"Ano? Anong sinabi mo? Bakit siya napahamak? Ano ba ang nangyari? Magsalita ka, Cecelia!" naghi- hysterical na sambit ni Faith. Hindi na nakapagsalita pa si Cecelia dahil iyak lamang siya nang iyak. Napaluha na rin si Faith at nanghihinang napaupo sa isang tabi. Bumuntong hininga naman ang lalaking kasama niya. "Kausapin mo si Ashton. Pakisabi na gusto kong puntahan ang asawa ko sa Maynila. Ngayon na..." nangingilid ang luhang sabi ni Faith kahit na gusto na niyang sumabog sa mga oras na iyon. "Sige po, ma'am." Tulala si Faith nang makabalik sa kanilang bahay. Nagpalipat- lipat naman ng tingin si Rosie sa kanila ng kasama niyang lalaki. Hindi nagsalita ang lalaki at basta lamang itong umalis. Nanghihinang umupo sa sofa si Faith kasabay ng pagragasa ng masagana niyang luha. "Faith? Ano

