sa aking noo.
Naligo na ako at padabog na kumain. Naiinis na ako dahil lagi nalang puro yaya yung mga nakakasama ko sa bahay. Where are my parents? Ayun! Busy sa trabaho, nagpapayaman, naghahanap ng pera jusko nakalimutan yatang may anak na nangangailangan ng pagkalinga, oras at atensyon nila.
I called the driver saka nagpahatid sa school.
"Ampf Maam Cen?" agaw atensyong tawag sakin ng driver pagkababa ko ng kotse.
"Yes manong? Bakit po?" pabalik kong tanong sa driver.
"Ah sabi po pala ng daddy mo kanina siya daw magsusundo sayo, medyo mali late lang siya," sabay ngiti ng driver.
"Ah ganun ba? Bumabawi daddy ko ayts!" nakangiti kong tugon sa driver.
"Sige maam alis na po ako," pagpapa alam ng driver.
"Ah sige manong bye!" nakangiti kong pamama alam.
I am walking like I'm just an ordinary student. Marami daw ang humahanga sa akin but I don't believe them.
Palagi akong nangunguna sa klase at ako ang laging reyna sa lahat ng activities. Pero di ko pinagmamalaki iyon dahil maliit lamang na bagay.
"How's your morning my Queen?", bati sakin ni Jacov. Ang lalaking matagal ng nanliligaw pero wala akong balak sagutin. Ayaw ko kasi sa lalaking mapagmataas tsaka hambog itong isang to nuh.
"Okay naman," maikling sagot ko ngunit nakangiti.
"Dave!" sigaw sa isa kong kaklase dahil may kailangan lang ako sa kaniya.
"Naks Cindy I'm here, why are you looking for other guy?" nakangusong tanong sakin ni Jacov. Ang oa talaga ugh.
"Ano kaba? Wag kang OA Jacov may kailangan lang ako sa kaniya," pang-aasar ko pa.
"Ampf okay Cindy, pasok nako ha?", pagpapa alam niya kaya't tumango na lamang ako.
Lumapit sa akin si Dave.
"Bakit Cen kukunin mo naba?", tanong sa akin ni Dave.
"Oo sana? Tapos naba?" nahihiyang tanong ko sa kaniya.
"Oo Cen ito oh," sabay abot ng sketch ng mukha ko.
"Ayiee thankyou Dave, ito oh," inabot ko ang bayad ko sa kaniya.
"Walang anuman Queen," tugon niya sabay ngiti. Lumabas pa yung dimple niya! Naksss ang cuteeee!
Ngumiti ako pabalik bago tuluyang pumasok sa klase.
"Ms. Cindy Felizarte, why are you late?" tanong sa akin ng first subject teacher namin nang mapansin niya akong pumasok.
"I'm sorry maam, hindi napo mauulit," sabay upo.
"Good"
Nagsimula na ang klase at natatawa ako sa mga nili lecture ni maam. Dalaga kasi siya kaya minsan yung topic namin nasasamahan na ng hugot niya. Tapos heto kami ngayon tinatalakay ang tungkol sa love huhu anyare sa teacher namin?
"Okay class, do you know the difference between love and infatuation?" nagsigawan yung mga kaklase ko. Basta tungkol sa love interesado silang lahat.
"What is the difference between this two words?" nakangiting tanong sa amin ni maam.
"Maam!" tawag ng isa kong kaklase sabay taas ng kamay.
"Yes?"
"According to merriam webster, Love is the feeling of strong or constant affection for a person. It is attraction that includes s****l desire, the strong affection felt by people who have a romantic relationship"
blah blah blah...
Hindi nako nakinig, hindi ako interesado sa love love na yan ih. Bitter ang prinsesa niyo.
Matapos ang klase ay inantay ko si dad dahil sabi ni manong driver siya daw ang susundo sa akin.
Nakita ko si Jacov na papalapit sa akin kaya't bahagya akong ngumiti.
"Queen? Wala pa yung sundo mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Jacov.
"Wala pa eh, pero baka parating narin si dad", sabay ngiti.
"Halika sabay ka nalang sakin, hatid na kita," pagmamagandang loob niya pero nagdalawang isip pa ako.
"Ah naku hindi na Jacov"
"To naman, ayaw kong pinag-aantay ang queen ko, kaya let's go," pagyaya niya sakin sabay hawak ng aking kanang kamay. Hindi ko alam pero hindi ako kumportableng tinatawag na queen kahit lagi kong naririnig ang salitang 'yon mula sa mga estudyante dito.
Hinawakan niya ang kamay ko at tinuro ss bandang kaliwa ng daan.
Pumunta kami sa lugar kung saan naka park ang mga kotse ng ilang estudyante.
"Hays sige na nga, thankyou." Sumakay na ako sa kotse niya.
May 15 minutes lamang ang layo ng school ko sa bahay namin kaya mabilis akong nakauwi.
Tinanggal ko ang seatbelt at dahan-dahang bumaba.
"Salamat Jacov ha," sabay pasok sa loob.
"You're welcome queen," halos pasigaw na tugon ni Jacov dahil mabilis akong nakapasok.
Napagod yata ako buong araw kaya't medyo mainit ang ulo ko ngayon.
"Yaya? Where's dad? Sabi niya siya ang magsusundo sa akin. Bakit hindi siya dumating?" mariing tanong ko sa isa sa mga maids namin.
"Anak, wala pa ang daddy mo," yumuko ito ng konti.
"What? Ibig sabihin nakalimutan na naman ako ni dad? Pambihira!"
Umakyat ako sa taas at dumiretso ako sa kwarto bago tinapon nalang ang bag ko gawa ng pagtatampo ko kay Daddy. Lagi nalang akong nakakalimutan.
Pagkatapos noon ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako bandang 7:30 p.m. dahil nakaramdam ako ng gutom kaya't sandali akong bumaba.
"Ya? Pwede niyo po ba akong ipaghanda ng dinner?" mahinahong utos ko sa isa pang maid.
"Ah yes maam," dali-dali itong pumunta sa kusina at nag handa ng pagkain.
Medyo inaantok pa ako dahil kakagising ko lang kaya't naisipan kong mag update sa social media. Paulit-ulit kong nababasa ang mga good comments from my followers kaya medyo nawala yung pag ka bad mood ko.
Sa totoo lang kasi, mas nalilibang ako sa pag po post ng mga pictures ko sa i********:, mahirap kapag nag-iisang anak e, walang makausap, napaka boring ng buhay sobra!
Nagsimula na akong kumain nang maalalang kong wala pa si daddy.
"Ampf, ya? Wala pa po ba si daddy?" tanong ko kay yayang Maring ang maid na pinagbibilinan ni mommy sa akin palagi. Ang maid na pinaka paborito ko sa lahat. Since I were young she act like my mom. She is the one who takes care of me when my mom is in her business trips.
"Iha wala pa eh, bakit 'nak?" malambing na tanong ni yaya maring.
"Ah wala ya," sabay ngiti ng mapait.
"Tawagin mo ko kung may kailangan ka ha? May gagawin lang ako sa taas, okay?" pagbibilin niya.
"Sige po," I moved my head.
Natagalan ako sa pagkain gawa ng pinagsasabay ko ang pag si cellphone at pagkain ko.
Maya-maya lamang ay narinig ko ang kotse na dumating at alam kong si daddy na yun.
Papasok pa lamang siya sa pinto ng makita niya ako.
"Dad? Why are you late?" singhal ko kay dad.
"Baby I'm sorry," magaspang na wika ni daddy.
Chineck ko ang buong katawan niya but something cought my attention.
A smell of a liquor, owemji!
"Wait, are you drunk?" Kunot ang noo ko habang tinatanong si daddy. Mapungay ang mga mata nito ngunit kita sa kaniyang mga mata ang lungkot pero hindi ko talaga alam ang tunay na rason kahit pa naririnig ko silang nag-aaway ni mommy lagi.
"No baby, I'm just tired," tugon niya.
I walk towards him and get closer to confirm if he's really drunk.
Naamoy ko ang pinaka ayaw kong amoy ng alcoholic drinks mula sa kaniyang bibig.
"Dad bakit ka uminom?" galit kong tanong sa kaniya.
Hinimas ni dad ang buhok ko sabay ngiti.
"Baby I'm sorry ha, di kita nasundo, hayaan mo babawi nalang ako bukas," he uttered with a very cold voice.
"It's okay dad, pero si manong driver nalang po ang susundo sa akin bukas." Inalalayan ko siyang umupo.
"Kumain kana dad? Take a rest na po, I know you're just tired," inilalayan ko siyang maka akyat para pumunta sa kaniyang kwarto.
I began to sob uncontrollably. Why? Bakit kailangan kong maramdaman na nauubusan na sila ng oras sa akin?
I closed my eyes at naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib. Nasasaktan ako. And then I fell asleep.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil tumawag ang isa kong kaklase. Nakalimutan niyang gawin ang report namin so kailangan kong mag madali para gawin 'yon sa school.
Mabilis akong nagbihis at nagpahatid sa driver ni hindi ko na nagawang mag agahan dahil wala na si dad naka alis na siya kaya't tinatamad na akong kumain.
"Good morning queen," bati sa akin ng mga nadadaanan ko. Ngumingiti na lamang ako dahil sa pagmamadali.