Tinitigan ng maigi ni Vaughn si Faith ngunit hindi niya talaga ito kilala. Bumaling siya kay Ashton na ngayon ay nakatingin lang din sa kaniya at hindi makapagsalita. "Anong oras na, Ashton? Kailangan kong bumalik sa simbahan kaagad dahil magmimisa pa ako!" Nagkatinginan muli sina Faith at Ashton. "Ahm... hindi pa sa ngayon Vaughn dahil kailangan mo munang magpagaling. Sasabihan ko na lang muna iyong naka- assign na pari doon na hindi ka muna makakabalik agad." Hindi umimik si Vaughn. Tumingin siya kay Faith. Napalunok ng laway si Faith sabay ngiti ng alanganin. Masakit para sa kaniya na siya mismong asawa ay hindi maaala ni Vaughn. Ngunit wala siyang magagawa dahil malubha rin talaga ang nangyari kay Vaughn. Tumikhim si Ashton. "Ahm... Vaughn, siya si Faith. Siya ang tumulong sa iyo

