Tanghali na nang magising si Faith. Napangiti siya nang maalala niya ang mainit nilang sandali ni Vaughn. Pakiramdam niya, nagsimula ulit sa umpisa kung paano niya akitin noon si Vaughn. Napangiwi siya dahil masakit ang hita niya. Siya kasi ang gumalaw kagabi kaya naman napagod talaga siya. May naaalala na kaya siya sa ginawa ko kagabi? Siguro talagang hindi niya mapigilan ang katawan niya kahit na wala siyang maalala. Kumuha Faith nang maayos na damit. Nagsuot na rin siya ng bra ngunit wala pa rin siyang suot na panty. Sa pagkakaalam niya, busy ngayon si Vaughn dahil may binyag itong aasikasuhin ngayong araw. Kaya naman nang lumabas siya ng kaniyang silid, hindi siya nagkamali. Kanina pa nga nagsimula ang seremonya sa binyag na iyon. Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng makakain doon.

