"Vaughn?" gulat na sabi ni Stacey nang magkita sila sa mall. "Stacey?" ani Vaughn. "Ano ang ginagawa mo dito at bakit nakasuot ka na naman ang uniporme mong pang pari? Akala ko ba hindi ka na babalik sa pagiging pari mo?" Nangunot ang noo ni Vaughn. "Ha? Anong pinagsasabi mo? Mahal ko ang simbahan. At isa pa, ang simbahang iyon ang nakapagpabago sa buhay ko. Naya kung aalis man ako, babalikan ko ito." Mahinang natawa si Stacey. "Ano? Sigurado ka ba diyan? Alam mo ba wala ka namang makukuhang maganda sa simbahan na iyan?Nakaka- boring kaya! Puro kabanalan lang mga inaaral mo at pinagsasabi mo. Mas maganda pa rin na normal na tao ka lang. Iyong hindi ka isang pari. Iyong nagagawa mo ang lahat ng gusto mo." "Ayoko naman ng ganoon dahil baka kung ano pa ang maganap sa buhay ko. Imbes na t

