bc

His Badass Wife

book_age18+
164
FOLLOW
1.5K
READ
opposites attract
kicking
campus
like
intro-logo
Blurb

Teaser:

"Yeah, she's my lover and first love. But she chose to leave me and going back to states..." rinig kong malungkot na saad ni Daxen sa kanyang kausap na si Jason.

"Pero sabi mo naman ay hindi mo mahal si Caroline at pinakasalan mo lang siya dahil tinakot ka ng parents niya na pabaabgsakin ang maliit nyong kumpanya--"

"Yes. Nandun na tayo. Pero iba na ang sitwasyon ngayon dahil buntis na si Caroline. At isa pa, napag-aralan ko na rin siyang mahalin--"

Ngunit hindi ko na inintindi ang huli niyang sinabi. Pabalya kong binuksan ang pintuan ng opisina niya. Mabilis ko siyang nilapitan at pinadapuan ng sampal sa kanyang mukha. Batid ko ang gulat na bumalatay sa kanyang mukha, lalo na ang mata niyang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Dun ka na sa babae mo! At siya nga pala? Huwag mong intindihin ang ipinagbubuntis ko. Kaya ko itong buhayin kahit na wala ka. From now on, get out of my life! I don't wanna see you ever again!" Galit na galit na saad ko sabay takbo ulit papalabas ng opisina niya.

Ang buong akala ko ay totoo ang pagmamahal niya. Na totoo ang pag-aalaga at pag-aasikaso niya sa akin. Pero puro pagkukunwari lang pala ang lahat ng iyon.

Bakit kung kailan natutunan na natin mahalin ang isang tao ay saka naman nila tayo sasaktan? O baka naman hindi talaga ako karapat-dapat na mahalin?

chap-preview
Free preview
HBW-1
Caroline's POV “Miss Caroline Cordoves!" Isang malakas na sigaw ang nakapag pag gising sa akin kasabay ng pagtama ng kung anong bagay sa ulo ko. "What the f**k?!" Sigaw ko sabay hawak ko sa ulo na tinamaan ng whiteboard eraser. At pinagtawanan pa talaga ako ng mga kaklase ko. Nakapatong ang ulo ko dalawang braso ko na nakapatong din sa ibabaw ng armchair at pupungas-pungas habang kinukusot ang dalawang mata ko gamit ang mga daliri ko. Hanggang sa napatingin ako sa aking guro na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin pero hindi ko siya pinansin. Binalewala ko lang ang nanlilisik niyang mga mata na nakatingin sa akin. Nag unat-unat ako ng braso dahil sa pangangalay sa pagkaka ub-ob ko. Bumakat pa nga yata ang braso ko sa mismong pisngi ko. "Don't curse here, Miss Cordoves! Hindi tulugan ang klase ko! Anong tingin mo sa room na ito kwarto mo at yang upuan mo, kama mo?" Nanggigigil na sigaw sa akin ng Prof kong babae sa harap mismo ng mga kaklase ko na panay naman ang tawanan. Akala mo ay nanunuod lang ng K-drama. Sanay na ang mga ito sa akin at sa guro na araw-araw na lang ay galit sa akin pero hindi magawang ibagsak ang mga grades ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating ng fourth year College dahil hindi naman talaga ako nag-aaral. Madalas pa akong tulog dahil lagi akong puyat. Ikaw ba naman ang gabi-gabi ay laman ng bar at clubs? Basta yung pwede akong uminom ng alak. They say I'm a badass daughter– but I'm not. Naghahanap lang naman ako ng atensyon na hindi naibigay ng aking pamilya. Lalo na si Mommy at Daddy na laging nasa out of town. Laging busy sa business na nakalimutan na yata na mayroon pa silang anak. Nag-iisa akong anak. Mayaman kami at bilyones ang pera namin sa bangko. Not sure the numbers… kaya para saan pa ang pag-aaral ko kung hindi ko rin naman kailangan pang magtrabaho. Like math? Ugh! I hate mathematics. Feeling ko mababaliw ako sa pagresolba ng mga problems nila. Problema ko nga di ko maresolbahan yung sa kanila pa kaya? So, pathetic! Well, pumapasok lang naman ako sa school para lang sa diploma na aking makukuha. Hindi naman ako matatawag na bobo, sadyang hindi lang ako mahilig mag-aral. Kung sa katalinuhan lang din naman ay baka talunin ko pa ang magiging c*m laude ng eskwelahan namin. Basta walang math sa exam ha? Gosh! Bakit ba nilagyan pa ng math ang subject? I rolled my eyes ngunit napatigil ang pagmumuni-muni ko ng magsalita na naman si Prof. Lopez. "Kung hindi ka interesado sa klase ko ay makakaalis ka na, Miss Cordovez! At kung pwede lang ay wag ka nang bumalik!" Galit na dugtong pa nito. Napabuntong hininga na lang ako. Well, pabor sana na hindi ako bumalik sa klase niya pero kailangan e, sorry ka na lang Prof! Halatang gigil na gigil na siya sa akin. Nais kong tumawa ng malakas sa itsura niya na nanlalaki ang butas ng ilong. Animoy toro na handa nang sugurin ang taong nakasuot ng kulay pulang damit. Halos umuusok na din ang ilong nito dahil sa galit sa akin. Well... kailan ba naging hindi? Wala akong maalala na hindi ako inaway at hindi niya ako pinalabas sa kanyang klase niya. "Okay, Prof," balewalang sabi ko. Tumayo na ako at nag-bow pa sa kanya. Ngumiti pa ako na abot hanggang tainga kaya lalong hindi na maipinta ang itsura ng guro dahil sa inis sa akin. Nakakuyom na rin ang kamao niya na animo'y nais na yata ako suntukin! "Get out, Caroline! Get out!" Sigaw nito na halos mapatid na ang ugat sa leeg. Pulang pula na rin ang mukha dahil sa labis na inis at galit sa akin. Balewalang kinuha ko na ang shoulder bag kong puro make up at pampaganda lang naman ang laman saka dire-diretso akong lumabas ng classroom na walang lingon-lingon. "As always naman, masanay kana Caroline." Bulong ko pa sa aking sarili. Naghiyawan ang mga kaklase ko ng tuluyan akong makalabas na para akong nakipag kompetensya at ako rin ang nag-champion sa huling laban. Narinig ko pa ang inis na boses ng terror na Professor ko habang pinapatahimik ang mga kaklase ko. Ngumisi lang ako at dumiretso na lang sa library para doon ituloy ang naudlot kong tulog. Pagpasok ko ay walang katao-tao kaya pumunta ako sa pinaka sulok at doon pumwesto. Kumuha muna ako ng dalawang libro para gawing unan saka ako komportable na humiga. Wala akong pakialam kung naka skirt lang ako. Makikita lang naman nila yan pero hindi makukuha! Baluktot na katwiran ko. Hindi ko na namalayan kung ilang oras na akong natutulog pero ng magising ako. Pagbangon ko ay may nakatakip na sa hita kong itim na Jacket. Tinakpan niya mismo ang nakabilad kong hita hanggang sa bewang ko. Nagtaka naman ako kung sino ang naglagay niyon sa hita ko. “Kanino naman 'to?” Sambit ko habang nakatitig sa jacket na ngayon ay sinusuri at kinikilala ko. Tumingin ako sa paligid at iginala ang paningin pero wala naman ibang tao dito bukod sa akin at sa nagbabantay ng library. Impossible naman na ang librarian ang naglagay nito sa hita ko? As if naman may pake yun sa akin. Kung meron man--I count him in! Tumayo na ako at itinali sa maliit kong bewang ang jacket. Maghihintay na lang siguro ako ng magc-claim nito sa akin kung meron man. Pero huwag siyang umasa na magpapasalamat ako sa kanya dahil hindi ko naman inutos na gawin niya ito sa akin! Ang sama ko 'diba? Tss! Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong dumiretso na muna sa cafeteria. Wala narin akong balak pumasok sa mga susunod ko pang mga subjects. Uuwi na lang siguro ako upang magpapalit ng damit bago dumiretso sa bar na balak kong puntahan mamaya. Naka-schedule na kasi yun sa akin at wala na akong balak ng palampasin pa yun! Pagpasok ko pa lang sa cafeteria ay narinig ko na ang mga malalakas na tawanan, hiyawan at sipol ng mga kalalakihan pero dinidedma ko na lang. Sanay na ako sa mga ganitong senaryo at hindi na ito bago sa akin. "Hi boys!" Pagbati ko sa madadaanan kong kumpulan ng mga kalalakihan. Nginitian ko pa ang mga ito at kinawayan kaya lalong umingay sa loob ng cafeteria na para bang may nakita silang isang celebrity. Hello? Ako lang 'to. Si Caroline Cordoves! I smirk! Dumiretso ako sa pila at bumili ng makakain. I didn’t eat rice kaya naman perpekto ang hubog ng katawan ko, walang kataba-taba ang tiyan, idagdag mo pa malaking dibdib at maliit na sukat ng aking bewang. Habang dala ko naman ang inorder kong pagkain ay napasulyap ako sa pintuan ng pumasok ang kinaiinisan kong lalake. "Tss! Ang goodboy ng taon," bulong ko sa sarili. Laging siya ang nagsusuplong sa sa akin sa mga hindi magandang ginagawa ko sa school kaya naman palagi akong nasa guidance. Matapang at may paninindigan kung tawagin ng iba, maraming nagkakagusto sa kanya dahil gwapo daw, matipuno at higit sa lahat matalino–Tss! Nerd looking naman siya sa paningin ko. Inirapan ko siya ng mapatingin sa akin. Pero dumaan lang ang mga mata nito sa akin para bang hindi ako nag-eexist sa mundo. "Tss! Akala mo kung sino!" Gigil na bulong ko! Dapat nga maging mabait siya sa 'kin dahil isang pitik lang naman ng daliri ko mawawalan na sila ng kumpanya! Sunod naman na nakita ko ay ang taong matagal nang nanliligaw sa akin kaso di ko type! Kaya paulit-ulit ko lang bina-busted. Wrong timing yata ang pagpunta ko dito sa cafeteria ah! Pero nagtaka ako ng hindi niya ako pinansin. "Himala yata, hindi niya ako nilapitan? O baka naman nagsawa na sa katarayan ko kaya nakahanap na ng iba–" naputol ang pag kausap ko sa aking sarili. Hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Napatingin ako sa lumapit na babae at humalik sa pisngi niya. “Iwww! Walang poreber!” Maarte at nandidiri na sabi ko. At sinadya kong iparinig iyon. Tumingin naman sa kinaroroonan ko ang babae na mukhang tiga-kabilang building pa. "What did you say?" Matapang na tanong nito sa akin. Aba... mukhang hinahamon niya yata ako, ah? "Did I say something? Hmm?" Balewala pang tanong ko. Nakipag sukatan ako ng tingin sa kanya pero hindi ako natitinag sa pwesto ko. Humalukipkip ako at ini-emphasize ko pa ang malaking dibdib ko sa harapan niya at alam kong napatingin siya roon. "Hindi ba ikaw si Caroline–The Miss w***e ng University?” Pumalatak pa ito ng tawa pagkasabi niyon. "Anong tinawag mo sa akin? Miss w***e? Aba! Never been kiss, never been touched yata ako!" Nakangisi na patutsada ko. "Really? Never been kissed, never been touched but totally damaged?" Anito sabay tawa ng malakas. Nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi niya kaya naman nilapitan ko siya kaagad at hinawakan sa kwelyo ng damit. Napangisi ako ng matigilan siya sa pwesto niya. “Ikaw na babae ka, hindi maganda ang tabas ng dila mo! Gusto mo ayusin natin!” Agad kong itinulak ang babaeng payatot kaya naman natumba agad sa sahig. Kinubabawan ko siya at saka pinagsasampal sa mukha. Halos masira na rin ang butones ng uniform niya dahil iyon talaga ang balak ko. Ang ipahiya siya at pagsisihan ang mga sinabi niya. “You b***h! Get off of me!” Nanggagalaiting sigaw niya. Hindi siya makapalag at panay lang ang salag sa mga atake ko pero patuloy pa rin tumatama ang palad ko sa mukha niya. Panay ang awat sa amin ni Lance–ang manliligaw ko pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gusto kong manakit! Parang lahat ng galit at hinanakit ko ay sa kanya ko gustong ibuhos lahat! “What are you doing, Miss Cordoves?!” Natigilan ako. Tila natauhan ako ng marinig ang boses ni Professor Lopez. Huminto ako sa pagsampal at kaagad na umalis sa ibabaw ng babae na ngayon ay iyak nang iyak. Tumingin ako sa paligid. Sa akin sila lahat nakatingin. Galit ang mga mata sa akin at simpatya naman ang makikita kapag sa umiiyak na babae tumitingin. “Come to the Dean’s office, Miss Cordoves, Now!” galit na utos ni Prof. sa akin. Nginisian ko pa ang babaeng mukhang kawawa. Masama rin akong tinitigan ni Lance na nais pa yatang magpaka-knight in shining armor sa jowa niya! Samantalang kanina ay hindi makalapit! Pinagpagan ko ang suot kong palda at muli kong tiningnan ng masama ang babae. Ngayon ko lang napansin na nakatingin na rin pala sa akin si Daxen the Saint Student of the campus. I smirked at him bago sumunod sa terror professor ko na nauna na papuntang Dean’s Office. And now, ready na naman ako sa ibibigay nilang parusa sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook