Caroline's POV Madaling araw na ng makauwi kami ni Daxen. Dito ako nagpahatid sa bahay na iniregalo sa akin ni Daddy. Dire-diretso na ako sa loob ng kwarto namin at hindi ko na hinintay pa si Daxen na sumunod sa akin. Kahit madaling araw na ay naligo pa rin ako. May warm water naman kaya hindi ako nakaramdam ng lamig. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis na agad. Napansin ko naman na wala rito si Daxen sa kwarto kaya napakunot ang noo ko. Baka naman ayaw niya akong makatabi kaya ayaw niyang pumasok rito kaya hinayaan ko na lang siya. Hindi ko na siya hinanap. Sino ba siya para hanapin at pag-aksayahan ko ng panahon? He's nothing to me kahit na siya ang nakauna sa akin. Humiga ako sa kama. Ipinikit ko na ang mga mata ko dahil sobrang antok n rin ako at tuluya

