Caroline's POV
Nagpupumiglas ako habang pinipilit ni ako ni Lucas na isakay sa kanyang sasakyan. Hanggang sa nauntog ako at nakaramdam ng kaunting hilo dahil sa alak na ininom ko kanina.
"Ouch!" Nasasaktan na sabi ko sabay hawak sa parte ng ulo kong nauntog.
"Yan ang napapala ng masyadong matigas ang ulo. Wear your seatbelt!" Utos nito sa akin. Wala na akong nagawa ng i-lock na niya lahat ng pinto. Inirapan ko siya bago ko isinuot ang aking seatbelt dahil no choice naman ako!
"Bakit ba nanghihimasok ka sa buhay ko?" Naiinis na sabi ko. Totoo naman! Masyado siyang masunurin kay Daddy kaya pati ako nadadamay sa pagkamasunurin niya. Imagine? Nakapulis uniform pa siya ng pumunta sa club. Akala tuloy ng mga naroroon sa club ay huhulihin sila!
"I'm not, wala akong pakialam sa buhay mo. Sinusunod ko lang ang utos ni Ninong," anito habang inilalagay ang susi sa ignition.
"Tss!" Inirapan ko ulit siya bago ako humalukipkip.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa aking shoulder bag saka ko sinagot. Ini-loudspeaker ko pa iyon kahit alam kong si Chelsea ang tumatawag sa akin.
"Hey! Anong nangyari at bigla ka na lang dinala niyang loko-loko mong kinakapatid?" Inis na turan ni Chelsea. Natawa naman ako sa sinabi ni Chelsea saka ako sumulyap kay Lucas at nakita kong nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
"I don't know. Alam mo naman 'to masyadong masunurin kay Daddy. Pero don't worry kapag umalis na sina Mommy at Daddy, overnight na tayo, Okay?" Pangungumbinsi ko.
"Okay. Just take care and call me kapag nakauwi kana. At humanda talaga sa akin yung pinsan mong yan! Sige na. Bye," ani Chelsea. Nagpaalam na ito sa akin at pinutol na ang tawag kaya isinilid ko na ang phone ko sa aking shoulder bag.
"Kung mag-usap kayo, akala mo wala ako dito ah," sita niya sa akin.
"Tss!What-ever!" I said as I rolled my eyes.
Napatapik naman ako sa noo ko ng maalala ko ang kotse ko. Naiwan na naman doon ang baby Amanda ko. Pinangalanan ko ang kotse ko na baby Amanda. Kulay pula ito and look fierce like me. Hindi pa ako masyadong pinapayagan ni Daddy na mag-drive pero ginagawa ko iyon minsan dahil nga pasaway akong anak.
Nakakapagtaka kung bakit nila ako ipinasundo kay Lucas, ganun ba talaga kahalaga ang pag-uusapan namin kaya hindi na sila makapaghintay na makauwi ako ng kusa?
Napatingin naman ako kay Lucas ng mag-ring ang phone nito. Tumingin muna siya sa akin bago niya iyon sinagot. Naglagay lang siya sa kanyang tainga ng wireless earphone saka may pinindot sa kanyang sasakyan upang sagutin ang tawag.
"Yes Ninong, kasama ko na po siya. Opo. Nandito siya sa kotse ko. Ipapakuha ko nalang po ang kotse niya doon sa club. Okay po Ninong. Yes po. Malapit na po kami." Yun ang mga sinabi niya bago naputol ang tawagan nila. Tss! Hindi man lang ipinarinig sa akin ang mga sinabi ni Daddy!
Hindi rin nagtagal ang biyahe namin ay nakarating na kami sa bahay. Nauna niyang tanggalin ang seatbelt niya saka binuksan ang pintuan niya at bumama na habang ako ay nakahalukipkip lang at walang balak na bumaba. Hanggang sa nainip na yata sa paghihintay at siya na ang kusang nagbukas ng pintuan ko habang nakakunot ang noo ng sililin ako.
"Ano? Bababa ka diyan o gusto mong buhatin kita ulit?" Tila nauubusan ng pasensya na sabi nito kaya naman padabog kong tinanggal ang pagkaka suot ng seatbelt ko saka bumaba na rin. Bahagya ko pa siyang itinulak dahil hindi pa rin siya umaalis sa may pintuan na dadaanan ko.
"Tabi nga!" Pagalit na sabi ko sa kanya.
"Tsk! Such a hard-headed woman!" Narinig ko pang sabi niya.
Hindi ko na siya pinansin at dire-diretso na akong pumasok sa loob ng aming bahay. Ipinag Bukas pa ako ni Yaya ng pintuan. Alam niya na darating na ako. Sinabi siguro nila Mommy. Maging si Yaya ay gising pa din at hindi pa natutulog. Naisip kong baka may problema kaya dumiretso kaagad ako salas at hindi nga ako nagkakamali dahil nandun pa rin sina Mommy at Daddy. Si Daddy ay nakatayo at busy habang may kausap sa kanyang telepono. Si Mommy naman ay may binabasang papeles. Mukha namang mga busy. Bakit pa nila ako ipinasundo?
"I'm here," walang ganang sabi ko. Tinanggal ko ang sandals ko at basta na lang iniwan sa tapat ng pintuan. Lumapit ako at umupo sa sofa sa harapan nila mismo Kasunod ko naman si Lucas. Magmano siya kay Daddy. Rinig kong nagpaalam na si Daddy sa kausap niya sa telepono. Si Mommy naman ay inayos na ang mga papeles niya at nilagay na sa kanyang attachécase bago iyon isinara ng maayos.
Umupo ako ng pambabaeng upo saka binuksan ang shoulder bag ko. Kumuha ako ng yosi at lighter. Kinuha ko din ang ashtray na nasa ilalim ng center table.
"Hija, wag mong gawin iyan sa harapan ng Mommy at Daddy mo," pigil sa akin ni Yaya na nasa kabilang side ko. Nakaupo din sa tabing upuan pero hindi ko siya pinakinggan. Kiniskis ko ang lighter at sinindihan ko pa rin ang yosi ko. Humithit ako at ibinuga ang usok gamit ang aking bibig. Narinig kong umubo si Mommy at doon lang nila ako napansin. Galit na naman niya akong tiningnan.
"Kelan ka pa natutong manigarilyo, Caroline?" Galit na bulyaw niya saka inagaw sa akin ang yosi. Inihagis sa sahig bago tinapakan.
"Simula ng palagi kayong wala at iniiwan akong mag-isa." Malamig kong tugon. Sana tiningnan ang aking kuko na malapit ng matanggal ang cutex.
"Anak…" Tinig iyon ni Yaya Esma na nangangahulugan na sinasaway na ako at pinapatigil pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman ako nakinig kay Yaya.
"At kelan ka pa natutong sumagot! Saan mo natutunan ang bagay na iyan? Ganyan ka ba namin pinalaki ng Daddy mo?" Gigil na sabi ni Mommy sa akin. Ngumisi ako.
"Actually, hindi niyo ako ganito pinalaki–" ibinitin ko ang sasabihin ko, "Dahil si Yaya naman ang nag-alaga at nagpalaki sa akin noon pa," Pagpapatuloy ko. Tumayo ako pero pinigilan ako ni Mommy.
"How dare you say that to me!" Isang malakas na sampal ang natamo ko kay Mommy. Inawat naman agad ito ng Daddy and for the first time ay pinagbuhatan na niya ako ng kamay. Pinigilan ko ang luha ko, ayaw kong umiyak kaya kinagat ko ang ibabang labi ko to contain my self not to cry. Maging si Lucas ay nakatayo na rin dahil sa pag-hi-hysterical ni Mommy.
"Ginagawa namin ang lahat para sayo tapos ganyan pa ang sasabihin mo? Wala kang utang na loob sa mga magulang mo!" Galit na galit na sabi ni Mommy sa akin. Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko na kayang ibuka ang bibig ko dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay sasabog na ako. Nanatiling kagat ko ang labi ko habang nakatingin sa mga galit na mata ni Mommy.
"Tama na iyan Susan, bukas na natin ituloy ang dapat nating pag usapan. Magpalamig ka na muna ng ulo," alo ni Daddy kay Mommy. Yeah right! I rolled my eyes.
Walang ganang tumayo ako sa sofa at iniwan sila doon. Umakyat ako sa mataas na hagdanan namin bago dumiretso sa kwarto ko at ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay bigla na lang bumuhos.
Patakbo akong dumiretso sa banyo sa loob ng aking kwarto, binuhay ko ang shower, itinapat ko ang aking katawan at doon ko isinigaw ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala nang lumalabas na luha sa aking mga mata.