59

1155 Words

Mariing ipinikit ni Vaughn ang kaniyang mata ngunit hindi niya pa rin magawang makatulog. Madaling araw na ngunit gising pa rin siya. Naiisip niya kasi ang magandang hubog ng katawan ni Faith pati ang malaking dibdib nito. Hindi mawari ni Vaughn sa kaniyang sarili kung bakit niya naiisip iyon. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit naaapektuhan ako sa ganoon? Wala naman iyon sa akin noon kahit na nakakakita ako nito dati pa ngunit bakit nag - iba yata ngayon? Bakit tila ginugulo ng babaeng iyon ang isipan ko? Nagtaklob ng kunot si Vaughn sa kaniyang mukha upang makatulog na ngunit wala pa rin itong epekto. Tumayo na lamang siya para magtungo sa banyo at umihi. Pagkarating niya roon, lumabas mula sa banyo si Faith. Umihi rin kasi ang dalaga. Hindi alam ni Faith na gising pa pala si Vaughn.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD