"Faith... kumusta? Nakakaalala naman ba si Vaughn kahit papano?" tanong ni Ashton nang magkita sila ni Faith. Umiling si Faith. "Hindi. Wala pa rin siyang maalala na kahit ano. Pero hindi naman ako nawawalan ng pag- asa. Ang mahalaga, magkasama kami at masaya akong kasama ko siya." "Huwag kang mag- alala, Faith. Naniniwala akong magiging maayos din ang lahat. Kinamusta ko ang mama mo pati anak mo sa Batanes, maayos naman sila doon. Huwag mo raw silang alalahanin. Ang isipin mo raw, si Vaughn..." sambit ni Ashton. Ngumiti ng pilit si Faith. "Salamat naman kung ganoon. Oo... pipilitin kong ipaalala kay Vaughn ang lahat." Matapos ang usapan nilang iyon, bumalik na sa simbahan si Faith. Nakakunot ang noo ni Vaughn nang makita siya noo. Nagtaka tuloy bigla si Faith. "Father? May problema p

