HBW-2

1715 Words
Caroline's POV Pagkarating ko sa Dean's office ay kasunod ko rin na dumating si Daxen, hindi ko alam kung bakit pati siya ay sumama rin sa loob. Pinaupo ako ng Dean na si Mr. Alejo sa upuan na nasa gilid ng office table nito at tinanong kung ano na naman ang nagawa ko. Yes! Nanaman! Ilang beses ko na ba na nagawa ang pakikipag basag mukha sa eskwelahan, hindi ko na iyon mabilang-bilang sa daliri ng aking mga kamay. "Wala po akong ginawa, Mr. Alejo." Pa-inosente effect kong salita. Humalukipkip ako sa harap niya pa mismo. Tila nahirapan naman lumunok si Mr. Alejo ng mapatingin sa bilugan kong dibdib. "Kung ganun ay ano itong report na nakita ka ni Professor Lopez na nakikipag-away ka raw at naabutan ka daw niya na sinasampal mo ang isang HRM student na tiga-kabilang building habang nakahiga ito?" Malumanay na tanong ngunit may diin ang bawat pagbigkas. Halatang nagpipigil ng galit. "Yeah, that's true, Mr. Alejo." Pag amin ko. Totoo naman na ginawa ko kaya bakit ko itatanggi? Proud pa nga ako sa pagkakakwento ng Professor ko. "Bakit mo nga ginawa iyon, Hija. Anong dahilan?" Muling tanong niya sa akin. Ngayon ay malamyos na boses. I smirked secretly. Alam ko naman kung bakit hindi ito nagtataas ng boses sa akin. Dahil kapag ginawa niya iyon ay mawawalan ang eskwelahan niya ng malaking donasyon–na nanggagaling mismo sa mga magulang ko. "Dahil sinabihan niya ako ng "Miss– w***e at hindi iyon totoo dahil isa akong– never been kiss and.. and--never been touch." Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin ang bagay na ito pero iyon naman talaga ang dahilan ng sobrang galit ko. Halos hindi ko masabi ang salitang iyon kaya nagmistula akong nang-aakit. "Kaya nagdilim ang paningin ko at nagawa ko ang bagay na iyon." Dagdag ko pa sa sinabi ko. Ni hindi nga nila ako nakitang makipag lapit sa mga lalake tapos ganun pa ang itatawag nila sa akin? Binabati ko lang sila pero never sila nagkaroon ng pagkakataon na makadaupang palad ako. Ang lalim ng tagalog ko, 'diba? Nagawi naman ang mga mata ko kay Daxen na nasa hamba ng pinto, nakahalukipkip habang nakasandal doon. "Ano bang ginagawa ng lalaking 'to dito? Nakiki chismis?" Inis na sabi ko sa isipan ko. Inirapan ko siya at tumingin na ulit kay Mr. Alejo na nahuli ko naman ang bahagyang pagtawa. Anong nakakatawa? "I know what you feel, hija... pero sana ay hindi mo na pinatulan. You know naman ang rules and regulations natin sa eskwelahan na ito at hindi ko tino-tolerate ang ganiyang behavior dahil nakakarami kana, Miss Cordoves..." Paliwanag pa ni Mr. Alejo habang pinapaikot ang ballpen sa pagitan ng dalawang daliri. Tss! As if naman may pakialam ako. "Yes, and I know that, Mr. Alejo," Walang takot kong tugon. Pinagpatong ko pa ang aking dalawang hita kaya lalong na-expose ang aking mahaba at maputing legs. Saka pinagsiklop ko ulit ang mga braso ko sa ilalim ng aking dibdib. Napatikhim naman si Mr. Alejo at umayos ng pwesto saka tumingin sa paligid. At nang makita nito si Daxen ay pinalalabas niya ng opisina niya. Nagtaka naman ako ka napatingin ako kay Daxen. Tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Nakakunot ang noo at tila naguguluhan kung bakit kailangan siyang palabasin pero kalaunan naman ay sinunod din niya ang sinabi ni Mr. Alejo. Aba! Lumabas nga ang gago! Nang makalabas si Daxen ay tumayo si Mr. Alejo mula sa swivel chair niya at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko at bumulong malapit sa aking puno ng tainga. "Miss Cordoves, sa dami mo nang bad records dito sa eskwelahan ay expelled na lang ang kulang sa iyo pero kung papayag ka sa gusto ko baka mabigyan pa kita ng isa pang pagkakataon," nang-aakit na sambit nito. Nakaramdam ako ng pangingilabot. Pakiramdam ko ay nag tayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Sumama pa yata ang balahibo ko sa ibaba kahit na kaka-shave ko lang kanina nang maligo ako. Hindi naman ako bobo para hindi maintindihan ang nais na iparating ng matandang 'to. Lalo na ang paghaplos nito ng marahan sa aking hita. Hindi pa naman ako ganoong ka-tanga para pumayag sa gusto nito kaya agad akong tumayo at sinampal ko si Mr. Alejo ng ubod ng lakas. Napabaling sa ibang direksyon ang mukha nito habang ang isang kamay ay napahawak sa pisngi na tinamaan ng palad ko. "Bastos ka rin pala, Mr. Alejo! Akala ko pa naman kagalang-galang kang tao! Isa ka rin palang maniac na nagtatago sa likod ng magandang Imahe!" Sigaw ko. Kung kanina guro ko ang nanlilisik ang mata sa inis. Mukhang ako na ang papalit ngayon kay Prof. Lopez. At nginisian lang ako ng gurang na 'to. Ang matandang 'to may itinatago rin pala! Hindi na nandiri sa sarili! "Makakarating ang bagay na ito sa mga magulang ko at sasabihin kong itigil na ang pagbibigay ng donation dito sa eskwelahan mo dahil lilipat na ako sa ibang University!" Galit na galit sabi ko. Rebelde lang ako. Aminado na ako pero hindi ako pakawalang babae! Nang makabawi sa ginawa kong sampal ay bumaling sa akin ng nanlilisik na ang mga mata ni Mr. Alejo. "Well, tingnan natin kung sino ang mas pinaniniwalaan nila sa ating dalawa," may tiwala sa sariling sambit ni Gurang! "Hayop ka! Manyak! Manyak!" Gigil na sigaw ko pero tinawanan lang ako ng matandang gurang! Umikot at bumalik papunta sa office table niya at confident na umupo saka inilabas ang lahat ng report cards ko kabilang na ang mga bad records ko at ipinakita pa talaga sa akin. "Well then, from now on. You are expelled, Miss Cordoves. Now get out!" Sigaw nito sabay turo ng daliri palabas ng pintuan. Halos mag abot na ang hininga ko sa inis at galit. Tiningnan ko siya ng nakamamatay na tingin, saka padabog na kinuha ang shoulder bag ko sa upuan na nahulog kanina ng tumayo ako. Lumabas ako ng silid na hindi maipinta ang mukha dahil hindi mawala-wala ang galit na nararamdaman ko. Ang matandang iyon! Hindi na nahiya sa sarili! Pwe! Nagulat pa ako ng makasalubong ko si Daxen na mukhang balak na bumalik sa loob pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso akong lumabas ng gate ng campus at pumunta sa kalapit na mall para makapag palamig ng ulo dahil pakiramdam ko ay sasabog ako kapag hindi ko na ilabas ang galit ko. Pakiramdam ko magsusuper sayan na ako dahil sa galit dahil sa ginawa at sinabi ng matandang iyon, gustuhin ko man na i-report ang Dean na iyon ay nagdadalawang isip ako. Sino nga ba naman ang maniniwala sa isang katulad ko na isang basagulerang babae? Inaalala ko din na baka ipadala niya nga kina Mommy ang mga bad records ko. Well, maganda na rin siguro iyon para pagtuunan nila ako ng pansin. Dumiretso ako sa favorite spot ko, ang lugar kung saan naglalaro ang mga bata habang ginagabayan ng mga magulang nila. Natutuwa akong makita sila and at the same time ay nakakaramdam nang pagka-inggit sa kanila dahil hindi ko man lang naranasan ang ganitong klaseng paglalaro at pag-aalaga ng magulang noong bata pa ako. Hindi ko na namalayan na pumapatak na pala ang butil ng luha ko. Agad kong pinalis iyon saka tumingin sa paligid dahil baka may makakita sa akin na kilala ako. Ganito ako, matapang lang sa panlabas na anyo pero ang totoo ay iyakin din ako kapag walang nakakakita sa akin. Lalo na kapag nag-iisa na lang ako. Napatingin naman ako sa batang humawak sa damit ko. "Mama–mama–," sabi ng bata. Umiiyak ang baga kaya bahagya akong nataranta. "H-hey, don't cry little girl. What's your name?" Mahinahong tanong ko sa batang umiiyak. Sa tingin ko ay nawawala siya at sigurado rin ako na hinahanap na siya ng mga magulang niya. "C-caroline po." Sagot ng bata habang patuloy na umiiyak. Pasinghot-singhot pa kasabay ng paghikbi. Bahagya pa akong natawa dahil kapangalan ko pa pala ang bata. Naalala ko tuloy ang kabataan ko sa kanya. "May kasama ka ba? Asan ba ang Mommy mo? Halika, sasamahan kita sa kanya." Mas lumakas naman ang iyak nito ng banggitin ko ang salitang Mommy. Napatingin naman ako sa babaeng nagsasalita habang nakatingin sa batang hawak hawak ko. "Caroline–Ikaw nga anak!" Bulalas ng babae habang papalapit sa kinaroroonan namin. Bumitaw sa pagkakahawak sa damit ko ang bata at tumakbo ito papalapit sa babae na sa tingin ko ay ang Mommy niya. "Mommy! Mommy!" Umiiyak ang bata papalapit sa kanyang Ina. Agad naman itong sinalubong mahigpit na yakap at binuhat sa ere. Napangiti ako but I looked away. Mali na naman pero naiinggit ako sa batang yun. "Sana ako rin hinahanap kapag nawawala ako sa paningin nila. Sana magawa rin akong pagtuunan ng pansin ng mga magulang ko. Sana.. sana maramdaman ko rin na mahal nila ako." Himutok ko sa aking sarili. Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha kaya nagpasiya akong umuwi na lang. Nagpasundo ako sa sarili kong driver na si Mang Domeng, nagtaka pa siya kung bakit nasa mall daw ako ng ganitong oras samantalang hindi pa daw tapos ang klase ko. Hiningi ni Mang Domeng ang schedule ko para daw alam niya kung anong oras niya ako susunduin. Hindi naman na ako sumagot sa kanya. Alangan naman na ikwento ko pa ang nangyari sa akin kanina. As if naman matutulungan niya ako sa problema ko. Pagdating sa mansion namin ay dire-diretso akong pumasok sa loob. Nagulat ako and at the same time ay nakaramdam ng tuwa ng makita ko sina Mommy at Daddy na mukhang hinihintay talaga ako. Nakangiti akong lumapit sa kanila para sana yakapin ngunit nagulat ako ng ihagis sa akin ni Mommy ang hawak nitong mga papel. "I'm very disappointed in you, Caroline," saad ni Mommy bago ako iniwan na bahagyang natulala. Si Daddy ay naaawa na nakatitig lang sa akin pero hindi ako magawang damayan. Ngumiti ako kay Daddy. Hindi ko ipinahalata na naapektuhan ako sa ginawa ni Mommy. May bakas man ng lungkot sa mga mata ni Daddy ay hinayaan ko na lang. Ako na ang kusang yumakap sa kanya saka dumiretso na sa kwarto ko upang doon ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD