"Ate... pwede po ba akong umalis? Niyaya po kasi ako ng kaibigan ko. Birthday daw po ng kapatid niya. Marami silang handa, ate. At mukhang masasarap ang pagkain nila doon. Dadalhan na lang kita," paalam ni John sa kaniyang ate Dianna. "Okay sige. Basta, mag- iingat ka, ha? Huwag kang masyadong magpagabi. Sige, dalhan mo ako, ha?" tugon naman ni Dianna. "Opo, ate magbabalot ako ng marami!" Sinundan na lamang ng tingin ni Dianna ang kapatid niyang naglalakad paalis. Madalas ka na ang kapatid niya ang umaalis sa lugar na iyon kaya mas may kilala ito kaysa sa kaniya. Kaya may naging kaibigan ito sa kanilang bayan. Malayo nga lang ang lalakarin ng kaniyang kapatid. "Ano iyon? Lalakarin lang ng kapatid mo? Parang ang layo ng lalakarin niya. Hindi kaya sumakit ang paa niya at binti?" wika ni

