"Faith... galit ka ba sa akin?" malambing na sabi ni Vaughn nang lapitan niya si Faith. Nasa hardin ng simbahang iyon si Faith at nagpapahangin. Gabi na, pero hindi makatulog si Faith dahil naiinis siya kay Vaughn. Hindi matanggal sa isipan niya ang ginawang kaharutan ni Stacey sa kaniyang asawa. "Faith... ano ba ang nagawa kong mali para magalit ka sa akin? Sabihin mo para naman maitama ko kung mayroon man..." malamyos ang boses na sambit ni Vaughn. Tumayos siya sa harapan ni Faith. Matalim siya nitong tinitigan na akala mo lalapain na siya ng buhay. Lumunok ng laway si Vaughn at bahagyang kinabahan sa ginawang titig ni Faith sa kaniya. "Umalis ka nga sa harapan ko. Naiinis lang ako sa pagmumukha mo. Akala mo naman napakaguwapo mong hayop ka. Wagas ka kung magpapansin sa mga babae. Hi

