HBW-3

1515 Words
Caroline's POV Nakatulala ako sa kwarto habang tumutulo ang luha sa mga mata. Napaupo ako sa eleganteng sofa na nasa loob ng malawak kong silid. Ang kamay ko ay nakasapo sa aking maliit na mukha habang patuloy ang pag agos ng aking luha. "Ayos ka lang ba, Hija?" Narinig kong boses ni Yaya Esme pero hindi ako tumugon. Nanatili lang akong tahimik habang tumutulo ang luha ko. Naramdaman ko ang pag upo ni yaya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Lalo naman akong napahagulgol ng iyak. "It's okay, Carol. Malay mo pagod lang sila o kaya naman ay nagkaproblema sa inyong kumpanya, don't take it seriously, okay?" Payo pa sa akin ni yaya. Ayaw nitong nakikitang umiiyak ako. Ayaw din ni yaya na sumasama ng loob ko sa mga magulang ko. "Hindi man lang ba nila ako na-miss yaya? Ni hindi man lang nila ako tinanong kung okay lang ba ako? Kung kamusta na ba ang kanilang Unica Hija. Wala na talaga silang pakialam sa akin yaya." Sumbat ko kay yaya. Hindi ko alam kung bakit si yaya ang dapat kong sumbatan basta ang alam ko lang. Siya lang palagi ang nasa tabi ko. Siya lang ang pwede kong pagsabihan ng sama ng loob ko. Pakiramdam ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi tumugon si Yaya sa mga hinaing ko. Niyakap niya lang ako ng mahigpit at hinagod ang likuran ko. Nagawa kong kumalma. Nagpapasalamat ako kay yaya dahil laging siya lang ang nakakapag pakalma sa akin. Nang maikalma ko ang sarili ko ay nagsabi ako kay yaya na magpapahinga na ako. Sumang-ayon naman si yaya. Hinalikan muna ako sa pisngi bago lumabas ng silid ko. Nagtungo sa banyo, naligo at nagbihis ng pinakasexy na outfit sa paningin ko. Looking forward, Caroline. Hindi bagay sayo ang umiyak at magmukmok na lang. Naglagay ako ng kolorete sa mukha, tinakpan ang namumugtong mata ng concealer, itinaas ang buhok in a messy bun saka ako humarap sa salamin. Nang makita kong maayos na ang itsura ko ay kinuha ko ang heels ko na threw inch ang taas. Pinaliguan ko ang aking sarili ng pabango. Kinuha ko ang mamahaling shoulder bag na gagamitin ko at lumabas na ako ng aking kwarto. Habang bumaba ako sa aming grand staircase. Nakita kong nakaupo ang mga magulang ko sa sofa, katabi nila si Yaya Esme at halatang may pinag-uusapan. Napalingon sila sa akin ng maramdaman ang aking presensya. Tumutunog kasi ang takong ko sa bawat paghakbang ko pababa sa hagdanan. "You're just in time Caroline, come. Join us here." Aya pa sa akin ni Mommy. Pero hindi ko sila pinansin at dire-diretso akong naglakad palabas ng pintuan. Pero tumigil ako sandali bago ako sumakay sa aking sasakyan. "Not now Mom, may lakad pa ako." Malamig na saad ko. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ko agad ito palabas ng aming garahe. Naririnig ko pa ang matinis na boses ni Mommy habang tinatawag ako. "Caroline! Saan ka pupunta? Bumalik ka rito!" Ani Mommy pero nagmistulang hindi ko siya naririnig dahil masama ang loob ko sa kanya. Pakiramdam ko ay wala na talaga silang pakialam sa akin. I drive as fast as I can. Dahil gabi na rin kaya wala ng traffic sa daan. Pakiramdam ko tuloy ay pagmamay-ari ko ang kalsadang dinadaanan ko. Tinawagan ko ang bestfriend kong si Chelsea. Ini-on ko ang aking wireless bluetooth earphone saka inilagay sa aking tainga. Hindi nakalipas ang ilang segundo ay sinagot na kaagad ni Chelsea ang tawag ko. "Hey Chelsea, are you in there already? Good. Okay. Wait for me there." Pagkatapos naming mag usap at magtanong kung naroroon na ba siya sa place na pinag-usapan namin ay ibinaba ko na kaagad ang tawag at mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan. Mabilis akong nakarating sa lugar na pinag-usapan namin ni Chelsea. Wala na sana akong balak na siputin si Chelsea pero dahil nga sa ginawa sa akin ni Mommy ay mas ginusto ko na lang maglasing. Gusto kong makalimutan ang lahat ng sama ng loob ko para sa mga magulang ko. Ipinark ko ang kotse ko at pumasok na ako sa club kung nasaan si Chelsea. "Hey! Over there!" Boses iyon ni Chelsea. Nakita ko siyang nakaupo sa upuan sa mismong upuan ng mga naghahalo ng alak. May nakaready na din na inumin. Chelsea is my childhood best friend, mas matanda nga lang siya sa akin ng dalawang taon kaya nauna siyang grumaduate kesa sa akin. Niyakap ako ni Chelsea ng mahigpit nang makalapit ako sa kanya saka ako pinaupo sa katabing upuan niya at iniabot sa akin ang alak na inihanda na pala nito para sa akin. Agad ko namang inubos ang laman ng shot glass kaya nagtataka si Chelsea tumingin sa akin. Nakakunot ang noo at nagtatanong ang mga mata. "Are you okay? May problema ba?" Nag-aalala na tanong nito sa akon "You know you can count me on. Tell me baka makatulong ako," sincere na sabi pa nito pero umiling lang sa kanya. "Wala naman. Iisa lang naman palagi ang problema ko, nadagdagan lang ngayon," balewalang sabi ko "Come on Carol, I know you, just spill it, pwede kang umiyak kung gusto mo para naman maibsan ang lahat ng nararamdaman mong hindi maganda," naaawang sabi nito sa akin kaya naman huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Na-kicked out ako sa school and nalaman pa nina Mommy at Daddy," balewalang saad ko ulit saka inisang lagok ulit ang alak na ibinigay ng bartender sa akin. "Really? Why? How?" Bulalas ni Chelsea na halos hindi magkamayaw sa dapat itanong sa akin. "Mahabang kwento," maikling tugon ko. Bumuntong hininga naman si Chelsea. "Don't worry about that, okay? Pwede ka pa naman mag-aral sa ibang University, right?" Payo pa nito saka tinapik ang balikat ko. Alam na alam nito kapag ayaw kong magkwento. Wala talaga akong ganang isalaysay sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin sa araw na ito. Hindi naman na siya nagpupumilit pang sabihin ko. "Yeah, pero ang iniisip ko ay sina Mommy and Daddy, masiyado silang dismayado sa akin." "Carol, Don't worry about them, for sure naman gagawa sila ng paraan para makapag-aral ka ulit at makapagtapos, ikaw kaya ang tagapagmana nila." Natatawa Na sabi nito. Pagak akong tumawa. Hindi ko alam kung sincere ba siya sa huling payo na sinabi niya. "Well.. sana lahat ng magulang, kagaya ng Mom and Dad mo. They'll love you no matter what you do," mapait kong sambit saka ininom ulit ang pangatlong baso ng alak. "Bff, lahat naman ng magulang ay mahal ang kanilang anak. Magkakaiba nga lang ng pagpapakita at pagpaparamdam pero nakasisiguro akong mahal ka nina Tito and Tita." Sinsersong payo ni Chelsea sa akin. Gusto kong isipin na sana ganun nga, na mahal nga nila ako pero bakit hindi ko maramdaman? "I don't think so." Ngumiti ako ng mapait. Pinipilit kong isipin ang pagmamahal na sinasabi sa akin ni Chelsea pero wala akong maalala na ipinaramdam nila yun sa akin. Maging siya yaya ay sinasabi na busy lang sina Mommy at Daddy sa trabaho. Para daw sa kapakanan ko ang lahat ng iyon. Pero hindi mo magawang maniwala dahil simula pagkabata ko pa lang ay hindi na nagbago ang turing nila sa akin. Si Daddy naman ay sunod-sunuran lang kay Mommy. Laging si Mommy ang nasusunod at nagdedesisyon para sa pamilya namin. Hindi naman mahalaga sa akin ang pera, ang mahalaga sa akin ay maramdaman kong hindi ako nag-iisa. "Hey, Carol. Is that Lucas? Your kinakapatid?" Turo ni sa lalaking papasok sa entrance ng club, nakasuot pa talaga ang magaling na lalake ng unipormeng pang-pulis. Pinag-aral ni Daddy si Lucas at binigyan pa ng sariling Condo. Naiinggit nga ako sa lalakeng 'to dahil pakiramdam ko ay mas mahal pa siya ni Daddy kesa sa akin. "What is he doing here?" Mahinang sambit ko. Nagtago ako at tumalikod. Tinakpan ko ang mukha ko. "Hey, papalapit siya dito sa kinaroroonan natin." Pagbibigay alam ni Chelsea sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung magtatago ba ako o tatakbo dahil sigurado akong kaya naririto si Lucas ay ipinapasundo ako dito ni Mommy. Napapikit ako at unti-unting iminulat ang mga mata ng marinig kong magsalita ang inaanak ni Daddy. "Stand up! We're going home," ma-awtoridad na sabi nito. "No! I don't want to go home!" Pagmamataas ko pa. Napatili na lang ako ng buhatin ako nito na parang isang sako ng bigas. "Gosh Lucas! Ibaba mo nga ako!" Nagpupumiglas ako habang sinusuntok ang likuran niya. "Ibababa lang kita kapag naka kotse ko na tayo." Matigas na sabi ni Lucas. Oh! I hate him! Bakit ba kailangan niyang sundin ang utos ng mga magulang ko? Grrr! Masyadong pasikat ang isang 'to! Narinig kong nag-ring ang phone niya. Walang kahirap hirap na kinuha niya iyon sa bulsa. Sinagot ang tawag habang bitbit pa rin ako. "Hello sir. Yes Sir, babalik ako diyan. May importante lang akong kailangan asikasuhin. Okay Sir. Bye!" "Grrr! Ibaba mo na ako!" Galit na sigaw ko. "Later. Kapag wala ka ng takas!" Sabi pa nito na lalong ikinainis ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD