Panay ang agos ng luha ni Faith dahil sa disgrasyang naganap. Hindi lang pala si Axel ang nadisgrasya, pati na ang kasama nito ngunit bumangga lamang sa puno ang kanilang sinasakyan. "Huwag po kayong mag- alala ma'am at sir, patuloy lang po kami sa paghahanap sa anak niyo," wika ng pulis sa kanilang mag- asawa. Mahigpit na niyakap ni Vaughn si Faith. Walang humpay ang iyak nito simula nang ibalita sa kanila ang nangyari kay Axel. Nanginginig ang katawan ni Faith pati na ang boses nito. "Iyong anak natin, mahal... iyong anak natin... hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nawala siya... baka mamatay na lang din ako..." lumuluhang wika ni Faith sa garalgal na boses. "Shhh... huwag kang mag- isip ng ganiyan, mahal ko. Naniniwala ako na buhay ang anak natin. Ipagdasal natin na

